read.cash Log in
C@Cattt

@Cattt in January 2022

C@Cattt

Good morning mga ka ingay. Grabe sakit ng Mata ko sa puyat halos diko na maimuklat kanina. Ayoko pa Sana bumangon Kaso yung anak kong 5 years old ayaw kumain kung Hindi ako magpapakain sakaniya. Titiisin niya gutom niya. Hay nakung Bata. Eneway Ganda ng araw ngayon sana maging ganito araw araw. Break fast po tayo.

C@Cattt

New year tapos masama ang pakiramdam niya. Minsan Hindi ko na Alam gagawin. Buwan buwan nalang may sakit. Minsan nakakainis na , hindi sa naiinis ako sa anak ko kundi naiinis ako kung bakit paulit ulit nalang nangyayari to. Gusto ko lang naman maging healthy and happy siya. Pero bakit ang hirap ibigay ng tadhana.

C@Cattt

Good afternoon po mga ka ingay. Dahil Halo Halo na kinain ko atlast naghanap rin ng kanin ang tiyan ko. Meryenda po tayo noise mates.

C@Cattt

Good morning po mga kaingay. Ayan maaga ako gumising ngayon para matapos na module ng anak ko kasi I papasa na dapat kahapon pero di pa niya tapos. Pero bag yan. Mag kape po muna tayo. Gising na ba lahat ? Hayssss pagkatapos ng vacation back to reality nanaman.

C@Cattt

Good morning mga kaingay so nung bago mag new year sabi ng asawa ko "diba malapit na birthday mo mag order ka ng gusto mong damit regalo ko sayo. Pag ako kasi bumili sigurado ayaw mo" kaya ayun nag order ako sa shopee worth 70 pesos hehe sinukat ko kagabi parang Hindi nagandahan asawa ko sa damit. Pero nung tinanong ko siya bakit Hindi ba bagay sakin. Sabi niya naman maganda raw bagay sakin. O diba hahahaha siya nag picture niyan...

C@Cattt

So birthday ng kapatid kong bunso ngayon. Samin 8 na magkakapatid siya lang naka tapos ng pag aaral. Thankful ako kasi nakatapos siya , natutulungan niya si mama financially, si mama papa na kasi tumatayong magulang ng Tatlo kong pamangkin na ulila na magulang... Sana maging maganda tong taon na to sa pamilya ko at sating lahat... Happy birthday ulit kapatid.

C@Cattt

Good morning. Ang Ganda ng panahon. Tinatawag na ako ng mga labahan ko hahahah tambak nanaman. Pero di pa tapos mga module kaya bukas nalang siguro ako maglalaba. Anyway kamusta na kayo mga ka ingay ? Back to work na ba lahat hehehe asawa ko back to reality nanaman. Kahit dipa nababawi tulog nung new year na halos 2 nights kakainom..

C@Cattt

Good afternoon mga ka ingay. Habang nag babasa ako dito Hindi ko napansin naka 2 Plastic na pala ako nitong otep. Nalala ko nung elementary ako isang dangkal ang haba nito pero ngayon sing haba nalang ng hintuturo ko. Tsaka share ko Lang ang tawag pala nito dito ay SOPAS hehehe Ewan ko kung bakit . Basta Ang tawag nila sa matitigas ni tinapay ay SOPAS .

C@Cattt

Habang nag mo module kami ng anak ko. Buti nalang at napakiusapan ko ang teacher niya na kung pwede bukas nalang magpasa ang anak ko ng module kasi Hindi pa niya natapos. Hindi ko rin Kasi pwede sagutan Kasi kailangan ng video na dapat siya ang sumasagot.. pero break time muna yoghurt muna siya..

C@Cattt

Good evening po mga ka ingay. Tamang tambay muna dito. Bukas kasi tatanggalin na tong mga to. Tapos na kontrata. Ibang tao nanaman mag rent. Kamusta na kayo ? Kumain na ba? Ulam namin kanina andoks nag ambag ambag kami ng mga hipag ko . Kesa bumili ng luto sa karenderya.

C@Cattt

Good morning everyone. Agahan namin ngayon ng maipasa na module na. Medyo late na siya makapga pasa ang mahalaga natapos niya. Grabe kailangan mo pang uto utuin para lang sagutan niya. Required Kasi na videohan na sila dapat sumasagot. Pero may pagbabago Naman. Proud ako na kahit papano nakakasunod naman siya at natututo siya.

C@Cattt

Have a blessed morning everyone! Lending is waving hahahaha 1st payment ngayong taon. Talagang back to reality na ika nga. Pero ganun talaga mayaman nga may utang tayo pa kayang mahirap. Ang mahalaga Hindi sa walang kwenta nagastos Ang inutang kundi nakikita mo kung saan mo ginamit ang pera at napapakinabangan mo. Kamusta na po ang lahat ? Nag Breakfast na ba ? Ako dipa tapos labahan ko kahapon Kaya itutuloy ko now. Tapos pasa ng module.

C@Cattt

Good morning mga kaingay ! Nagluto ako ng ginataang sitaw or ginataang antak sa bicol. Para sa mga nag finishing ng bahay namin. Wala kaming malaking pera para ipatayo ng bahay kaya ang ginawa namin kada sweldo unti unti ng bili ng materials para Hindi mabigat sa bulsa, Kasi kung bibiglain mo talaga ang pag pagawa ng bagay mamumulub ka. Kaya thankful ako at sa paunti unti may natawag na rin akong sariling bahay .

C@Cattt

Habang nagpapahinga at katatapos lang kumain napagkaabalahan kong picture an ang tanawin sa labas Mula sa bintana namin. Kay gandang pagmasdan magandang panahon , medyo mainit nga lang. Tamang Tama sa mga naglalaba. Makaktuyo agad. Anyway kumain na po ba kayo ? Kain na po muna.

C@Cattt

Tamang inom muna ng sabaw ng buko. Hahah Ewan pero Sarap na sarap asawa ko sumipsip ng buko ah .. pero maganda po Ito sa mga taong may uti. kumain na po ba kayo mga ka ingay ?

C@Cattt

Watching cartoons with my baby boy, good afternoon po mga ka ingay. Kakagising lang kaya Ito nakapag bukas muna dito bago gumawa ng gawaing bahay. Nagising ako ang sakit ng tagiliran ko. Kanina pa tong Umaga. Ano Kaya ito.

C@Cattt

Wow. Nakaka touch naman si Google 1 week pa birthday ko pero binabati na ako. Ito yung gusto ko sa mga apps sa cellphone Kasi kung Wala man makaalala sayo , sila maalala ka nila. Good evening po.

C@Cattt

Good evening! Katatapos lang magluto pero busog pa kaya Ito muna pagkaka abalahan ko magtupi ng mga damit , habang nanunuod ng tv patrol. Grabe na tinaas ng covid ngayon. Nakakatakot na. Dito sa amin bawal na rin lumabas ang mga Hindi vaccinated. Sana matapos na tong pandemic. Sobrang nakakbahala na.

C@Cattt

Good night na po mga ka ingay. Bukas po ulit.

C@Cattt

One of his favorite Thomas and friends. Tulog na ang papa ako inaantok na sigurado , pag gising ko mamaya tulog na siya tapos bukas pa yung tv.

C@Cattt

Good morning mga ka ingay. So dahil naubos na laman ng gasol. Sa labas na ako nag luto sa pugon. Nag iisip parin ako kung ano lulutuin kong ulam sa lunch. Walang huli mga mangingisda dito samin ngayon sobrang Mahal kung sa bayan ka pa bibili mga 200+ na Ang kilo. Gulay nalang siguro lulutuin ko. #noise.cash

C@Cattt

Magandang tanghali po mga ka ingay pero Hindi maganda ang panahon ngayon makulimlim nagbabadya ang ulan na bumuhos. Sana wag umulan nagpapa gawa pa naman ng bahay ang biyenan ko at ganun rin ang kapatid niya. Sana uminit na halos lahat dito samin may mga sakit. Nakakatakot na.

C@Cattt

Good afternoon mga ka ingay ! Fried chicken for dinner. Kakagising ko lang grabe haba ng tulog namin ng anak ko napasarap tapos Gabi na pala, kung di pa dumating asawa ko di pa kami nagising. Ayan dala niya chicken kaya naisipan ko I fried. Kakauwi lang ng asawa ko pero paalis naman papuntang laot para manghuli ng isda. Sana maka jackpot sila ngayon.

C@Cattt

Good morning ka Ingay! Aga aga nag request ng apple, nung new year pa po Yan apple nayan hahahaha o diba. Sabado nanaman labada session nanaman. Sana uminit at ng makapaglaba ng mga punda at kumot. Grabe ng alikabok sa bahay dahil ginigiba yung bahay ng biyenan ko para baguhin.

C@Cattt

Good morning po. Ganda ng panahon ngayon. Bumaba ako dito sa beach kasi sobrang alikabok sa bahay dahil nire renovate bahay ng biyenan ko na katabi lang ng bahay namin. Tabing dagat lang kami pero ilang months na ako di nakakaligo sa dagat , ganun pala yun nu pag dito kana nakatira nakakasawa rin pala maligo sa dagat hahaha. Mas masarap lang siya pag masdan Lalo na pag may problema ka or iniisip. Nakaka relax panoorin mga alon sa dalampasigan.

C@Cattt

Ayan at dumating na nga first order ko ngayong taon sa shopee, in order ko to nung new year. For only 55 pesos free shipping. Pwede na diba , pang market day ko Ito para Hindi na ako bili ng bili ng eco bag tuwing mamimili. Pero medyo maliit konte lang malalagay ko dito Tama na to para sa maliit na budget hahahah. Anyway magluluto na ako ulam namin . Bye

C@Cattt

Good afternoon guys. So ayun may mabait na nilalang binigyan kami ng ulam. Hindi ko Alam kung anong luto Yan Basta Alam ko karneng baboy po Yan. Hay iba talaga pag mabait ka binibigyan ka tapos yung magbibigay mabait rin.... Hinihintay nalang namin ng anak ko papa niya galing work para makapag lunch na.

C@Cattt

Good afternoon mga ka ingay. Sobrang init kaya tamang tambay lang dito sa Kubo sa tabing dagat para mag pahangin. Kamusta na po kayo? Ngayon lang ulit nakapag bukas , namiss ko kayo hehehehe.

C@Cattt

Good evening guys. Pa post muna hehehe. Gusto ko tong bagong update na filter ng phone ko , flex ko lang tong cargo pants na binili ko sa shopee okay lang po ba sakin ? Hehehe first time ko magkaroon ng ng cargo pants mukhang bagay Naman yata sakin. Ito bagong uso kaya bumili ako Isa makisabay lang sa uso hehe.

C@Cattt

Good evening po mga ka ingay! Pagkatapos namin kumain ayan napagkaabalahan ko. Nag pedicure hehe tapos nanonood ng kmjs .

C@Cattt

Good night na po! Quarter to 12 na kailangan na magpahinga. Bukas po ulit mga ka ingay.

C@Cattt

Good morning ka ingay. Naagap sa tabing dagat. Habang nagkakape mag lakad lakad sa tabing dagat hanap ng makaKausap. Sobrang kalmada ng dagat. Kay gandang pagmasdan. Kayo po ka ingay gising na po ba kayo? Mag ingay na tayo.

C@Cattt

Good morning guys. ayan magluluto po muna ako ng agahan namin. Bulldog po tawag niyan dito samin family siya ng pusit pero Hindi siya pusit hehehe. Pakukuluan ko muna to tapos hihiwa hiwain at isasahog ko sa buto ng sitaw ,bale ginataan po gagawin ko. Mamaya ipakita ko sa inyo finish product nito.. byeeeeeee muna ...

C@Cattt

Ginataang pisog ng antak or spicy ginataang buto ng sitaw with pusit. Hmmmm sarap solve na pananggalian , try niyo to mga ka ingay masarap po. Bawal nga Lang sa may mga rayuma hehehe. Simula nung dito na ako tumira sa bicol. Every week ginataan ang ulam nung una nag adjust pa ako pero now favorite ko na hahahahaha. Good morning po.

C@Cattt

Good afternoon po. Bonding namin kanina ng anak ko bago matulog , everyday ko yan pinapatulog sa tanghali kasi pag Hindi siya natulog 6pm palang tulog na agad siya. Ngayon nagkakape na kami at tinapay. Ano po meryenda niyo?

C@Cattt

Good evening everyone! Share ko Lang dito samin mahigpit na walang helmet rehistro at walang vaccine bawal na sa bayan. Buti nalang at may license at vaccinated na asawa ko Kasi araw araw niya nadaanan ang check point papunta sa work niya ..

