Good evening noise mates bagong simula bagong pag asa hehehehe Sana maayos ang lahat at kumain na po ba Kayo? Dinner na po. Ulam namin okoy parin hahahaha
@Cattt in December 2021
Good evening ka ingay I'm new here po hope you will be my friend's. Good night na rin po tomorrow nalang tayo magkita Kita ulit antok na ako. Sweet dreams. #noise.cash #randomthougts
Good morning guys. Maglalaba sana ako ngayon ng mga punda at kumot pero eto maulan may low pressure pala. Hayssss sigurado matatambakan nanaman ako ng mga labahin nito. Anyway kape nalang muna tayo. Mamaya mag mo module pa. Gising naba kayo mga kaingay ? Gising na at mag ingay na heheh
Good morning may abiso Ang barangay kanina na wag muna pakalat kalat sa kalsada kasi may bikathon ba yun tawag dun.... anyway yan yung nauna kanina ang layo ng agwat nung sumunod sakaniya feeling ko siya mananalo ng worth of 10,000 pesos....tas biglang maulan na ngayon sana Hindi sila mapano madulas pa naman kalsada...
Tinanong ko yung anak ko kung nasaan na yung gamot sa lagnat na nakalagay sa upuan ,biglang uminit ulo ko sa sagot niya " tinapon ko sa kanal" hay naku Bata ka ayoko lang mamalo kasi masakit e naranasan ko yun e kaya kahit ano gawin pinagsasabihan no nalang...mahal Mahal nito tinapon Lang.. dahil madumi na to. Itatapon ko na kahit may laman pa..
Good afternoon guys. Salamat naman at medyo uminit na ayoko talaga ng panahon na maulan pag araw feeling ko Kasi parang Ang lungkot hahah mas gusto ko umulan gabi mas masarap matulog hahahaha. Anyway nag lunch naba kayo? Kami ulam namin kanina karneng baboy diko Alam kung anong luto yun Basta may toyo at ketchup...
Yung mismong katabing bahay namin 3 sakanila may dengue at nasa hospital na, natakot ako para sa anak ko tas ang lakas pa ng ulan baha sa labas...sigurado malamok ngayon...hayssss sana mawala na kung ano man mga sakit na dumadating satin Lalo na ngayon pandemic pa sabay sabay na...
Ayan dahil natakam ako sa tinolang ulam na paulit ulit kong Nakita dito ngayong araw kinatay ko yung manok ng asawa ko hahahahaha. Bahala siya pag uwi niya mamaya... Perfect to ngayong malakas ang ulan at malamig dito makakahigop na rin ng mainit na sabaw hehehehe . Good afternoon po noise mates.
Maulan na gabi mga Noise mate so ayun diko na picture an yung tinola namin hahaha pinaluto ko sa bilas ko sa bahay ng biyenan namin so ayun pag ka ahon na pag ka ahon ng tinola dinumog na agad namin Kaya diko naisipan picture an hahahahahaha , e Kayo kumain na po ba Kayo? Dinner na po... Malamig ngayon hmmmmm. Masarap matulog ngayon.
Good night noise mates ayan dahil sobrang lamig nitong mga nakaraan araw comforter na ginagamit kong kumot hahahahaha ramdam mo yung init e. Guys matulog na tayo bukas naman ulit tayo mag ingay hehehehe pahinga rin pag may time....tulog na mag ama ko kaya matutulog na rin ako... Good night na po and sweet dreams magsi tulog na
Almost 2 years na nung ma slide ng kapatid ng asawa ko ang motor namin ,kasama sa binabayaran namin Ang insurance ng motor na hanggang ngayon Wala parin nangyayare ang Sabi sakin 1 to 3 months mapapalitan yung sira ng motor Ang nangyare 1 to 2 years na haysssss naiisis na talaga ako 1 month nalang tapos na kami maghulog pati plaka Wala parin...
Good afternoon mga ka ingay. Ulam namin for today sinigang na baboy sinigang sa kalamansi with sili my specialty. Bakit Kaya ganun pag ako nagluluto palagi pag kakain na konte nalang nakakain ko hahahahaha. Kaya di ako nataba e. Kahit anong Vitamins pa inumin ko Wala epek. Anyway ano pong mga ulam niyo noise mates? Nag lunch na ba Kayo ?
Good evening noise mates eto ayuda Mula sa lending na sinalihan ko hahahahaha Mula yan sa butaw naming grupo every Christmas yan , Hindi na masama konte nalang kulang makakaluto nako ng favorite kong spaghetti.. Yung isang kilo sa Christmas tapos yung Isa naman sa new year nalang. Kayo po may natanggap na po ba kayong ayuda ? Sana meron narin hehehe..
Good night na po mga kaingay pampatulog ko nga pala hahaha Pam painit sa malamig na Gabi hahaha. Medyo hirap ako makatulog nitong mga nakaraang Gabi Kaya Ito may kasama ako hehe kamusta na po gising pa ba Kayo ? Pinatulog ko muna anak ko para maka bwelo ako. Isa Lang Tama na to pwede na to para dalawin ako Ng antok.
Habang nanaunuod ng miss universe Ito nagluluto ako hahahaha. Wag ka sana matutong. And Sana manalo si Philippines. Good morning guys nag breakfast na po ba kayo? Ito ulam namin ngayon okoy. Bolinao yan na maliit ng kapitbahay namin kagabi nanghingi ako hahahahahaha okay Lang Yun dito manghingi kasi di Naman madadamot Tao dito..
Good afternoon noise mates share ko lang to kanina sabi ko sa anak ko mag module na siya para ma ipasa ko Kay ma'am niya yung module dahil Monday ngayon.. Umiyak ang bata at ayaw mag module pero nung sinabi kong mag d drawing ka nalang naman na , sabay tayo at sabi sige mama mag drawing ako. Oh diba may future to sa drawing hahahahah Basta drawing Lang gusto niya..
Good afternoon guys so ayun nakatambay ako dito sa beach dahil walang costumer, dito lang rin Kasi ang may mas malakas na signal e.. pero uuwi na ako masakit na kasi Mata ko kakabasa dito sa noise hahahaha.. matulog na muna ako inaantok ako e. Sige bye . Mamaya ulit babalik ako hehehehe keep safe po.
Good evening po noise mates! Ayan di ko nakita paglubog ng araw ngayon hayssss sana malusaw ang bagyo andami ko panaman labahan na nakababad ngayon. Tapos kung magbagyo man baka mawalan nanaman kami ng kuryente katulad nung last year halos 1 month walang kuryente hayssss diko kaya yun....may order pa naman ako wifi hahahahaha
Good evening noise mates ayan sinukat ko yung Jacket na binili ko kahapon hahahaha medyo bagay naman yata , pwede na rin hahaha etong anak ko papansin kaya ayan napansin rin haha. Ganiyan yan pag mag s selfie ako gusto palaging kasama siya. Anyway kumain na ba Kayo? Kami tapos na ulam namin talong na torta. Dipa ako antok kaya tambay na muna ako dito. Sa mga gising pa diyan good evening
Good morning everyone so ayan ulam namin kanina morning tomato with egg us usual yan.. hahaha favorite kasi yan ni yugo...so kamusta na po kayo mga ka ingay. Medyo maulan dito samin naglalaba pa naman ako nh isang tambak na labahin pinoprobkema ko Kung san ko Ito isasampay. Sana uminit na at mawala na Ang bagyo.
Pag open ko Ng Facebook may pa memory 3 years ago. Hahahaha Mga panahong down na down ako Ewan ko ba pero okay na ako ngayon , ganun Naman talaga sa buhay minsan minsan down na down ka Ang mahalaga bumabangon ka , Sabi nga okay Lang mapagod ang mahalaga Hindi ka sumusuko. Hehehehe Good afternoon po ka ingay . Kamusta na Kayo?
