Picture muna bago pumunta ng school para sunduin ang anak kong grade 1. Araw araw kelangan ihatid at sunduin kasi Hindi sila pinapalabas pag walang sundo. Dahil na rin sa kumakalat na mga Balita na may nangunguha Ng mga Bata , totoo man o Hindi kailangan parin natin mag ingat. Keep safe po tayo.
@Cattt in September 2022
8k na sahod kahapon 300 pesos nalang natira ngayon. Grabe Hindi ko alam kung Pano to pagkakasyahin gang kinsenas. Laging delay sweldo ng asawa ko , kaya ang ending yung sahod niya pangbayad nalang palagi ng utang... Kelan kaya kami makaka survive sa ganitong Sistema. Kumuha ako ng baboy para kahit papano may alkansiya pero parang mas Lalo kami nagipit.
Magandang hapon mga kaingay. Tamang tambay at pahangin muna sa beach. Pantanggal ng stress... Kamusta na kayo ? Tagal ko rin nawala dito. Medyo naging busy rin.
Good morning mga ka ingay. Pagkatapos ko ihatid kanina sa school ang anak ko pumunta ako sa baybayin sa tabing dagat at Nakita ko tong jellyfish na kulay purple. First time ko Makita ng ganitong kulay. Usually kasi na nakita ko dito kulay puti. Ito ang Ganda ng kulay. Pero bawal yan hawakan kasi Makati yan....
Magandang gabi mga kaingay. Ayan kanina mababa ang tubig kaya nanguha ako ng pwede maulam sa dagat. Tawag nila diyan dito sa bicol sang. Sa Tagalog diko alam tawag diyan. Pero masarap yan, Lalo na sa malunggay gataan mo lang solve na sa ulam...madami rin ako nakuha , bukas ko lulutui ,pinakuluan ko lang ngayon.
Good morning guys. 4am palang kanina gising na agad ako para maghanda ng almusal ng anak ko at at asawa ko. Grade 1 na Kasi anak ko tapos asawa ko Naman pasok ng work. Pagkatapos ko magsalang ng bigas sa rice cooker, nagluto ako ng okoy para ulam nila. Kaya ito magiingay muna ako dito kasi tulog pa sila.. kayo mga kaingay gising narin VA kayo?
First time ko makakita ng buhawi sa dagat pa mismo. Kaso sa sobrang pagmamadali ko kasi mala late na anak ko sa school Hindi ko man lang napicturan. Pero sana lang walang nasaktan na mga mangingisda na malapit doon..
Gandang hapon mga kaingay. Pagbukas ko ng cellphone ayan nag notif si Maya may pa September gift hehe Ang kuripot nu 10 pesos lang dipa ginawang 100 hehe. Try niyo rin po account niyo baka meron. Sayang rin yan...
https://noise.app/Jessicattt Hello po maganda hapon. May bago po ang noise. Click niyo lang po yan link sa taas tapos sign in na kayo. Madali lang po...
Good morning mga kaingay. Low budget kaya yan na muna ulam namin ngayon... huli yan ng asawa ko kagabi , konte lang nahuli nila di pwede ibenta kaya pang ulam nalang nalang. Ng makatipid tipid narin kahit papano. Kayo ka noise ano mga ulam niyo ?
Good morning guys. Sea lover ako pero di ako marunong lumangoy. Hehe. Ewan ko ba gustong gusto ko ang view ng dagat pero ayoko maligo. Dito sa baybayin ako madalas tumambay Lalo na pag madaming mabigat sa dibdib ko na kailangan ki ilabas , mga sama ng loob dito ko lagi binubuhos ng kahit papano nawawala stress ko...
Kanina naisipan namin pumunta ng pier. Gumagala gala , Kumain ng street food , nanuod ng nag su Zumba kasama anak at asawa ko. Kaso kj asawa ko takot sa picture kaya kami lang ng anak ko may picture... Share ko lang . Good night po ..
Good morning kaingay. Maaga akong nag asikaso kasi lunes nanaman. Pasukan nanaman. Pagkahatid ko sa anak ko sa school umuwi narin agad ako kasi medyo malayo kami sa School, magluluto na muna ako at gagawin mga gawaing bahay tapos balik ulit sa school para sunduin siya.... Daily routine ko to pag school days...
