read.cash Log in
@Ceedee49 more from that month

Bakit ba kita naalala pa Nilimot na kita matagal na Pero ngayon bigla na lang Pumasok ka sa aking isipan Dating kahapon na ating nakaraan Puno ng pangarap at pagmamahalan Pero sa isang iglap ikaw ay lumisan Ipinagpalit ako sa isang mayaman Napakasakit sobra Napapamura ako talaga Bakit mo iyon ginawa Bakit mo ako kinawawa Sabi mo sa akin ng iyong paalam Bakasyon lang ang iyong pupuntahan Pero plano mo na pla na walang balikan Sasama ka kay tisoy at akoy iiwan Nagsikap ako higit sampung taon May naabot na ako at nakaahon Guminhawa ang buhay at may malaking bahay Pero hindi ako masaya kasi may kulang Umaasa pa rin ako na babalik ka Pero sana yung malaya ka na Tatanggapin kita wala silang pakialam Upang ipagpatuloy ang dating pagmamahalan Pero lahat ng yon ay pawang malabo na Dahil ikaw daw ay may bago na Bagong asawa ibang lalake Kakaiba kang talaga kakaibang babae Lintik kasing puso ito ikaw lang ang laman Hindi na tumibok kahit kanino man Hangang ngayoy nag iisa at walang asawa Umaasa pa rin kahit malapit na sa singkwenta #RandomDeepThoughts

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.