read.cash Log in
C@Cess14 more from that month

GoodMorning !

Papasok ba o Hindi ?? Waahhh Nakaka Tamad kapag ganito ang sistema ng pasok namin Tatlong beses sa isang linggo , alternate pa . Ano na lang kaya mangyayare saamin kapag ganito ang pasok namin nakaka tamad na nga di mo pa alam kung ano mga latest na ginawa ng kasama mo sa area . Bakit ganito na lang yung tamad ko pumasok ngayon . Dahil ba sa konting panahon na lang mag endo na ako .? Kung dati ayaw na ayaw ko umabsent ngayon feeling ko lagi ako tinatamad. Ang hirap naman kasi ng ganito ma eendo ako ng walang record tapos na promote pa . Di naman siguro valid reason yung mag babawas sila ng tauhan . Ang dami na nila inendo halos lahat na nga yata tapos kami na nag ttrabaho ng maayos at walang ginawang di kanais nais sa store ipinag pilitan nila na ma endo din . Talagang pinag initan ako ng HR namin kaya ganito na di manlang ako maipag laban ng SuperVisors ko . Sana bumalik sa kanya kung ano man ang mga ginagawa nya ngayon sa mga empleyado na walang kakayahan na mag salita , dahil kapag nag salita ka ikaw pa masama , ikaw pa babaligtarin, ikaw pa pag tutulungan , at ikaw pa ang sasabihan ng kung ano ano . Kaya ang gagawin na lang ay manahimik sa isang tabi at gawin ang trabaho ng tama at walang pangamba .

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.