Hello po Subok lang po Libre lait Para galingan ko pa. 😊😊😊😊😊 Love at first ride. By: January47 Ang ganda ng babaeng nakatapat ko sa jeep. Inosente ang ganda. Nakauniporme ng pang college. Base sa ID nya Marisol yung name nya. Medyo napalingon sya sa akin. Kaya agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Pero hindi maalis sa isip ko ang ganda nya. Gusto ko syang makilala. Gusto ko siya. "O anak malapit na tayo." Sabi ni Mama. Muli kong tiningnan yung babae, nakatingin sya sa akin, at nginitian ko sya, ngumiti rin sya. Lalo syang gumanda. "Anak bababa na tayo.... Mama para po sa tabi." Sabi ni mama. "Teka po." Sabi ko. Saka ko kinausap yung babae. "Miss ang ganda ganda mo naman. Gusto kitang makilala. Ako si Marcus Reyes Tolentino. Gusto kita. Pwede ka bang maging girlfriend?" Diretso kong sabi sa babae, na ikinagulat ni Mama. Tumawa si Marisol. "Anak ano ba?... Naku Miss, pasensya ka na." "Ok lang po ate." Sagot nya at ngumiti uli. "So payag ka na maging girlfriend ko.?" Tuwang tuwa kong sabi. "Sorry ha... may boyfriend na ako eh." sagot nya. "Maghihiwalay din kayo, ako... papakasalan kita." Halos magsigawan ang mga pasahero sa sinabi ko. Na lahat na yata nanonood sa amin. "Anak ano ka ba. Naku pasensya na po kayo sa anak ko." Sabi ni mama. Tumigil na ang jeep. "Ano papayag ka ba? Papakasalan kita?" Tanong ko kay Marisol. Nagtatawanan na ang lahat ng pasahero. "Sagutin mo na ako?" Sabi ko pa. "Sige na sagutin mo na!" Sabi ng mga pasahero, habang hinihila na ako ni mama. "Hindi pa kasi pwede... nag aaral pa ako e." Sagot niya na natatawa. "Ako na lang ang boyfriend mo, hihintayin kitang makatapos ng pag aaral mo." Sabi ko na nagpalakas ng tawanan ng mga pasahero. Pati yata driver nakikinig na sa amin. "Sagutin mo na!" Sigaw ng isang babae. "Naku pasensya na po kayo." Si mama uli. "Ok na... sige na boyfriend na kita..." sabi ni Marisol na nagpahiyawan sa mga pasahero. "O ayan mama. May magiging asawa na ako... kaya mag kakaapo ka na." Sigawan lahat. Alam ko nagulat sya at namula ang mukha. "Halika na nga bata ka... anong asa asawa ka jan e hindi ka pa tuli..." sabi ni mama na nagpatawa sa mga pasahero. "Basta pupunta kami sa bahay nyo, kakausapin namin mga magulang mo." Sabi ko sa kanya, habang binitbit na ako ni mama pababa ng jeep, na halos nagtatawanan sila. Masama bang mainlove agad ako. kahit grade one pa lang ako? Tnx s pagbabasa #Wattpad
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet