read.cash Log in
C@Cattt

@Cattt in March 2022

C@Cattt

Good morning po. Wednesday nanaman. Bayaran nanaman ng mga utang hahahah. Pero bago Yan mag breakfast muna tayo para may lakas tayo sa maghapong nakakapagod.

C@Cattt

Pumunta yung kapatid ng asawa ng biyenan ko dito samin sakay ng van nakabili kasi sila ng van. Sinama yung biyenan ko kasama yung Isa niyang apo na babae kasi may okasyon roon bukas. Yung anak ko pinipigil ang iyak kanina kasi gusto pala sumama, nung naka Ali's na yung van nangingilid na yung luha niya tapos pumasok sa bahay, sinundan ko yun pala umiiyak na. Sabi ko anong problema Sabi ba Naman sakin "MAMA BILI RIN TAYO NG VAN" ha ano? As in pinaulit ulit ko sakniya , tas…

C@Cattt

Good morning po. Maaga nagising nag prepare ng breakfast ni mister. Sobrang lamig ngayon bakit kaya. Nagkape na muna ako kasi paglabas ko ng bahay biglang sumakiy tiyan ko. Ganito ako pag Umaga tapos sobrang lamig parang di kaya ng katawan ko bigla nalang sasakit tiyan ko. Nagkape ako para mainitan muna sikmura ko. Habang ang baby ko tulog pa. Balik nanaman ako higaan pagka Alis ni mister papunta work. Diko kaya ang lamig kaya manalukbong ako ulit ng kumot

C@Cattt

Magandang tanghali mga kaingay. Ang Ganda ng sikat ng araw Lalo na sa mga maglalaba ngayon. Dito kami sa labas ng bahay malapit sa kalsada binabantayan ko anak ko naglalaro away Kasi sila ng away ng pinsan niyang lalaki rin sa mga laruan so para Hindi na sila mag away pinababa ko anak ko dito . Pag magkasama Kasi sila away ng away pag Hindi Naman sila magkasama sige naman ang hanapan nila dalawa. Pagkatapos nito maglaro magluluto na ako ng para sa tanghalian namin. Kayo po…

C@Cattt

Ayan na. Katatapos ko lang magluto ng ginataang ampalaya hinaluan ko ng tuyo. Tawag niyan dito sa bicol ginataang marigoso bangot ay tuyo. Na s stress parin ako heheh. Ang ingay dito kung Hindi yung biyenan ko maingay yung mga Bata na away ng away. Kasama na doon yung anak ko na makulit. Wait nalang namin ang papa namin para makain na ng tanghalian. Kayo po ano ulam niyo ka ingay?

C@Cattt

Kahapon binigyan yung anak ko ng kapitbahay namin ng tatlong hinog na papaya. Alam kasi nila na constipated ang anak ko, kaya pag may hinog na papaya sila , anak ko agad ang nakaalala nila. Favorite rin kasi to anak ko. Nilagay ko siya sa ref para mas masarap kung malamig siya kakainin. Pero ngayon medyo Wala siyang gana kumain kasi sinupository ko siya kagabi dahil palaging hirap siya dumumi. Pasintabi nalang sa mga kumakain hehe.

C@Cattt

Halo Halo tayo guys. Na bankrupt tinda ko Kaya Yung hipag ko na tumuloy haha. So ako na ngayon ang bumibili pero libre lang to ng Isa ko pang hipag hehe. O diba. Naka libre nanaman, solve na solve Lalo na ngayon sobrang init dito.

C@Cattt

Good afternoon. Pagabi na pala , feeling turista muna ako. Kakalabas ko lang sa lungga ko hahaha dumating na Kasi asawa ko ayaw nun nagmumukmok ako sa loob ng bahay gusto niya makipag kwentuhan ako sa labas , e Hindi nga ako ganun. Pag nasa work na Kasi siya sa loob lang talaga ako Ng bahay Hindi ako mahilig tumambay sa ibang bahay o kahit sa labas lang. Mas comportable ako sa loob ng bahay. Hindi rin ako mahilig makipag kwentuhan dito . Siguro dahil dayo lang ako dito sa…

C@Cattt

Magandang Gabi. Akoy inaantok na Kaya matutulog na. Bukas po ulit mga ka ingay.

C@Cattt

Good night na mga kaingay. Bukas na ulit tayo magkwentuhan.

C@Cattt

Magandang Gabi po. Kanina pinaluto ako ng tita ng asawa ko ng meryenda para sa mga trabahador niya kasi nagpapagawa sila ng house. Spaghetti po kayo diyan.

C@Cattt

Pwede pala Makita kung magkano na na earn mo sa pagtiktok nu. Ngayon ko lang nalaman yun Nakita ko Kasi sa TikTok. Hindi ko nga lang Alam pano ma widthraw haha. Good morning po. Hindi ako maka receive ng biyaya ngayon bakit kaya? Ano nangyare sa noise.cash ko

C@Cattt

Magandang tanghali mga kaingay. Ngayon lang ulit nakabalik dito. Medyo busy ako sa pagtitinda , kamusta na kayo? Namiss ko mga ka kwentuhan ko dito. Nakakamiss rin pala yung may nakakausap kang Marino hehe dito kasi sa bahay laging balagbag ang mga sagot pag tinatanong. Hehe.

C@Cattt

Magandang Gabi. Mayroon ng sayawan dito samin ngayon na approved na pero face to face Hindi pa hahahah. Dahil hirap ako matulog tuwing Gabi ito nalang palagi kong sleeping pills para kahit papano mawala lungkot na nararamdaman ko hehe drama ko e nu. Kamusta na po kayo ?

C@Cattt

Dahil sa mainit na panahon naisipan ko gumawa ng mango con yelo pero siempre para sa anak ko lang to , Kasi masiyado Mahal Ang kilo ng mangga. Naubos niya ang isang basong yan tapos ayun pinatulog ko na siya , ako naman ang nagtitiis ngayon ng antok kasi walang magbabantay ng paninda ko. Sana may bumili na at ng maubos na ito para naman makapahinga na ako. Kayo mga kaingay ano ginagawa niyo now? Kausapin niyo ako para Hindi po ako antukin hehe.

C@Cattt

Magandang umaga mga kaingay. Lunes nanaman it's a busy day. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, maglilinis kami ngayon sa school maghapon para sa face to face. Tapos may medical mission sa bayan gusto ko sana mag pa check up Kasi hindi ko alam uunahin ko. Kung pupunta ako sa school Wala rin magbantay ng anak ko hahaha saklapppp. Itong picture pala share ko lang Ronda Pilipinas dumaan sila dito samin mga bikers. Tapos napanood ko Isa sa mga kasamahan nila nabangga nang jeep…

C@Cattt

So ayun nga dahil malapit na Ang summer, nag order ako sa shopee ng bikini heheheh pangatlo na to sa in order ko pero Wala pa ako nasusuot hahahaha siguro baka kailangan ko pa umorder ng lakas ng loob at tigas ng mukha para magsuot ng swim suit hehe.. Ewan ko gusto ko talaga magsuot nito at maranasan maligo ng nakaganito kaso oa mga tao dito samin kahit tabing dagat narin naman kami nakatira. Hahahahahah

C@Cattt

Maghapon kaming naglinis sa school kanina nag ayos ng mga dapat ayusin para sa face to face, tapos ito natuwa ako magbunot kasi huling gamit ko nito highschool pa ako tsaka sa bahay ng Lola ko dati meron nito, tapos ngayon nalang ulit ako nakagamit nito. Napagod ako sobra kaya matutulog napo ako hehe. Goodnight po bukas ulit.

C@Cattt

How to order sa shien na makakamura ka? Una mag download ka ng app tapos mag register para makuha mo yung 100 points tapos everyday ka mag check in may points rin yun dapat walang palya. Tapos browse kalang 30 second may additional kana ulit na points tapos ayun mag order kana lagay mo lang yung code for free shipping tapos mas apply mo nayung naipon mong points automatic nayun mababawas na sa order mo , mas maganda kung gcash or online ka magbayad may 10% off pa. Order na 😃

C@Cattt

Nagkaroon kami ng general meeting kanina 1 pm ,preparation for face to face classes. Iniwan ko anak ko sa biyenan ko natutulog siya pag alis ko pag uwi ko gising na siya iyak ng iyak hinahanap ako so para mapatigil ko sabi ko ligo kami sa dagat pumayag naman kaya ayan tuwang tuwa. Pero di naman ako naligo binabantayan ko nalang siya. Good afternoon 😊

