read.cash Log in
C@Cattt

@Cattt in November 2022

C@Cattt

Good morning mga mate. Kamusta ang lahat ? Kain po tayo ulam ko pork chop. Kakauwi lang namin galing sa sementeryo kasama ko asawa ko at anak ko nagpintura sila ng nitso ng Lolo niya. Pagkauwi ay naligo agad kaming Tatlo. Tapos ngayon eto kakain na muna at gutom na , sobra ang init doon. Umuwi kami agad kasi yung anak ko Aya ng Aya na umuwi na raw. Na bored siya doon ..

C@Cattt

So ayun ng may kwento ako sainyo hehe. Since may chat box Itong bagong noise.app , may na encounter na rin ba kayaong may nag cha chat sa inyo na ibang lahi ? Like indian ganiyan. Last week kasi may nag chat sakin tinatanong kung trabaho ko naraw ba itong noise.app at Ilan raw kinikita ko a day. Sabi ko Hindi naman to trabaho, libangan lang . Hanggang sa nag go good morning and good night na tapos hinihingi na Whatsapp number ko hahaha. Iba rin e nu... Kaya ayun binlock ko…

C@Cattt

Hala grabe nagulat Naman ako dito , dahil nga pa Brown out brown out dito sa amin bihira lang ako mag read ng mga post kasi limit lang rin ang pag gamit ko ng cellphone. Hindi ko akalain na umabot na pala sa ganito kadami ang unread sa news feed ko. Paano ko kaya to mauubos , kahit ilan basahin ko araw araw oag tumigil ako mas doble pa pag open ko ulit.... Sobrang active talaga dito ...

C@Cattt

Pumunta kami ng sementeryo kanina dinalaw namin Lolo ng asawa ko. Pag uwi namin bigka akong nalungkot, never ko pa kasi nadalaw ang ate ko ng pistang Patay e. Isang beses palang ako nakapunta sa puntod niya tapos umuwi na kami dito ng bicol Mula noon diko na siya nadalaw. Pero okay lang sakin kung siya nalang dadalaw sakin di naman ako natatakot e, mas gusto ko nga yun na magparamdam siya o magpakita sa akin . Miss na miss ko na siya...

C@Cattt

Good afternoon mga kaingay! Pati sa noise.app umabot na ang scammer. Hayy naku ingat ingat nalang po..

C@Cattt

Ang pagtulong sa kapwa ay nandiyan na yan, o normal na yan. Pero Hindi sa lahat ng oras dapat mong tulungan ang HUMIhiNGI ng tulong. Baka minsan kasi inaabuso ka na pala. Meron akong isang taong Kilala na kahit ilang beses na siyang binigo ng mga taong nasa paligid niya e nagagawa niya pa ring tulungan ang mga taong ito once na mangailangan sila. Ilang beses ko na rin nasaksihan yun na lokohin siya. One time sinabihan ko siya bakit ka ganiyan ang Dali mong lokohin ? Ang…

C@Cattt

Nag feeling donya nanaman ang Lola niyo hahahah. Umalis na kasi Don kaya ayan bago magligpit pa picture muna ako sa upuan ni Don , magmukha man lang donya ng ilang minuto hehehe. Good night na guys , bukas po ulit...

C@Cattt

Good morning noise mates Sarap naman gumising pagka ganito sasalubong sayo, kaya ako ginaganahan sa araw araw dahil dito. May mga kaibigan kana may Kita ka pa o diba saan ka pa ? Thank you so much sa mga donator na walang sawang sumusuporta sa atin sa akin sa ating lahat.

C@Cattt

Good morning mga kaingay Ayan ulam namin mag asawa, kasag or alimango. Pinagataan ko sa asawa ko at pinasahugan ko ng kalabasa. Mamaya share ko sa inyo pag luto na ...

C@Cattt

Tsaraaaaaan Ito na po ang entry ko, for todays ulam.hehe Ginataang alimango , Hindi siya ganun ka sarap kumpara doon sa maliit lang na alimango. Ito kasing alimango huli sa tabang. Mas masarap talaga Yung alimango na huli sa dagat mas manamnam. Ito medyo iba ang lasa niya... Kain na po tayo mga kaingay

C@Cattt

Magandang hapon mga kaingay! Pag uwi ng anak ko kanina galing school tingnan ko kung ano mga sinulat niya at ayan Nakita ko sa bagong papel na binigay ko sakniya , Puno ng drawing yung isang papel . Hilig talaga ng anak ko ang drawing. Bahala na Lang kayo kung ano sa tingin niyo yan drawing niya haha. Mga heavy equipment sa baba tapos bahay raw namin yan may wifi sa bubong ng bahay na nakakabit sa kawayan hahahahah

C@Cattt

Good evening noisemates Ayan binigay ng biyenan ko , kasag at buyod ( alimango at hipon) bait talaga ng biyenan ko na Yan Basta ayunan mo lang Ang gusto niya at sinasabi niya e magkakasundo kayo wag mo lang saiya kokontrahin e okay kayo hehehehehe... Pero Hindi sa biro , the best talaga Yan biyenan ko nayan... Basta di na kailangan e explain hehehe...

C@Cattt

Good morning everyone Maaga ako nagluto ng fried chicken, favorite ng anak ko. Request niya yan kagabi ngayon ko lang niluto kasi may binigay na ulam biyenan ko kagabi. Maganda ang sikat ng haring araw ngayon at medyo presko Ang ihip ng hangin. Nangangamoy pasko na talaga.

C@Cattt

Good afternoon po. Ready nanaman ang baby ko. Whole day na klase nila simula kahapon. Naligo na siya kanina Umaga ngayon tanghali pinaligo ko ulit siya paraa presko Lalo na sa school ang init doon , dami yan baon ayaw magutom hehe. Kahapon kasi nakalimutan ko padalhan ng baon nung hapon kaya bumawi ngayon... Kamusta po?

C@Cattt

Cute cute naman ng bebelove ng ninang nayan. Share ko lang sainyo tong cuteness ng inaanak ko para ma relieved mga stress niyo sa ka cutan nito... Good afternoon

C@Cattt

Magandang hapon mga kaingay! Naglinis kami sa baybayin ng mga bunot na at basura na inanod ng bagyong paeng. Pagkatapos maglinis ay may ibibigay na ayuda na bigas ang barangay galing sa taas. Pumunta na kami para mag claim ng stab kaso biglang umulan naalala ko may sinampay pala ako na mga kumot at damit kaya Dali Dali akong umuwi pero inabot parin ng ulan... Kaya eto Ewan ko kung maka claim pa ako kasi di ako makabalik sa plaza kasi maulan na dito....

C@Cattt

Como pobre listo Ayan tumila rin ang ulan at buti nalang at kinunan ako ng bilas ko ng stab para ma claim tong bigas na galing sa barangay dahil sa bagyong paeng. Ang Kaso nagkagulo pa kasi andaming di nabigyan , tapos ang masaklap pa yung mga Hindi naman naglinis sa baybayin e nag claim. Tapos yung ibang naglinis walang nakuha.... Haysss kung sa akin lang sana di nalang namigay ng ayuda kung di rin lahat mabigyan para patas

C@Cattt

Good evening mga mate. Good news sumweldo na Bad news kulang pa pambayad sa mga bayarin. Hahayssss ganito nalang ba palagi Wala na ata magbabago. Paulit ulit nalang kahit anong sikap mo kahit anong pagod mo ganun pa rin. Mayaman lang ang yumayaman ang mahirap lalong humihirap. Mga bilihin ang number 1 na pahirap , hay naku. Kain nalang tayo mga mate hehe. Pa emote lang ng onte. Onte lang...

C@Cattt

Good night everyone! A throwback picture of me and my son bonding together. Wala na ako ma I post e. Tsaka matutulog na ako inaantok na ako , bukas po ulit mga mate...

C@Cattt

Good morning mga kaingay! Ang Ganda ng panahon ngayon, sana ganito rin ka Ganda ang buong araw ko ngayon. No more stress na. Dapat happy lang and always positive mind. Hayaan nating ang problema ang mamroblema sa atin Hindi yung problema ang problema hin natin, ano yun tayo mag a adjust? No. Siya mag adjust problema lang siya strong ako hehe. Kamusta kayo ?

C@Cattt

Kagustuhan ang pagiging masaya. Maaari mong piliing maging masaya. May mga magpapalungkot sa iyo sa buhay, pero nasa iyo na yun kung magpapaapekto ka o hindi. #PiliinMagingMasaya #selflove

C@Cattt

Good afternoon mga kaingay Tambay muna sa beach at meryenda na tayo kasi hapon na... Tuwa ang baby ko e Kamusta na kayo ?

C@Cattt

Good evening mga mate Feeling ang mga ferson. Feel na feel ang tambayan at nakataas pa mga paa hehe. Kanina lang yan, pagtapos tumambay diyan pumunta kami ng bayan niyan na asawa ko at bumili ng ulam na luto pork steak at chicken legs na hilaw bukas ko lutuin at favorite yun Ng anak ko. Kayo mga kaingay? Kumain na ba ?

C@Cattt

Magandang gabi mga mate. Sa tapat ng bahay namin pagitan ng kalsada ay may beach resort, at ito ang Isa sa mga Kay gandang pagmasdan ko tuwing Umaga ang hitik na hitik na bunga ng papaya. Alam niyo ba kulay orange ang laman niyan pag hinog ang tamis niya kesa dun sa normal na papaya lang.. galing pa yan Zamboanga tinanim dito yung buto ...

C@Cattt

Good morning mga mate. Maaga ako nagising dahil sa perdon. May prusisyon dito sa amin ng 3 am ng madaling araw , everyday yun Hanggang fiesta. 9 days rin yun. Hindi ako masiyadong pamilyar kung ano ba yung perdon, Basta pag nag prosisyon kumakanta sila ng parang Spanish yata yun. Basta mga mate yun na yun...

C@Cattt

Kapos man sa buhay ngunit masaya naman, di mo dama ang kahirapan pagkasama mo ang Buong pamilya, nagtutulungan, nagkaunawaan at nagmamahalan sa isa't-isa. #simplingpamumuhay #buhayprobinsya Photo from Facebook

C@Cattt

Late lunch Ewan ko ba pag stress ako Wala akong gana kumain. Mag 2 o'clock na pala ngayon lang ginutom kaya ngayon lang kumain... Kain po tayo mga kaingay.

C@Cattt

Pa help naman po. Sa nakaka alam Hindi ko kasi alam bat nagka ganito premise app ko , Sayang naman naipon ko kung di ko ma retrieve account ko dito. Haysssss

C@Cattt

Good evening mga kaingay Kanina pumunta dito yung kapitbahay namin at binigyan ako ng invitation kasi kinuha niya aking ninang ng anak niya ngayong November 12 fiesta dito sa amin. Dalawa ang hahawakan ko sa binyag ngayon. Sana may pera ako non para may pakimkim man lang hahah

C@Cattt

Kagabi maaga ako natulog kasi diko maintindihan naninikip dibdib ko kaya sabi ko itulog ko nalang baka pag gising ko mawala. Pero nagising ako ngayon naninikip pa rin. Sana Wala lang ito 😥 Gaano man kabigat ang problema okay lang sa akin kakayanin ko wag lang ako magkasakit...

C@Cattt

Magandang tanghali sa inyo. Sobrang stress talaga ako kahapon , feeling ko yun yung dahilan kung bakit nanikip dibdib ko kagabi Hanggang ngayon. Since walang check up ngayon kasi Sunday ni re relax ko nalang sarili ko para bukas magpa check up... Sana ay Wala lang ito.

C@Cattt

Mabenta ang Lola niyo sa binyagan , ngayong darating na fiesta dito sa aming Lugar ay may binyagan na magaganap sa simbahan. Kaya andaming magpapabinyag , at yun na nga dalawa ang kumuha sa akin para maging ninang ng anak nila ibig sabihin lang nun may tiwala sila sa akin bilang pangalawang Ina ng mga anak nila. Atsaka masama rin naman tumanggi kung kunin ka diba , kaya sige mag ninang na tayo. Magandang hapon nga pala

C@Cattt

Napansin ko lang tuwing stress ako , order ako ng order ng kung ano ano kahit diko naman talaga nagagamit yung mga inorder ko. Pero pag dumating na order ko ang happy ko kahit na di naman talaga yun kailangan. Nagiging stress reliever ko ang pag order ng kung ano ano pag stress ako. Kaya minsan naisip ko natural paba to? Minsan gusto ko na I delete mga online shopping app sa cellphone ko kaso iniisip ko baka Lalo lang ako ma stress pag ginawa ko yun hay ewannnn

C@Cattt

Nag grocery kami kanina ng anak ko , hirap isipin na itong maliit na eco bag na to almost 500 na grabe ! Hihimatayin kana talaga sa presyo ng mga bilihin ngayon. Wala rin naman tayong magagawa kaya sige tuloy lang ang buhay. Kahit di umasenso ang mahalaga nakakaraos sa pang araw araw na gastusin at malayo sa anumang karamdaman. Kahit ganun lang ay okay na ako... Magandang gabi sa inyo..

C@Cattt

May natirang spaghetti kanina galing sa hipag ko niluto niya to nung meryenda, Hindi naubos kaya ininit ko sa rice cooker. Ginutom ako kakalibang mag bingo. Bukas po ulit mga mate. Good night

C@Cattt

Since tipid tayo ngayon eto na muna breakfast natin tinapay ang star margarine. Good morning mga kaingay! Kayo anong agahan niyo

C@Cattt

Breakfast na meryenda pa. O San kapa ? Tipid tayo ngayon. Tatlo ba naman kumuha sakin mag ninang ngayong 12 ng November huhu may pakimkim na may pa regalo pa siempre. Yung susuutin ko pwede naman siguro Hindi na bago hahahahaha. Hay naku mga mate stress na ako ,

C@Cattt

Grabe mga nangyare ngayon araw. Hindi ko na ma take. Sana bukas maging maayos na ang lahat. Sana pakinggan ni Lord ang mga dasal ko. Sana nga Hindi siya natutulog, katulad ng sinasabi sa kanta. Haysssss Good night na po...

C@Cattt

Good morning sa lahat Kape po muna tayo mga kaingay! Bago simulan ang panibagong Umaga , sanay makiayos sa atin ang araw at maging maayos Naman sana ang mga mangyayare ngayon. Amen!

C@Cattt

High school days. 1980s and 1990s can relate. No offense sa mga mag aaral ng makabagong henerasyon. Ito ay kwento lamang natin. Hahahahaha (Mga estudyante noon) Class suspension - Walang announcement sa tv o radyo..papasok ka kahit bumabagyo tapos malalaman mo lang suspended pag nandon kana at basang basa sa ulan Research - kailangan kabisado mo ang decimal arrangement ng books sa library.. at sanggang dikit mo ang librarian para makahiram ka lagi ng books.. bihira ang…

C@Cattt

Wow Lucky 444 Road to 500 na mga mate. Thank you so much sa mga followers ko and donators na walang sawang sumusuporta Hindi lang sa akin kundi sa karamihan sa atin dito o halos lahat tayo nakakatanggap ng blessings araw araw. Sana tuloy tuloy lang ito at walang magbago. Good afternoon.

C@Cattt

Good night Bukas po ulit. Kailangan na muna magpahinga sa nakakapagod na Mundo.

C@Cattt

Good morning everyone Pagkatapos mag agahan ay maglilinis na ako ng buong bahay namin kasi malapit na ang fiesta na dito sa amin. Share ko lang po sa inyo alam niyo po ba dito sa Lugar ng asawa ko tuwing fiesta halos lahat ng bahay may handaan may karaoke parang katulad lang po nung 80s and 90s. May sayawan tuwing fiesta tapos may mga pa games , yun talaga inaabangan ko pag pista mga paloko lokong games pero masaya...

C@Cattt

Ayan habang naglilinis at nagtutupi ng damit Nakita ko tong luma kong damit na vintage crop top color black. Wow pwede pa naman pala e. Kaya ayan picture picture muna ang Lola niyo naantala tuloy ang paglilinis ko hehe.

C@Cattt

Good morning Ngayon lang ulit nakapag ingay dito naging busy Kasi ako kahapon maghapon, tapos now may seminar Naman kami sa simbahan para sa mga ninong and ninang sa binyag fiesta na kasi dito sa amin bukas. Alam niyo ba halos lahat ng kapitbahay mag kakatay ng baboy pang handa sa fiesta. Ganito dito sa Lugar ng asawa ko. Isa to sa mga gusto Kong Gawain dito... Probinsiyang probinsiya

C@Cattt

Damang Dama na ang fiesta ! Kakauwi ko lang galing seminar sa simbahan , Isa kasi ako sa ninang sa binyag. Required na mag seminar ang mga ninang para raw pag oras na ng binyag e alam na ng mga ninong ninang ang gagawin o isasagot sa pari para Hindi magulo. So kasama na rin doon ang mga pinag usapan ang tungkol sa damit ng mga ninang na hindi pwede labas cleavage, hehe at kung palda naman o dress dapat lagpas Hanggang tuhod pababa. Pero walang sinabi na bawal crop top…

C@Cattt

Good morning mga kaingay Dumating na yung order ko sa shopee na sapatos gagamitin ko sa fiesta hehe. Makipag sayawan ako ng bonggang bongga uso pa yan dito sa bicol e. Sa inyo guys uso paba yan sa Lugar niyo? Naku ako gusto ko parin ang ga ganitong Gawain mag Cha Cha at disco magdamag...

C@Cattt

Goodbye baby ko. Kaiyak kakatayin na siya. So ayun nga kaliwat kanan nagkakatay ngayon kasi bisperas na nng Fiesta. Nag 90 kilos rin ang baboy ko pwede na pam handa , hehe ipakain lang pala nu. Pero okay lang yan. Yan ang kaugaliaan dito e.

C@Cattt

First photo Baby Yrel and next is baby Lexus Dale. Mga inaanak ko ,bininyagan kanina. Kulang pa yan ng Isa di na ako naka attend doon kasi sobrang busy na kanina. Andaming tao since Fiesta dito sa amin kaya diko na napuntahan yung Isa. Haggardo versosa na ang Lola niyo, pero ang ga chikiting active parin... Good evening. Pagod na pagod ako ngayong araw.

C@Cattt

Iniwan ng Fiesta Good morning guys. Eto talaga ang ayoko pag tapos ng handaan o okasyon mga kuskusin at hugasin. Pero kahapon pa yan guys pagkatapos ko mag picture niyan naglinis na ako kahapon kahit may mga nagiinuman pa sa harap bahay. Para ngayon dina masiyado marami gagawin ko ..

C@Cattt

3 days straight na Karne ang ulam kaya ito na muna chicken lucky me, para maiba Naman. Breakfast na po tayo mga kaingay

C@Cattt

Pagkauwi ng asawa ko kanina galing work e nagmeryenda na siya tapos inaya ko pumunta ng pier manuod ng sunset Kaso maulap , kaya pinanood nalang namin dumaong ang barko at habang bumababa ng barko ang mga sasakyan e binibilang ng anak ko bale 22 ang asakay na sasakyan ng barko na nabilang niya. Matibay na talaga magbilang. Good evening

C@Cattt

Good morning mga kaingay Monday na it's a busy day sa lahat. Maaga ako gumising kanina para magluto ng agahan dahil may pasok na anak ko pati narin asawa ko sa work pagka Ali's nila ako Naman kakain para makapag simula na maglinis ng bahay.. Kain po muna tayo

C@Cattt

Orange Bumili ako kahapon nito nung pumunta kami ng pier kasama asawa at anak ko. Pinabili to ng anak ko tapos ngayon niya lang naalala na may pinabili pala siyang orange kagabi, kaya ayan kinain niya na...