C@Cattt

Habang nag f Facebook ako may kumatok sa pinto ng namin. Pagbukas ko tsaraaaaaan binigyan ako ng tita ng asawa ko ng tapayas in Tagalog papaya. Favorite kasi to ng anak ko tsaka maintenance rin to ng anak ko kasi hirap siya sa pag dumi. Ang ganitong papaya madalang Ang buto sa loob , sana may buto to para maitanim ko ulit. Good evening.

C@Cattt

Share ko Lang moment namin ng anak ko kanina super sweet sana laging Kang ganiyan ka sweet at sana kahit mag binata kana ganiyan ka pa rin ka sweet sakin. Dumating pero Hindi hiniling pero sobrang blessed ko kasi binigay ka sakin ni Lord. I love you so much Mahal ko .

C@Cattt

Gusto niya lang raw po mag good night sa inyo. Bukas naman po ulit. See you tomorrow mga ka ingay. Pahinga rin pag may time. Yung asawa ko nasa labas pa hinihintay niya pa dumating asawa ng kapatid niyang babae , miss na miss niya haha tagal rin silang di nagkita e. Sobrang close sila nun kasi yun yung nagturo sakaniya mag back hoe. Kaya ngayon Isa na siyang professional driver and operator. Good night na po

C@Cattt

Good morning everyone! Pa picture muna bago pumunta ng bayan para mamalengke. Hmmmm sana Mura na Ang gulay ngayon. Last week Kasi grabe ginto ang presyo. Pero wait Hindi dapat kalimutan ang vaccination card baka hulihin ako hehehehe. Kamusta po ?

C@Cattt

Sa sobrang Mahal ng gulay. Bumili nalang ako ng lutong ulam Worth 70 pesos , ganun rin Naman magluluto pa ako Tatlo lang rin Naman kami kakain. Mas magastos Lalo. Kaya yung mga may balak mag asawa diyan pag isipan niyong mabuti kung itutuloy niyo pa ba hahahahahaha. Baka pagdating ng araw sabihin niyo kung pwede Lang bumalik e bumalik na ako hahahahaha. Pero ako ayoko na bumalik. Nandito na ako e. Anyway good morning

C@Cattt

Good afternoon guys ! Ayan at nakatulog na nga kaka nood hahaha. Pam patulog niya yan manood sa tv or cellphone ,mamalayan mo tulog na pala siya. Habang sound trip matutulog na rin muna ako at puyat kagabi sa ingay ng mga lasinggerong kapit bahay. Mamaya ulit mga ka ingay.

C@Cattt

Good afternoon po mga ka ingay. Meryenda po tayo champorado, favorite ng asawa ko to. Bale luto to ng hipag ko binigyan kami hehehehehe. O diba libre na sa meryenda. Kayo mga ka ingay ano po meryenda niyo?

C@Cattt

Good evening mga ka ingay , pumunta kaming bayan ngayong hapon naghanap ng kung anong pwedeng ma ulam at yung Mura lang sana , Ito isda 150 kilo buti nalang Mura ngayon. Kaya ayan inihaw namin para tipid sa rekado hahaha. Tapos sawsaw sa Toyo na lemon. O diba solve na ang hapunan. Kayo po mga ka ingay anong ulam niyo ngayon ? Kumain na po ba kayo? Kung Hindi pa Tara Kain na at luto na hehe

C@Cattt

Good morning everyone! Tamang kape lang dito sa baybayin. Sarap ng tulog ko kagabi siguro dahil puyat ako nung nakaraang Gabi Kaya Ang Ganda ng tulog ko. Pamahaw po tayo mga kaingay. Pagkatapos nito matinding bakbakan Naman sa labahan.

C@Cattt

Good afternoon po mga ka ingay! Ulam for lunch adobong baboy. Habang nagluluto ako kanina may napansin ako parang nag iba pang amoy at panlasa ko. Kaya agad ako naligo sa dagat at di na nag banlaw at nagpalit. Tapos nag Laga rin ako ng kalamansi bawang Asin at nagsuob ako. Hayssss kung ano ano nalang nararamdaman ko Sana maging okay na Ang lahat.

