-Mahal kasi kita.- Minahal kita mula pa noon, Kahit ako lang ang nakakaalam, Hindi maipagtapat dahil puno ako ng takot, Baka pagtawanan mo lang ang isang tulad ko, Na buong pusong umibig sa yo. Nag ka nobyo ka at para akong namatay, Sana ako na ang lalaking iyong minahal, Hawak kamay kung kayoy naglalakad, Para akong aso na sa inyo'y nakasunod, Sa sarili kong katangahan akoy nalulunod. Nagpakasal kayo at bumuo ng pamilya Kahit na masakit minamahal pa rin kita Hindi ko masabi yung damdamin ko sa iyo, Dahil alam ko Pagtatawanan mo lang ang isang tulad ko. Sa isang himala na lang akoy umaasa, Baka sakaling may milagro na sa akin ay maipasa, Pero parang imposible Ang aking hinihiling, Kung sakali mang, ako'y iyong mahalin. Ngunit isang araw may nangyaring kakaiba, Isang trahedya ang nangyari sa iyo, Nabundol ka ng sasakyan at iyong ikinabulag, na naging dahilan upang ikaw ay iwan, ng lalaking iyong minahal, kasama pa ang inyong anak. Hindi ko maatim na panoorin kang nag iisa, dahil wala ka na rin namang pamilya, Kumilos ako At ikaw ay tinulungan, Pinilit na pangitiin kahit sa mundo mong madilim. Ako ang iyong naging gabay, at iyong naging paningin. Para ituloy ang buhay sa aking piling. Kahit anong mangyari sa iyo, hindi kita iiwan, dahil mula pa noon Ika'y aking minamahal. Pagmamahal na mula sa isang pangit na tulad ko, Wala akong pakialam sa sasabihin ng buong mundo. Basta masaya ako Kasama kita sa piling ko. Alam kong noong simula ayaw mo pa rin sa akin, Pero hindi kita pipiliting akoy iyong mahalin Basta importante lang ang alam ko, Masaya ako sa ginagawa ko, sa iyo. at isa lang ang alam kong dahilan ko, Mahal kasi kita. #TrueLoveStoryes
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet