read.cash Log in
C@Cess14 more from that month

FriendShip

Ang sino man sa Aki'y mananahan Mananahan din Ako sa kanya. At kung siya'y mamunga nang masagana, Siya sa Ama'y nagbigay ng karangalan. Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay; Walang hihigit sa yaring pag-aalay. Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama, Sa inyo'y Aking ipinadarama. Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan, At bilin Ko sa inyo ay magmahalan. Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay; Walang hihigit sa yaring pag-aalay. Pinili ka't hinirang upang mahalin Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin. Humayo ka't mamunga nang masagana, Kagalakang walang hanggang ipamamana. Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay; Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.