69th birthday ng Mama benday ko kahapon. Ako lang yata sa magkapatid ang walang ambag haha. Salamat sa mga kapatid ko na walang sawang pagsupurta Kay mama. Bigyan lang siya ni lord ng mahaba pang buhay at healthy na pangangatawan okay nayun...masaya na ako don.. sana next birthday niya makauwi ako. Miss na miss ko na sila... Lalo na ang mama ...
Wow. Salamat Noise.cash nagka ft na rin... Sana next time laki lakihan mo hehehe... Simulan muna natin sa magandang Umaga para tuloy tuloy ang biyaya...
2 months and 9 days na mga baby ko...habang nagtatrabaho si mister ako naman ito ang pinagkakaabalahan ko dito sa bahay at the same time nag aalaga ng aking anak. Para di ako ma bored nag aalaga ako ng baboy ng sa ganun may alkansiya na kami para sa pasko at para na rin sa iba pang mga gastusin... Kayo mga kaingay pa share Naman ng mga pinagkakakitaan niyo diyan habang kayo ay nasa bahay lang ..
Ayan para tipid.. walang gasul naubusan narin ng uling kaya namulot nalang ako ng kahoy para panggatong.. tsaka sabi nga nila mas masarap raw ang pagkain pagka niluto gamit sa kahoy.. how true ? Hehe Basta may makain okay na sakin kahit saan lutuin basta malinis at healthy..
Maaga akong nagluto para sa hapunan. Pero gutom na ako kaya Kumain na kami ng anak ko, pero mamayang Gabi kakain ulit pag nagutom nananman. Timon timon binili ko sa kapitbahay namin, 5 pieces yan dalawa lang kami ng anak ko kakain kasi yung asawa ko nasa kabilang bayan na destino, kaya pagkain lang namin ng anak ko niluluto ko kasi di naman nauwi asawa ko , sa barracks na siya natutulog..
Good morning mga kaingay. Ang aga ko nakatulog kagabi kasi nang agaw ng Remote tong anak ko akalain mo yun nakatulog siyang hawak hawak pa yunh remote at baka kunin ko hahahahah , kape po muna tayo mga kaingay bago simulan ang mga gawaing bahay...
Good morning mga kaingay. Nagluluto ako ngayon ng pang lunch namin ng anak ko. Ang tawag nila dito sa lutong ginawa ko is adobo sa asin.. Karneng baboy siya na ilalaga mo lang sa asin Hanggang matuyo...Yun lang Ang recipe niya. Pero in fairness masarap siya...
Mainit na tanghali mga kaingay. Nakatulog na anak ko buti naman at ako Naman gagamit ng cellphone. Kada short video na napapnood niya sa YouTube binibilang niya pag naka 100 naraw siya binigay niya sakin...naka 81 lang siya tapos nakatulog na hahahaha
Magandang hapon. Gising na anak ko. Nilabas niya yung mga drawing niya kanina... Yan Ang hobby ng anak ko ang mag drawing... Favorite niyang I drawing mga heavy equipment... Nakikita niya kasi yan na ino operate ng papa niya sa work...kaya nakahiligan niya ...
Malamig na umaga mga kaingay. Keep safe po Ang lahat Lalo na at may bagyo... Late na kami nagising, ang sarap pa humilata pagka ganitong malamig ang panahon kaso kumakalam na sikmura ko hahah kailangan na talagang bumangon para makapag kape at makapag luto na rin ng agahan.
Good morning mga kaingay. Dahil sa masamang panahon kahapon palang nagsibarahan na ng kani kanilang mga bangka ang mga mangingisda dito sa amin. Sa takot na baka ihambalos ito ng mga malalakas na alon... Sana ay malusaw na ang bagyo. Mag ingat po tayong lahat.
Last week pumunta dito yung tita ng asawa ko nagpaluto sa bahay ng kinunot na pagi. Favorite ko yun, pero Hindi ko alam kung paano kainin kasi ganito ba naman kadami ang sili hahaha ano pa nga ba ini expect ko e nasa bicol nga pala ako. Nung nasa Mindoro ako dati ayoko talaga ng maanghang pero nung napunta ako dito nasanay narin ako kasi araw araw ba naman may sili ang ulam... Ultimo mo nga lugaw dito may sili e hahahaha
Magandang gabi po. Signal number 2 kami, sabi sa Balita walang pasok bukas lahat ng Lugar na may signal ang bagyo...Wala naman ulan dito samin medyo katatamang lakas lang rin ng hangin pero mas okay na rin yun na walang pasok para mas sigurado ang kaligtasan ng mga bata...
Massive Thunderstorm under Lupao, Nueva Ecija Shot on Realme 8 5G Agupalo Weste, Lupao, Nueva Ecija Keep safe! (C) Glenn Photography Mag
Magandang gabi mga kaingay. Maaga kaming naghapunan ngayon Kasi baka biglang mag brown out dahil masama ang panahon mahirap nga naman kumain ng madilim.... Ulam namin binigay lang ng hipag ko at biyenan ko... O diba ganiyan ako kabait binibigyan ako pag Wala kami ulam hehehehe
Share ko lang tong napapnood ko sa kmjs kanina. Maging maselan tayo sa mga komento , 11 years old nabuntis na. Grabe kung ano ano nalang napapnood ko dito sa kmjs. Sabi ng expert kanina dapat sa bahay palang tinuturo na sa bahay ang tungkol sa s.. para maging aware Ang mga anak natin....
Good morning kaingay. Medyo mainit na ang panahon dito samin. May lakad kami ngayon Ng asawa ko mag re renew siya ng license niya kasi malapit na mag expired. Almost 1 hour binyahe namin pa ligao city ang kaso biglang nag announced ang lto na sarado sila ngayong araw dahil sa bagyo. Although di naman talaga kami apektado ng bagyo. Sana lang mas maaga sila nag announced na Wala para Hindi na sana gumastos..
Magandang tanghali mga kaingay. Salamat at nakauwi ng ligtas at hindi umulan... Pero babalik pa kami bukas kasi Hindi natapos ng asawa ko ang pagbrenew ng license niya kasi biglang nagsarado yunh LTO.
Magandang hapon mga kaingay. Bumili kami ng feeds ngayon pagkain ng aming alagang baboy. Per Sako ako kung bumili ng feeds kasi mas discounted at matagal maubos pag sako Sako ang binili ko....nakakalungkot lang na sa sobrang Mahal ng feeds ay siya namang mura ng kilo ng baboy pag binenta mo na...
Tuwang tuwa ang mag ama. Lalo na anak ko Nakita nanaman niya si Jollibee. Date date rin pa minsan minsan hindi yung puro trabaho nalang hehehe. Pupunta pa sana kami kanina sa Kawa Kawa sa ligao city para masilayan ang bulkang mayon ang kaso ayaw magpakita ng mayon.... Dahil sa masamang panahon.. kaya next time nanaman....
Good evening po mga kaingay. I'm new po dito. Sanay welcome ako...
Hello po mga kaingay. Pa add naman po ako sa bago kong account sa noise app https://noise.app/invite/zptqk07z para naman po maging friend ko rin kayo doon , thank you po.... and Good night...
Good night na po mga kaingay. Kailangan ko ng magpahinga dahil maaga pa ako gigising bukas dahil may pasok na ulit ang junakis ko.... Bukas Naman po ulit tayo mag kwentuhan...
Good morning mga kaingay. Picture ng mag Lola kaninang Umaga ayaw magpalapag ng baby kasi may sipon siya gusto kalong kalong lang siya. Anak yan ng kapatid ng asawa ko.
Good morning po. Sa mga wala pa pong account diyan sa noise.app mag sign in na po kayo dito https://noise.app/invite/zptqk07z para makapagkwentuhan rin tayo don sa kabila...
Magandang tanghali mga kaingay.. Pagkauwi ng anak ko kanina pinakita niya agad tong scores niya, last week kasi puro zero siya kasi ayaw mag sulat iyak ng iyak sa school. Binilhan ko siya ng bagong sapatos para lang mag pursige siya mag skwela at sa awa ng diyos nakinig naman siya na magsulat na siya sa school...
Good morning po. Happy ang junaknak ko nakapag Jollibee kahapon. Ganiyan kalang sana ka happy araw araw e masaya na ako... Kamusta po kayo mga kaingay ?
Magandang hapon. Kakauwi ko lang galing meeting. Nagkaroon kami ng homeroom meeting sa school sa grade 1. Pagkauwi ko naghahanap ng meryenda tong anak ko mabuti nalang may nagtitindang siomai sa unahan, kaya ayun nadaanan pa namin pinsan niya kaya sinabay ko na sa meryenda...busog ang dalawa hahahaha...
Kakauwi ko lang galing meeting sa school. Pag uwi ko naghahanap ng meryenda tong anak ko mabuti nalang may nagtitindang siomai sa unahan kaya ayun bumili kami at sinama ko yung pinsan niya kaya solve silang dalawa....