C@Cattt

Tamang pahangin muna dito sa baba. Inaantok ako Kaso walang bantay tong Bata ayaw Naman matulog. Baka Kung Saan pa pumunta kaya tiis nalang kahit antok hahahaha. Sana may pumunta dito para may makusap man lang at mawala antok ko. Yung anak ko diko makausap Nakita niyo Naman busy siya hahahahahaha

C@Cattt

Maaga ako natapos maglaba kanina, nakakapagod Lalo na kung Wala ka katulong kaya tamang tambay muna kami ng anak ko sa beach. Pahinga muna at pahangin dahil sobrang init. Gusto ko matulog. Inaantok ako .

C@Cattt

Share ko Lang yung nagtitinda nitong banana q, matagal na siya nagtitinda ng mga meryenda pero never niya ako pinautang hahahaha Kasi mayaman raw ako dahil operator ng back hoe asawa ko. Everyday yan nagtitinda. Lahat na dito pinautang niya pero pagdating sakin ayaw talaga. Hahahaha maliit lang Naman sahod ng asawa ko tapos mayaman na agad ? Hahaha Ewan . Kain nalang tayo. Hehehe

C@Cattt

Magandang hapon mga ka ingay. Ayan pagabi nanaman. Kakagising ko lang grabe napasarap tulog ko. Sa sobrang sarap binabangungot na pala ako. Dana's niyo rin PO ba pag sobra sa tulog binabangungot rin po ba kayo? Madalas Kasi mangyare Yan sakin. At ako lang rin ba ang ayaw ng panaginip ? Ewan ko Basta ayoko ng panaginip kahit magandang panaginip pa .. Hindi ko Kasi mapigilan na mag isip pag may mga panaginip ako. Kaya ayoko.

C@Cattt

Morning everyone! Nakakalungkot na balita yung kapatid ng Lolo ng asawa ko Is namatay kagabi. Bale kapitbahay lang namin sila. Naalala ko lang last birthday nun nung December 17 ginanap dito bale last month lang pala yun. Ang sabi niya pa magpapa Disco ako kasi mamamatay na ako. Tama talaga yung sinabi niya. At buti nalang nung birthday niya nagkapatawaran na sila ng mga kamag anak niyang nakaalitan niya.

C@Cattt

Life is great at any age. Happy birthday to me 🎂🥳 Although wala nakaalala dito sa bahay kahit Isa hahahahahahahaha

C@Cattt

Bakit kaya ganun? Pag gagawa ka ng bahay inaabot minsan ng 1 year pero pag gigiba ka naman ng bahay usually 1 day lang sira na. Hayssss kung ano ano na lang naiisip ko hahahahahaha.

C@Cattt

Dahil birthday ko naman hehehe pwera ubo sipon po. Happy 28th birthday to me. Good evening.

C@Cattt

Good morning po mga ka ingay. Ngayon lang ulit nakapag bukas. Kanina bumili ako 1/4 ng hipon hehehe Wala budget. Kasya na to samin Tatlo. Sinigang ko kahit walang sahog. Kamusta na po kayo? Ano ulam niyo kain tayo.

C@Cattt

Good evening mga ka ingay. Ngayon lang naka online dinala kasi ng batang to cellphone ko sumama sa papa niya mag trabaho, hiniram niya cellphone ko para maka picture siya sa inooperate ng papa niya na backhoe. May future na talaga. Pag uwi niya sabi niya mama marunong na ako mag back hoe. Habang din demonstrate niya. Nakakatuwa ,

C@Cattt

Ngayon lang naka online ngayon lang bumalik kuryente samin. Kuha tong picture na to sa brigada skwela kanina. 12 pm na rin ako nakauwi Kasi andami namin ginawa nag lagay ng bakod nag tanim ng mga halaman naglinis pa , nakakapagod pero kailangan. Magandang hapon po. Meryenda tayo.

C@Cattt

Nagtataka ako sa lamesa ng biyenan ko pag kainan na grabe andami nila nag salo salo pero pag tapos na kumain , bigla bigla nalang nawawala. Pasensiya han niyo na ako halos lahat nalang ng bagay na mkita ko iniisip ko hahahahaha.

C@Cattt

Good morning sunshine Kamusta na po kayo? I'm back hehe nawalan load ang wifi so nag data nalang ako, kaso kailangan ko pang itaas ang kamay ko para makahanap lang ng signal. Kagigising ko lang rin puyat hehe. Break fast po tayo tomato with egg.

C@Cattt

Viva Santo Niño 👑 Kahapon pa po yan, wala siyang picture sa simbahan kasi Hindi ako sumama , siya lang at yung tita niya kaya sa bahay ko nalang siya na picture an. Good morning po

C@Cattt

Good morning everyone, medyo masama pakiramdam ko ang kati ng lalamunan ko parang kailangan ko uminom ng tubig dagat hahaha. Magbabad muna ako dito. Ewan ko pero palagi nalang ako may nararamdaman pag uminom ako ng alak. Hindi na talaga ako uulit hehe. Ligo po muna tayo mga ka ingay.

C@Cattt

Good day po. Tamang hintay kung sino pwede mag drive sa akin papuntang bayan. Bibili na ako ng gamot Bago pa lumala tong lalamunan ko na para bang may higad sa loob ang kati kati. Sana may mahanap agad ako mag drive para makabili na rin ng ulam para sa tanghalian.

C@Cattt

Good afternoon mga ka ingay. Kagigising ko lang. Makati parin lalamunan ko pero medyo okay na. Isang welkins yata nainum ko kanina hahahaha para lang di matuyuan lalamunan ko. Throw back picture ko PO pala to pagbukas ko Facebook ko kanina tsaraaaan yan bumungad sakin. 2 years ago na to. Naalala ko birthday to ng bilas ko. Oh diba maitim pa ako diyan hahahaha.

C@Cattt

For the first time makakuha ng badge sa Facebook as a top fan. Wow. Nakakatuwa lang gusto ko rin kasi ang mga post nila na puro positive vibes lang. Good evening po mga ka ingay ..

C@Cattt

Good evening po. Ulam namin ngayon Tinakas ang tawag sa bicol mga lamang loob ng karneng baboy. Nagkatay yung family ng asawa ko ng baboy para sa 10th year death anniversary ng kaniyang Lolo. Simple lang to lutuin lilinisan lagyan ng tubig at Asin tapos Isalang na. Pag malambot na luto na pwede na kainin. Wala siyang ibang rekado. Asin lang. Masarap naman.

C@Cattt

Good morning noise mates! Kung kelan madaming pagkain tsaka naman ako walang gana kumain. May occasion dito ngayon sa bahay ng biyenan ko. So dahil ayooko ng maraming tao at ayoko ng maingay , di ako lumalabas ng bahay. Ewan ko. Pero ugali ko na talaga to pag may occasion dito sa family ng asawa ko ayoko makihalubilo. Siguro dahil mas gusto ko tahimik lang palagi. Pag ganito kasing nakikita kong masaya sila Lalo ko lang namimiss family ko. Anyway Kain tayo hehe ayoko kasi…

C@Cattt

Guys magtatanong lang po sino na po nakapag take nito or familiar po ba sa inyo tong gamot na to? Nakita ko Kasi online na effective raw to sa may mga cyst , so bumili ako sa shopee kahit Mahal. 1month na ako nakaka inom pero bakit ganun parang Lalo lang lumalaki mga bukol. Sana familiar to sa inyo.

C@Cattt

Good night everyone! Ampangit ng araw na to , sabagay araw araw naman Hindi maganda. Itulog nalang natin.

C@Cattt

Good morning po! Malamig na panahon, magdamag na umulan. Sigurado marami nanaman magkasakit nito. Yung mga di tumitigil magtrabaho kahit na umuulan. Katulad ng asawa ko. Sana uminit na ng makapaglaba na rin , para ng bundok ang labahin ko masyado ng mataas. Pero kape muna tayo ..

C@Cattt

Minsan may time talaga na nakakapagod na, na nahihirapan kana na nagsasawa kana na ayaw mo na na gusto mo ng sumuko sa dami ng problema, pero at the end of the day Makita mo Lang anak mo masasabi mo na ay okay lang pala mapagod okay lang pala na mahirapan ka kasi Normal naman talaga sa tao yun e na mahirapan ka na mapagod ka sa dami ng problema , okay lang mapagod pwede naman mag pahinga ang mahalaga lumalaban ka at si sumusuko. Kasi pag may anak kana okay lang na mapagod ka…

C@Cattt

Wow. One year na sana ako ngayong taon dito kung Hindi ko na delete tong dating account ko. My first ever post sa Noise.cash 1 year ago. Naalala ko may laman pang free tip ito sayang sana pinamahagi ko sana muna bago na delete hehehe. Wala lang nakakapang hinayang lang. Pero Wala e hahaha kala ko kasi dati Hindi legit. Pero nagkamali ako haha.

C@Cattt

Good afternoon po Share ko lang 1 week na kami di nagpapansinan ng asawa ko kasi 1week na siyang puyat ,kung umuwi mga 2 am na. Tapos kanina. Pag uwi niya knina inabot nia to. Kung ganito ka nga naman suyuin , makakatanggi kaba ? Hehehe. Siempre mga ka ingay Hindi sa mukhang pera ako hahahah gusto ko kasi palaging may groceries sa bahay para sakin yun kasi important e Lalo na pag magluluto ka tapos kulang ang ga rekado. Diba ? Kaya mamaya mag g grocery kami pero budget lang…

C@Cattt

Share ko lang pagkauwi ng asawa ko kanina niyaya ko siya pumunta ng bayan para bumili ng bigas ulam at iba pa. So yun nasa bigasan na kami nagtalo pa kami kasi binili ko 10 kilo na 38 at 5 kilo na 42, sabi niya maliit lang raw naman deperensiya bakit Hindi nalang 42 lahat binili ko. Gusto ko lang naman makatipid , ako lang ba dito gumagawa nun? Yung pinaghahalo yung murang bigas sa mabangong bigas para bumango rin at makatipid na rin.

C@Cattt

Good morning po. May kwento ako. Kagabi pumunta kami sa Lugar ng kapatid ng mama ng asawa ko. Kasi fiesta sakanila. So sobrang dami ng bisita naging dish washer ako. Alam niyo ba nasa isang libong Plato yata ang nahugasan ko sa dami ng bisita masasabi mo talagang isang barangay yung kumain sa dami ng tao. Alam niyo dito lang rin ako nakakita ng fiesta na halos lahat ng bahay may handa nagkatay Ng baboy. Yung 160 kilos na baboy kagabi grabe taob. Tapos may sayawan pa sa plaza…

C@Cattt

O my goodness ano nangyare bakit pababa ng pababa to, sana diko muna nilagay nung nakaraan yung naipon ko grabe ibinagsak ,

C@Cattt

Kagabi bago kami umalis ng bahay hinugasan ko muna mga plato. Hinahanap ko tong tasang to pero wala. Ngayong Umaga pag uwi ko namin nasa lagayan na siya ng baso tapos walan ng handle ! Naiinis ako . Nag iisa nalang to tapos nabasag pa. Oo sabihin na OA ako pero oa talaga ako pagdating sa gamit Lalo na sa kusina. Ayoko sa lahat talaga pinakekealaman mga gamit ko. Tapos ibabalik sira na.

C@Cattt

Pancit muna tayo. Wrong timing ang paglaba ko kung kelan ako naglaba ng tambak tsaka naman umulan

C@Cattt

So dahil natigil ako sa paglalaba dahil biglang umulan, nagluto na muna ako ng fried chicken na request ng Bata. Sakto rin at dumating si mister usually kasi sa work na siya kumakain, buti nalang at nakaluto na ako agad kasi kung 11 na nagaglit siya pag diko pa inasakiso pagkain namin ng anak ko. Hehehe. Kaya raw kasi siya nagtatrabaho para maka Kain kami ng maayos. O diba ? Ah Kain na tayo mga kaingay

C@Cattt

Sino gusto ng papaya ? Favorite to ng anak ko pero ako Ewan ayoko ng lasa ng papaya mas gusto ko ginugulay kesa hinog na kainin. Pagkatapos kumain papatulugin ko na siya para mapag patuloy ko ang naudlot kong paglalaba hehe.

C@Cattt

Good morning everyone! Makulimlim na Umaga po. Sana uminit na yung labahan ko kahapon dipa natapos kaya ngayon ko itutuloy.

C@Cattt

Good afternoon po. Habang hinihintay ko hipag ko namimili ng grocery umupo muna ako dito sa bench so para di ako ma bore kasi nga ayoko nga sa lahat ng pinaghihintay ako , nag noise na muna ako para malibang.

C@Cattt

Pumunta kami ng bayan kanina kasi nakalimutan ko bumili ng dulcolax suppository kanina para sa anak kong hirap dumumi, ang ending Ito nabili namin maning hubad kung dito tawagin.Kaso sarado na botika yung ibang botika bukas nga Wala Naman ganun. Eto ayaw ko sa lugar nato walang mercury or south star halos lahat Wala.

C@Cattt

Good morning everyone! Magluluto ako ngayon nitong mga isda. Grabe sobrang Mahal nito 110 kalahati. Ngayon lang Kasi ulit may huli ng isda dito. Ilang linggo rin bokya ang mga mangingisda. Salamat at may mga huli narin ng pusit kahit papano makaraos yung ibang tao na ang trabaho lang dito manghuli ng pusit at isda.

C@Cattt

Good afternoon po lunch tayo. Pritong isda and ginataang gulay buto ng sitaw. Favorite yan ng asawa ko , medyo busy ako now. Pinapagawa kasi namin yung kusina namin , paunti unti kasi Wala Naman kami malaking pera pampagawa kaya unti unti namin pinapagawa kada sahod niya para di mabigat sa bulsa. Kain po muna tayo

C@Cattt

Ang cute ng mga papaya parang mga mangga pero in fairness masarap at matamis kahit na maliit. Good morning everyone 1 week na Hindi dumudumi anak ko pasintabi sa mga kumakain , kagabi pumunta ako ng botika kahit saan botika wala ng dulcolax suppository hay naku Lugar to nakakainis lang halos lahat Wala. Mukhang mapipilitan ako pumunta ng city para dun makabili.

C@Cattt

Good morning po. Ulam for today ginataang ampalaya and pritong isda. Ulam ng aking mga trabahador , kayo mga kaingay ano ulam niyo? Medyo busy parin ako ngayon , pasma aabutin ko ngayon habang nagluluto naghuhugas ng mga plato. No choice

C@Cattt

Dahil sa paymaya challenge ngayon ko lang ulit nagamit cellphone ko siguro dahil Mula kanina ko pa Umaga ginagamit hanggang 12pm bigla nalang nag black kanina buti nalang natapos na challenge na sinalihan ko , kung Hindi naku lagot ako. Good afternoon po. Kamusta kayo?

C@Cattt

Good evening po. Maganda tong araw na to ngayon nakapasok na anak ko sa world vision, kung saan may binibigay na school supplies twing pasukan at kung papalarin baka mapili pang sponsor an ng mga taga ibang Bansa para sa pag aaral niya. Buti nalang kanina nag pa video siya habang nagpapakilala at sinasabi ang mga favorite niyang prutas at gulay.

C@Cattt

May nakatry na po nitong vitamin na to sainyo? Effective po ba Ito pampagan kumain? Payat Kasi ako gusto ko ng tumaba Nakita ko lang to sa Facebook sabi effective raw to nkakagana kumain , Sana may naka try na sainyo nito para malaman ko kung effective nga. Good morning 🌅

C@Cattt

Kahapon pumunta ako ng motortrade para magbakasakali na dumating na plaka ng motor namin. At salamat sa 100 times na balik balik ko sakanila dumating din sa wakas. Ang Wala pa is yung insurance ng motor almost 2 years na rin nabasag yung head ng motor namin pero gang ngayon walang balita. Ampangit ng pamamalakad nila nagpapabayad pa ng insurance Hindi naman pala kayang asikasuhin sayang lang 10k na hinulog ko sakanila.

C@Cattt

Masama nanaman pakiramdam niya. Natataranta ako tuwing masama pakiramdam niya kung ano ano pumapasok sa utak ko na Hindi ko naman dapat iniisip , sana maging okay na siya. Isa lang palagi hiling ko Kay lord pero bakit parang ang hirap sakniya ibigay sakin yun. Gusto ko lang maging normal at healthy ang anak ko. Minsan iniisip ko wala naman ako mabigat na kasalanan pero bakit parang pinaparuhasan ako.

C@Cattt

All of us are dead Kanina pa ako 5 pm nag aantay ng link bakit ang tagal. Gusto ko na ma download para makanood na ako. Lapit na expired load ko e.

C@Cattt

Hay ano ba yan parang panty lang pababa nalang ng pababa hahahahah. Kelan ka tataas ha , baka pwedeng tumaas ka naman para masiyahan Naman ako hahahahaha ,

C@Cattt

Good morning po. Ayan tinamad na magluto kaya scramble egg nalang. Kain po tayo kahit dami iniisip aga aga problema hatid.