C@Cattt

Magandang umaga po. Medyo madilim pa pero ang aga ko nagising dahil sa pangit na panaginip hanggang sa panaginip may nagpapaiyak ng anak ko grabe para gusto kong manapak sa panaginip pero Hindi ko magawa. Hindi related tong picture sa post ko hehe ulam namin yan kagabi share ko lang sainyo. Hahah walang ulam e kaya pwede na yan diba. May gising na ba? Kwentuhan tayo mga kaingay habang nagsasaing ako para almusal ni mister.

C@Cattt

So para mapabilis ang mga gagawin sa school para sa darting na face to face kailangan namin mag ambag ambag para matapos na agad , ako naman nagdonate ng isang liter na pintura para kahit papano makabawas sa mga gastos sa loob ng classroom kinder na Kasi anak ko kailangan maganda at comportable sila, yung iba Naman nagdonate rin ng mga pwede nila I donate. Kumbaga nagbayanihan nalang kami Kasi may Ibang parents Hindi umintindi . Hay naku gusto mag face to face pero ayaw maki…

C@Cattt

Kanina akala ko sira na yung wifi ko , Kasi gumagana yung tv pero siya hindi. Yun pala mahina lang kuryente tv lang kaya. Goodnight po

C@Cattt

Nagpapahinga na ako tapos pumunta dito sa bahay yung pinsan ng asawa ko na babae nag Aya. Pampatulog raw Kaya ayan dahil bagong sweldo si mister kumuha ako ng 100 at binili ko nito hehe. Okay na inaantok na ako. Goodnight na po

C@Cattt

Isang mapagpalang Umaga sa inyo mga kaingay. Abang abang ng masakyan papuntang bayan mamalengke kami ng anak ko , sana may dumaan ng tricycle. Request naman ni yugo Ang fried chicken kaya bibili ko siya minsan lang yan mag request e.

C@Cattt

Lakas ng tawa ko sa mga batang to. Nag pi pick up line Kasi sila , Sabi nung naka pink ALAM MO BA KUNG ANO PINAGKAIBA NG TUBIG AT IKAW ? Sabi naman nung isang ANO? Sabi ng nakapink ANG TUBIG INIIGIB IKAW NAMAN INIIBIG hahahahaha mga Bata talaga ngayon . Kaka YouTube niya Yan.

C@Cattt

Magandang hapon mga kaingay. Nagugutom na ako at naghanap ng pwede makain tapos may biglang dumaan na nagtitinda pandesal kaya sakto ayan bumili ako tas kahapon namalengke ako bumili na rin ako ng palaman na favorite ng anak ko kaya ayan kape nalang kulang hehe kaso mainit ngayon Kaya soft drink nalang siguro. Meryenda na po tayo

C@Cattt

Magandang gabi. Share ko lang po ulam namin adobong karneng baboy. Ganito ang gusto kong luto palagi sa adobo. Nagmamantika siya. Ewan ko pero para sakin masarap to kesa sa may sabaw. Kayo po ano ulam niyo?

C@Cattt

Good morning Lakad lakad muna sa baybayin. Tagal ko na bago nagawa ulit ito ang maglakad lakad dito pag Umaga. Sarap sa pakiramdam na pagpawisan habang nag e exercise kapag Umaga.

C@Cattt

Tuwing nauubos na ang load ko Wala na akong pam paload ulit. Kaya naisipan ko na bakit kaya Hindi ko nalang ihiwalay Ang bayad sa load sa pera na pang budget ko sa bahay Kasi lagi nalang nagagstos ko yung pera na pinapaikot ko sa load. Tingnan ko nga kung may pagbabago. Anyway break fast po tayo bago maglaba.

C@Cattt

Good morning. Ganda ng view bigla ko namiss sumakay ng barko , 4 years na Hindi ako nakauwi sa Amin. Miss ko na family ko.

C@Cattt

Magandang hapon. Ayan nakatulog na rin ang batang makulit. Pwede ko na ituloy Ang naudlot kong paglalaba, pero medyo inaantok narin ako hahahaha. Mamaya nalang siguro ako maglalaba matutulog na muna ako.

C@Cattt

Kanina nag chat yung teacher ng anak ko at kailangan ng picture nila na nasa ilalim ng mesa para sa earthquake drill. Kaya ayan prepared agad picture tas send tas post hehehe sabay delete kasi puno na cellphone ko. Good evening po

C@Cattt

Magandang tanghali po mga kaingay. Ulam namin ngayong lunch ginataang papaya na may sahog na pusit at calamaris. Mukhang mapapadami Kain ko nito ah. Hmmmmm Kain po tayo.

C@Cattt

Sabi nila kapag higit sa Isa raw ang puyo sa ulo Ibig sabihin pasaway. Parang Hindi naman heheheh sobrang pasaway lang.

C@Cattt

Hays salamat nagkita Kita rin Ang magpipinsan. Buti nalang at magkakasundo sila. Mamaya Maya punta kaming birthday han. Birthday ng pinsan ng asawa ko, sa beach gaganapin. Makaka libre Naman sa meryenda heheh.

C@Cattt

Sobrang init. Pati ulo ng tao maiinit. Kaya Ito kailangan natin gumawa ng paraan para kahit papano maibsan ang init , halo halo kayo diyan mga kaingay para sa mainit na hapon.

C@Cattt

Bakit kaya ganun mha friend ko sa Facebook halos magpatayan na sa salita dahil lang magkaiba sila ng kandidato. Samantalang ako tamang scroll lang sa comment section nila hahahahahahaha. Hindi siguro nila Alam manalo man manok nila e sila parin gagawa Ang gagawa ng kapalaran nila. Hay naku.

C@Cattt

4 years ka ng Wala ate ko pero parang kahapon lang. Share ko lang guys namatay ang ate ko sa bus crash. Pero na save niya kami ng anak ko sa simpleng yakap lang samin e siya yung napuruhan. Naiwan niya Ang mga anak niyang maliliit pa lamang , kaawa awang mga paslit. Pero sanay lumaki silang mabuting tao kahit Wala na siya. Balang araw ako naman tutulong sa mga ank mo pag nakaluwag luwag na ako.

C@Cattt

Good morning mga kaingay. Tuwang tuwa ang anak ko first time niya kasi makahawak ng pusa hahahahahah medyo nag aalangan pa siyang hawakan e pero nung nahawakan niya na ayaw niya na tigilan buti nalang mabait yung pusa . Sa kapitbahay namin na pusa yan...

C@Cattt

Good afternoon po. Ayan malapit na matapos bayanihan sa school, excited na anak ko sa face to face sumama sa papa niya magtrabaho sa school. Sana ma approve na agad para magasimula na.

C@Cattt

Ayan sa wakas nakatulog na rin ang batang makulit. Matulog narin muna ako ng onting oras para mawala sakit ng ulo ko. Sa sobrang init siguro. Magandang hapon sa inyo noise mates.

C@Cattt

Magandang hapon po. Ihaw ihaw kayo diyan. Nagtinda yung hipag ko Kaya tutulungan ko muna siya dito. Baka mapadaan kayo dito samin bili na kayo para maubos na agad hehe.

C@Cattt

Goodnight na poga kaingay. Naka take na ako ng sleeping pills ko Kaya matutulog na ako. Goodnight saninyo. Bukas po ulit.

C@Cattt

14 KILOS GIANT SQUID. Huli ng asawa ko kagabi, Hindi na mag kasya sa banyera grabe Thank you so much Kay lord sa blessing. Good morning po mga kaingay.

C@Cattt

Magandang tanghali. Medyo maganda ang panahon ngayon maaliwalas mukhang may paparating na blessing. Lunch na po tayo mga kaingay.

C@Cattt

Fresh na hehehehehe Sobrang init grabe nagbabad ako sa tubig mga 1 hour siguro. Sakit sa ulo ang init para akong sinisilaban. Kayo mga kaingay mainit rin po ba sa Lugar niyo ?

C@Cattt

Sunkiss hahahah picture muna habang nag papaypay ng barbeque haggard na ang Lola niyo. Sana maubos agad para makapahinga ng maaga. Magandang Gabi po

C@Cattt

Good morning guys. Nagluto ako ng banana q almusal namin mag Ina. Tapos sabayan ng kape.

C@Cattt

Sobrang init grabe. Buti nalang talaga at malapit kami sa dagat kaya ayan swimming kami ni Yaba ko. Vitamin sea muna tayo mga kaingay... Magandang tanghali..

C@Cattt

Dahil ilang araw na ako Hindi naka tulong sa school para sa preparation ng fave to face nah donate nalang ako ng pintura para sa mga upuan Ngga Bata. Bale nag donate na ako nung una pero kinukang Kaya bumili nalang ako ng dalawa pa. Makabawas man lang sa mga gastusin ng titser Ng anak ko halos dami niya na rin Kasi na shoulder na gastusin na dapat kaming mga magulang gagawa ..

C@Cattt

Pa selfie muna para sa nakakapagod na araw na to post muna hehehe. Kaninang hapon lang yan . Anyway kumain na po ba kayo ? Dinner po tayo mga kaingay.

C@Cattt

Good morning po. Pumunta Naman ako school para mag bayanihan kaya ayan picture habang nagpipintura hehe. Model yarnnnn. Anyway uuwi na ako tapos na e. Magsasaing pa ako baka gutom na anak ko

C@Cattt

Magandang tanghali guys Kain na po tayo tanghalian . Tanghali na ako nakauwi Kasi nagpintura kami sa school..kaya bumili nalang ako ng lutong ulam sa kapitbahay. Ginataang Lanka.

C@Cattt

Susmaryusep na bata kakabili ko palang nito nung linggo Kasi pinabili ng papa niya , pag uwi ko kanina galing school pagpasok ko ng bahay nangangamoy pabango yun palay inubos kaka spray kung San San ...

C@Cattt

Magandang hapon po. Ayan may 13kilos kaming pusit dito na ibebenta sa bayan may buyer na Kaya picture muna ang Mahal Kong yan. For documentation hahahahaha..

C@Cattt

Sunset. Isa mga gusto kong scenario ang pagmasdan ang lumulubog na araw.

C@Cattt

Goodnight po. Kakatapos lang inom sleeping pills. Tulog na rin po kayo mga kaingay. Bukas po ulit tayo magkwentuhan.sweet dreams

C@Cattt

Panibagong blessing Mula sa dagat. Sarap gumising pag laging ganito ang blessing. Thank you lord. Good morning kaingay.

C@Cattt

Kulang yata ang gulay kaya pati kamay muntik ng makatay hahahahah. Parang gusto ko na to itigil pero ulam namin to mamaya Gabi. Ugog ang tawag Niro dito sa bicol. Sa inyo guys anong gulay to? Medyo similar sila ng langka. Magandang hapon

C@Cattt

Fist time ko mag order ng crop top hahahaha dipala bagay sakin. Payat ako kaso Malaki tyan ko mukha akong butete nung sinuot ko hahahaha. Ibibigay ko nalang to sa Bata dito mukhang pambata Naman kasi crop top. Magandang hapon.

C@Cattt

Isang nakakapagod na Gabi. Grabe napagod ako kakasaway sa dalawang to. Pag ito nagsama daig pa nito yunh sampong Bata sa kakulitan. Hindi talaga ako tataba hahahaha. Kamusta na kayo? Kain na muna tayo bago matulog. At bukas ulit...

C@Cattt

Umagang blessing. Huli ng asawa ko mga kaingay. Tignan niyo kung gaano kayaman ang dagat , sana palaging ganito ang huli niya. Good morning sa inyo. Kayo ano po pinagkakaabalahan niyo na ?

C@Cattt

Ang aga dumating ng order ng anak ko. Araw araw ako kinukulit ang tagal raw ng lamesa niya. Ngayong nandito na Ang lamesa hindi na rin pinapansin. Hahahaha. May module kasing nakapatong kaya tinamad nanaman.

C@Cattt

Sarap maligo sa dagat. Sobrang init kaya ayan nagbabad hahahaha. Buti nalang talaga malapit kami sa dagat kahit ano oras pwede maligo. Magandang hapon po sainyo.

C@Cattt

Video call muna ang magpipinsan. Bukas pupunta ang baby Naya nayan dito samin maligo sa dagat Kasi malayo sila dagat hehe. Siga mga anak ko oh walang mga damit dahil yan sa sobrang init kanina.

C@Cattt

Good morning sunshine Vitamin Sea muna.

C@Cattt

Kahapon pumunta kami ng bayan sinamahan ko bumili yung pinsan ko ng mga daing Kasi minsan lang siya pumunta dito samin. Iba ibang klase ng mga daing nandito.

C@Cattt

Ang saya ng papa ko oh. Sa kabila ng masasayang ngiting Yan problemado yan Kasi nagpaani siya ng sibuyas tapos ang kilo lang yata is nasa 20 pesos pababa. Sobrang pagod sa pag at hirap sa pagtatanim tapos Wala man pang balak ang gobyerno na pataasin ang producto nila. Sana ay hindi na kumuha sa ibang Bansa at supurtahan nalang sana Ang sariling atin

C@Cattt

Good afternoon mga kaingay. Hapon nanaman , ano nanaman kaya pang hapunan ngayon. Minsan nakak stress rin kung ano lulutuin hahaha Lalo na kung onti nalang budget. Tagal pa ng katapusan para sa sweldo. Buti nalang at medyo madami na rin Kita sa load ko at may panggastos kami 1 week bago mag sweldo... Anyway kahapon payan picture Ng asawat anak ko.. post ko lang po

C@Cattt

Good evening po. Ulam naming Tatlo kanina nagkasya naman hehehe... Nood po tayo Ang probinsiyano.

C@Cattt

Good morning po mga kaingay. Napuyat ako dahil sa anak ko hirap mag po Po kagabi hehe pasintabi sa mga kumakain. Hay sana magbago na siya at malapit na face to face nila...

C@Cattt

Pamahaw po tayo. Inihaw na pusit ulit .

C@Cattt

Hahaha kakagising lang. Grabe anyare sa mukha ko parang kamatis na hinog nasobrahan ata sa tulog , meryenda po tayo mga kaingay. Kakagising ko lang Kay now palang meryenda. Puyat Kasi kagabi.

C@Cattt

Sunset. Gabi nanaman. Prepare na naman ng hapunan. Kamusta po araw niyo?

C@Cattt

Good morning po mga ka ingay. Sana maging maganda tong araw na to ngayon di katulad kahapon. Medyo di maganda. Pero kahit ganun tuloy lang ang laban Ng buhay hehe. Breakfast na po tayo.

C@Cattt

Miss ko na agad pinsan ko. Picture namin nung Sunday na bumisita sila dito kasama anak niya at asawa. Mabuti nalang talaga kahit malayo kami saming pamilya buti nalan medyo magkalapit Lugar lang pareho ang aming napangasawa kaya kahit na malyo kami sa totoo naming pamilya , dito naman kami para sa isat Isa .

C@Cattt

Tambay muna sa pier. Bago mamili sa palengke. Market day ngayon. Maganda bumili kasi madaming fresh na gulay at makahanap ka ng murang paninda. Pero iniiwasan ko lang talaga ang mga ukay ukay hahahah. Baka ma SCam Naman ako. Unti lang budget ko.

C@Cattt

Tagay muna sa baybayin. Sulitin ang summer..

C@Cattt

December pa ito unang namulaklak pero hanggang ngayon Wala parin bunga. Laging nahulog Ang bulaklak niya pag bumuka na. Sabi nila baka lalaki raw to. Paano Naman po nasabi na lalaki o babae ang papaya. Nanghihinayanh ako putulin magandang klase kasi ng papaya ito. Umaasa parin ako na bumunga siya.

C@Cattt

Good afternoon mga kaingay. Ihaw ihaw muna tayo. Bili na kayo, para maubos na agad to. Medyo busy ako hehe Maya ulit tayo kwentuhan.

C@Cattt

Ayan magandang Gabi po kaingay. May napulot akong baby hehe ng kapitbahay. Nangitim ako nung nag picture kami. Bakit kaya ganun ang baby kahit 1 week di maligo mabango parin samantalang ako kakaligo lang may amoy ba agad hahahaha

C@Cattt

Good morning po mga kaingay. Ayan ulam namin now ng anak ko. Binili ng asawa ko bago siya pumasok sa work niya.