Magandang gabi po ! Kakauwi lang ng asawa ko galing LTO , umalis siya kanina sa bahay 4am umuwi siya 5 pm na dahil sa haba ng pila. Gutom na gutom pag uwi ni Hindi raw siya nakapag agahan at hapunan dahil sa pila akala niya raw kasi maaga matatapos.. Sabi ko na kasi mag baon ng biscuits ayaw maniwala sakin e... Katigasan rin ang ulo hahahah. Sabi niya pwede pwede pala hindi kumain sa isang araw nu ? Hahaha buhay pa naman raw.. Sabi ko nga oo buhay pero pasma sa gutomm
Good morning mga kaingay. Maaga akong nagising kanina kasi 5am palang bumyahe na asawa ko papunta sa city. Dun na kasi distino niya sa work. Kakahatid ko lang rin sa anak ko sa school kaya ito maglilinis na muna ako ng bahay namin at magpapakain ng aking mga alagang baboy... Tapos tambay na ulit ako dito para makapag kwentuhan tayo...
Magandang umaga po ! Kakauwi lang ng asawa ko galing LTO , umalis siya kanina sa bahay 4am umuwi siya 5 pm na dahil sa haba ng pila. Gutom na gutom pag uwi ni Hindi raw siya nakapag agahan at hapunan dahil sa pila akala niya raw kasi maaga matatapos.. Sabi ko na kasi mag baon ng biscuits ayaw maniwala sakin e... Katigasan rin ang ulo hahahah. Sabi niya pwede pwede pala hindi kumain sa isang araw nu ? Hahaha buhay pa naman raw.. Sabi ko nga oo buhay pero pasma sa gutom
Wednesday na Naman ! Lending is waving nanaman. Hahaha. Ang sarap mangutang diba pero ang hirap naman magbayad. By December tapos narin ako sa loan ko at napag desisyonan ko ng di na muna mag loan. Kasi ang purpose ko lang naman talaga is mahulugan ko sss ko thru lending, accredited kasi sila ng sss. Kesa pumunta pa sa City dito nalang ako naghuhulog para iwas sa pamasahe at pag biyahe... anyway good morning po
Good afternoon mga kaingay. Kakatapaos lang namin maghulog sa lending. Inabot si madam ng hapon kasi may mga member pang Hindi pa nakakahulog. Umuwi narin ako kasi gutom na ako. Sakto pagkatapos ko kumain may naghatid nitong goyabano dito sa bahay.. favorite ko to e... 3 years ago nagtanim rin ako nito sa may bakuran namin. Ngayon namumulaklak na siya...
Sana naman tumaas taas ka rin kahit konte hehehehe ng madami akong mabahaginan. Sino dito nakakarelate ? Haha
Magandang hapon mga kaingay. Naki connect ako sa kapitbahay namin sa wifi.. 10 pesos 12 hours ka ng naka connect. Nag yo YouTube anak ko tapos nakaramdam ng antok kaya ayan ako na gumamit cellphone tas siya nakatulog na sa lap ko... Uuwi na rin kami nag ingay lang talaga ako dito hahahaha.
Magandang hapon mga kaingay. Tumambay ako dito sa kapitbahay namin sa mga pinsan ng asawa ko tapos Ito pumunta dito tong batang makulit na to nakiki pag halakhakan sa akin hahahahah. Cute cute yan e anak yan ng pinsan ng asawa ko. 1 year old na siya. Yung anak ko naman naiwan sa bahay tulog pa , pero malapit lang naman bahay namin dito isang bahay lang pagitan..
Good morning mga kaingay! Kuha ko yan kanina nung Hindi pa sumisikat ang haring araw, akala ko nga uulan ngayon pero mainit na rin dito sa amin. Kanina pagkahatid ko sa anak ko sa school umuwi narin agad ako. Tapos pumunta Naman sa bahay yung hipag at beyinan ko inaya ako pumunta dun sa kumare ni mama kasi may handaan 1 year death anniversary nung kapatid ng asawa ng kumare ni mama kaya naka libre na kami ng agahan hehehe. Nagbibiruan pa kami kanina nung pag uwi namin na…
Good morning ulit mga kaingay ! Dahil nga maganda na ang panahon dito sa amin, nakatambay narin ako dito sa baybayin. Ang sarap dito magpahangin at magpahinga kapag pagod ka o may problema ka. Nakakawala rin ng stress ang mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mababa ang tubig ngayon pero mamaya maya babalik narin sa dati ang tubig.