C@Cattt

Good morning guys Breakfast namin kanina. Spaghetti and bread. Magdamag ang ulan kagabi, nakapasok na anak ko sa school bago pa man nag declare na Wala raw pasok ngayong araw. Kahit na wala naman na ulan now kundi makulimlim lang. Pero okay narin yun.

C@Cattt

Good morning guys. Picture namin nung binyag ng inaanak ko. Ako yung naka white sa tabi ng inaanak ko at mama niya. Parang normal na picture lang no pero ang totoo sobrang sikip niyan sa simbahan dahil damj ng tao kasi 14 ang batang bininyagan...bale habang nag mi Misa si father is nasa labas lang kami nakatayo kasi di na kasiya sa loob. Nakapasok lang kami nung time na tapos na at mag picture nalang

C@Cattt

Giant squid huli ng asawa ko bale ulo nalang yan ng pusit yung katawan niya pinakilo na namin at may bigat na 5.3 kilos. Mamaya papakuluan ko ito at ilalahok sa gulay para may pang ulam... Magandang hapon

C@Cattt

Good morning everyone Kahapon ng hapon dumating na yung binili kong biik sa kabilang barangay, habang nag ta trabaho si mister gusto ko rin siya tulungan kahit nandito lang ako sa bahay. Hindi dahil sa maliit sweldo niya kundi dahil mag asawa kami kaya dapat nagtutulungan kami kung ano ba dapat gawin para mas makaluwag luwag kami...Ang pag aalaga kasi ng baboy sa una di ka talaga kikita kasi puro bili ka ng feeds pero after 4 months pwede mo na ibenta parang alkansiya lang…

C@Cattt

Magandang Umaga! Buti pa to nag pa ramdam yung jowa mo Hindi na hahahahah charotttttttt.

C@Cattt

Ganito set up ko palagi sa bahay pagka ganitong may pasok anak ko tapos nasa work asawa ko. Kung ano ano ginagawa ko para malibang.

C@Cattt

Gusto ng isang malapit na tao sakin na magkaayos kami nung babaeng malapit rin sa akin dati. Ang sagot ko lang ayoko na mas okay na po yung hindi na kami nagpapansinan hindi na kami nagkikita at least ngayon mas natahimik kami at mas gusto ko yun kesa magkalapit kami kung paulit ulit lang rin kaming magkakasakitan mas okay na yung malayo siya malayo ako at Hindi na kami magkita... Kasi unang una Wala Naman akong ginawa pangalawa nadamay lang ako kahit Wala akong alam..

C@Cattt

3days ng nasa manila asawa ko nag biyahe ng isda pa bulacan galing dito sa bicol. Sunday pa raw uwi niya ang tagal. Nahihirapan talaga ako pag Wala siya dito , number na sa ulam may pera man kaso hirap ako maka decide kasi walang nagtitinda dito ng lutong ulam o kung magluluto man ako e Sayang lang kasi dalawa lang kami ng anak ko konte lang naman kinakain ng Bata. Kapag dito aswa ko pagka ganito mas madali siya makapag decide kung ano uulamin kasi pupunta agad kami ng bayan…

C@Cattt

Good morning So yun nga habang timuturuan ko mag spelling yung anak ko e biglang nag brown out. So para matuloy yung pagtuturo ko naisip ng anak ko ilagay nalang sa noo niya yung flashlight habang nagsusulat siya. O diba bright idea yan anak. Anyway grade 1 palang po anak ko pero Pina pa spelling na po agad sila ng teacher nila. Pero para sakin mas okay na rin yun mas advance mas maganda diba. Mas madaling matuto...

C@Cattt

Maghapon Brown out dito sa amin ngayon lang nagka kuryente, kakauwi lang rin namin galing birthday han bago ako umalis ng bahay nag picture muna ako hahaha Sayang outfit e kung walang picture Lalo na at 2 percentage nalang battery ko kanina bago kami umalis, kaya pati anak ko walang picture sa birthday han kanina kasi deadbat na cellphone ko. Hingi nalang ako soft copy sa may birthday kasi may photograper Naman sila na ni rentahan... Anyway busog na heheheh Good evening…

C@Cattt

Second time ko maglaro nito, first try ko Hindi ko nakuha ngayon nakuha ko yun magic word pero kailangan pala Lima ang masagutan bagi makuha ang price. Hehe. Palagi ko kasi nakikita tong app nato dito kaya try ko nga , okay naman nakaka willi hehe. Good morning

C@Cattt

Good morning po. Kakauwi lang ng asawa ko galing Manila. 5 days rin siya sa manila. Nag deliver sila ng isda tapos pag uwi naman may karga naman silang semento at mga bakal. Yung negosyo kasi g boss niya e may barkong ginagamit sa pangingisda tapos may hardware, kaya magandang idea talaga yun para kung mag deliver ng isda sa manila pag balik e may karga ulit.

C@Cattt

Magandang hapon po Kakauwi lang ng asawa ko kanina Umaga galing Manila tapos ngayon sinundo nanaman siya ng katrabaho niya at babalik na ulit manila kasi may huli yung PANGULONG ( barkong pangisda ) kailangan na ma deliver para di masira. Sabi ko nga sa asawa ko Hindi pa nakakatulog e bibiyahe na ulit...dalawa Naman sila driver palitan kaya Sabi ko havang nag d drive yung kasama niya matulog siya at pag siya nag drive e patulugin niya kasama niya para mabawi puyat nila...

C@Cattt

Dumating na yung order ko sa shien maganda sana kaso bakit parang Hindi ako natutuwa. Extra Small na nga yung kinuha ko pero bakit luwag parin hahahahahah. Hay naku ipapamigay ko nalang to sa nabyayaan ng kalusugan , hehe. Good evening. Kumain na po ba kayo ? Kami tapos na. Kaya mag ingay na muna dito bago matulog...

C@Cattt

Pambansang agahan ng pilipinas. Itlog hehe. Yan ang request ng anak ko , kahit nga Karne na ulam nun ang hinanap itlog parin hayssss. Hindi ko na siya hinatid kasi kasama Naman niya tita niya teacher kasi yung tita niya sa school nila ibang grade nga lang timuturuan kaya naka libre na ako sa paghatid. So ayun na nga pagka ganitong may pasok Ako lang natitira sa bahay. Daming ligpitin diko alam ano sisimulan ko hahaha. Good morning

C@Cattt

Baka po may nakakuha na sa inyo ng magic word diyan hehe sabihin niyo nalang po sa akin para hindi na ako mahirapan hahahah. Almost 1 hour na ako dito e para maka saing na ako hahah.

C@Cattt

Magandang tanghali po. galing ako sa simbahan nag pa profile sa Phil heath. Iniwan ko anak ko sa bahay pag uwi ko may pinagkainan na sa lamesa. Sabi ng anak ko mama ko kumain na ako solo Wala akong ulam nagutom na ako pero in bicol niya yan sinabi. Sabi ko bat dika nagsabi Kay tita mo nasa kabilang bahay lang naman. Di na sumagot.. hayssss pero buti narin yun kumain siya nung nakaramdam ng gutom. Kayo po kumain na ?

C@Cattt

Wow. Naka dalawa na ako. Salamat google hahahaha tumama agad. Nag research muna bago sumagot.. Kayo mga kaingay ano pinagkakaabalahan niyo?

C@Cattt

Kakauwi lang namjn galing ng bayan , tinreat kami ng papa namin ng pizza kasi kakauwi lang rin niya galing Manila. Ilang days rin kasi siya doon. Tuwang tuwa naman anak ko, kaya ngayon pag uwi busog pa rin Ewan ko lang kung anong oras na makakain ng hapunan kasi busog pa dami nakain ng anak ko...diko na napicturan pizza kasi pag serve palang nilantakan na ng anak ko sobrang excited 😆 Good evening po