read.cash Log in
@Ceedee49 more from that month

Nag aayos ako ng electric fan ng dumating si Boyong, yung super kulit kong anak. Anim na taong gulang, sa pasukan grade one na sya, kaya ngayon pa lang sinusulit nya ang paglalaro. "Oh bakit ka umiiyak?" Alala kong tanong, tulo pati uhog nya, at halatang kanina pa ito naiyak. Maga na mata. "Hu hu hu." "Bakit nga, bakit ka naiyak?" tanong ko uli at pinahid ko ng tshirt ko yung mukha niya. Nahikbi na sya ng mag salita. "Si - si Patrick... hindi ako... isinama sa parke..." sabi nya na nahikbi. "O yun lang umiyak ka na?" "E ginalit... pa ako e,.. mukha daw akong abnoy," sabi niya saka uli umiyak "Huwaaaahh." "Tumahan ka na, para yun lang umiyak ka na." "Eh kasi... sabi pa...sabi nila.. kamukha pa kita..." "E syempre anak kita eh." "Yun nga papa... mag ama daw tayong abnoy... Huwaaaahhh." Lintek na mga bata ito. "Tumigil ka na nga... napaka iyakin mo... para kang hindi lalaki nyan," medyo napasigaw na ako. "Huwaahhhh." Lalo lang lumakas yung iyak nya. Biglang lumabas si Eva, ang asawa ko. "Oh bakit na naman at naiyak yan?" Alalang tanong ni Eva, "bakit mo sinisigawan?...Abnoy ka talaga." Pagkasabi ni Eva lalong lumakas ng iyak si Boyong. "Huwaaaahhhhhh...." "Pambihira naman ito...?"napapailing ako. "Bakit ba?" ""Bakit ba kasi iyon pa sinabi mo?" Patuloy sa pag iyak si Boyong. "Ano bang sinabi ko?... Tahan na baby...tahan na..." inaalo ni Eva ang bata at medyo natahan na. "Ikaw talaga pati bata pinapatulan mo?" Sita ni Eva sa akin. Napapailing na lang ako. "Lika na baby dito tayo sa loob" aya nya sa bata, "huwag ka jan sa tatay mong abnoy." "Huwaaaahhhh.." iyak uli ni Boyong ng malakas at tumakbo na sa loob ng bahay, naiwan si Eva na napatulala, nagtataka at biglang umiyak uli si Boyong. "Anong nangyayari doon?" kunot noo nyang tanong na nagtataka na tumingin sa akin. "Abnoy ka talaga!" Sabi ng sa asawa ko na natatawa ako. "Ano ba!?" Medyo sigaw na ni Eva. "Huwag mo kasing sasabihing abnoy," pabulong kong sabi. "Eh bakit nga?" "Ginagalit daw siya nina Patrick na abnoy sya." "Yun lang?" "Tapos kamukha ko raw sya." "E di syempre." Sagot nya. "Yun na nga, mag ama daw kami." "Aba'y natural." Sagot nya. "Mag ama daw kaming abnoy...tapos sabi mo pa kanina sa kanya, tatay mong abnoy." Napapatawa na ako. Si Eva ay salubong na ang kilay. Parang galit na. Buti at napigilan ko, lalabas na ng gate at parang pupuntahan ang mga bata, sina Patrick. "Huwag na Eva. Away bata lang yan," pigil ko sa asawa ko. "Ayoko ng inaaway ang anak ko eh." Inalo alo ko asawa ko, kilala ko ito, pagdating sa anak namin, lalaban talaga to. Medyo nag ok na naman sya. "Te kuya meryenda po." Sabi ng babae sa may gate. "Ano tinda mo? Tanong ni Eva. "Abnoy po!" "BUSET" Sabay na sabi namin ni Eva at sabay pa kaming pumasok ng bahay. #TagalogJokes

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.