Good afternoon mga kaingay.! Half day lang pasok ng anak kong grade 1 Hanggang katapusan ng October pagkatapos nun ay whole day na sila Mula November gang June. Pero ngayong hapon pinabalik sila sa school dahil may program about sa story telling, tapos ayun na nga nag send ng pictures yung teacher ng anak ko sa GC namin. Bale yung may Pinocchio character na korona ang anak ko. O diba mukhang tahimik yan ah. Parang di yan pasaway sa school hehehehe.
Throwback picture from Facebook Habang Nakatambay ako dito sa kapitbahay namin ngayon, naka connect ako sa wifi nila. Sobrang init dito kanina tapos bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kaya uuwi na ako kasi tulog pa sa bahay yung anak ko baka biglang magising tapos mamalayan na Wala ako don iiyak Yun o magwawala ... Kaya mamaya na tayo ulit mag kwentuhan mga kaingay...
Magandang hapon mga kaingay. Nakita ko na nagkukumpulan ang mga kapitbahay ko sa may kalsada , dahil ako ay may pag ka marites hahahahaha agad naman ako naki usyoso at usap usapan pala na yung anak ng kapitbahay namin na mahilig mag Piso net kaka ML kagabi dun sa may tabing kalsada ay hinintuan ng Van at hinabol raw buti nalang at naka takbo siya papasok ng bahay nila. Alam ko totoo yun at Hindi joke kasi apo yun ng kapitan namin dito , kaya sana Gabi Gabi may mag Ronda man…
Magandang Gabi mga kaingay.! Kakauwi ko lang galing kapitbahay, nagkayayaan kami mag bingo hay naku sana Hindi na ako sumali doon natalo tuloy ako ng 145 hahahaha pambili pa sana yun ng bigas e. Umuwi na asawa ko kanina galing city , natapos na niya work niya doon kaya lipat nanaman siya dito sa bayan namin. Mas maigi na rin yun na dito siya , di Kasi ako masiyado makatulog ng maayos sa Gabi kapag Wala siya dito dahil narin sa mga bali Balita na masama. Kamusta kayo mga…
Good morning mga kaingay!! Maaga kaming nagsimba kanina, meron kasing simbahan dito sa unahan namin na every Friday may Simba, pwede ka magpa novena o magpadasal na kung ano yung kahilingan mo, pagkatapos Naman namin magsimba ay hinatid na rin ng asawa ko anak namin sa school. Tapos deritso na siya sa work niya. Ako Naman ito naki connect muna ako sa kapitbahay namin. Nag iisip pa ako kung ano ang pwede iulam mamayang tanghalian.
Magandang tanghali mga kaingay. Prepare muna ako bago pumunta ng school para sunduin ang aking junaknak. Mag aabang pa ako ng tricycle at kakapagod maglakad papunta ng school sasakay ako tapos pauwi naman, hintay namin asawa ko galing work. para Hindi na kami maglakad mag Ina. Kasi medyo malayo kami sa school..
Magandang tanghali mga kaingay. Dahil wala akong maisip na iulam kanina bumili nalang ako ng lutong ulam sa kapitbahay namin. Bicol express nalang binili ko, ako lang kumain at asawa ko, yung anak ko dun kumain sa Lola niya ,
Magandang Gabi sa inyo mga kaingay! Update lang ng weather kaninang hapon bago pa umulan. Ganito ka kalmado Ang dagat kanina habang natambay ako sa baybayin. Mga ilang oras lang bigla ng umulan ng malakas. Biglang nawalan ng kuryente dito sa amin. Kahit na konteng ulan lang brown out na agad. Buti nalang at bumalik rin ang power ngayong Gabi. Ang hirap pa naman mangapa sa dilim lalo na wala kaming flashlight.
Sinend ng ate ko ang picture ng mama ko na kumakain ng Halo Halo kanina sa Mang inasal. Miss na miss ko nayang mama ko nayan e... Sana ay makauwi na ako sa amin at Ng makasama ko na ulit sila Lalo na ang mama , kaya minsan sa simpleng picture lang na isend nila sa akin sini save ko yan. Pag namimiss ko sila tinitignan ko nalang para naman kahit papaano ay maibsan ang pangungulila ko sakanila .. bakit kasi anlayo ng Lugar ng napangasawa ko e hahahah.