Pulutin ang tsinelas I love you teddy bear teddy bear hahahahaha Ito naririnig ko dito sa mga batang naglalaro sa beach habang nakatambay ako... Lubid raw tawag nila sa larong Yan pero yung gamit nila parang ugat ng kahoy hahahahaha. Nakakamiss childhood memories ko...yung tipong tinatawag kana ni mama para umuwi hanggang sa hinabol kana ng pamalo para Lang umuwi hahahahahah
Good evening ka ingay. Ito ulam namin kanina bicol express. Medyo inaantok na ako kaso naisipan ko bumisita muna dito , kamusta na sa inyo ? Maulan pa ba? Hindi na maulan dito sana magtuloy tuloy na to at mawala na ang bagyo. Keep safe nalang po.. goodnight
Isang mapag palang Umaga mga ka ingay ang Ganda ng panahon , ngayon ko na makukuha ang ipon kong pera Mula January hanggang December para sa pang pasko naming pamilya. Excited na ako. Maliit na halaga Lang naman yun pero okay Lang para sakin malaki na yun...Sana maging maayos ang lahat , at gabayan sana kami ng nasa taas na maayos na maipamahagi ang aming share sa organisasyon na sinalihan ko...ilayo sana kami sa masasamang loob....
Good afternoon noise mates! Kakauwi ko lang galing bayan namili ng yogurt yakult papaya dulcolax liquid dulcolax suppository maintenance ng anak kong mahirap dumumi. Kamusta na Kayo? Ano ginagawa niyo? Eto dito samin kalmada ang dagat may sunset pero medyo madilim ang langit kalmada ang dagat na para bang may nagbabadya....sana dun sa mga nadaanan at madadaanan palang ng bagyo ay safe Kayo....
Good evening noise mates , share ko lang to binigyan kami ng kapitbahay namin ng ulam ang tawag ng luto nato dito is "ADOBO SA GATA" chicken po itong binigay nila... Pwede rin ito gawin sa isda karneng baboy. Oh diba ganiyan kababait kapitbahay namin...kanina umaga binigyan rin kami ng adobong manok at fried chicken tapos pag uwi ng asawa ko ngayon may dalang spaghetti pancit at cassava cake binigay raw ng katrabaho niya..oh diba sana lang talaga katrabaho niya hahahahaha
Goodnight na po mga kaingay antok na ako Ito pampatulog ko ngayon. Nag Aya yung tatlong marites dito Kaya ayan..6 percent lang naman Yan hehehehe. Goodnight na po bukas ulit tayo mag chikahan
Good morning ka ingay ! Makulimlim dito ano kaya tong bilog sa langit nakakatakot naman..Grabe sarap ng tulog ko kagabi pag gising ko gutom na gutom ako hahaha naalala ko Hindi pala ako kumain kagabi Kaya pala...maaga ako kumain ng sinanglag na kanina tapos sinabawan isda luto ng asawa ko... O diba San kapa. Pag gising mo kakain ka nalang hahahaha...pero ngayon lan yan Kasi Alam niya uminom ako kagabi.
Ako Lang ba ? Hindi ako napapagod maglaba kahit gano kadami yan... napapagod ako araw araw katutupi nitong mga damit na to kung bakit paulit ulit nalang laging ganito. Ganito rin po ba mga asawa niyo sissy? Yung tipong kakatupi mo Lang kakaayos mo lang tapos pagkuha nila ng damit akala mo dinaanan na ng bagyo... Hay naku bakit naman ganito
Good evening noise mates pa selfie muna bago magluto, mag fried chicken ako ngayon request ng anak ko. Kayo ano gawa niyo? Nakaluto na po ba kayo ? O siya iwan ko na muna kayo hehehehe baka masunog na kawali ko e nakasalang na Kasi..
Good morning kaingay. Ayan ulam namin ngayon ng anak ko. Ang sakit na ulo ko uminom kami kagabi nalasing ako sobra , minsan sinsasabi ko pag lasing na ako ayaw ko na uminom promise pero pag may nag Aya nanaman mga marites kong kapit bahay bakit di ako makatanggi hahahaha magdamag hinilot ng asawa ko ulo ko kasi grabe Hindi ko maintindihan ang sakit ng ulo ko . Ngayon pahinga muna sa bahay medyo maulan...
Good evening noise mates! Kamusta na kayo? Di ako masiyado nakatambay dito ngayong araw ,ang sama kasi ng pakiramdam ko maghapon sobrang sakit ng lalamunan ko at ulo. So para di ako ma bore dito sa bahay ayan ang pinagkakaabalahan ko bubble wrap ng shopee hahaha. Kumain Napo ba kayo? Kami Ito busog pa binigyan kami ng kapitbahay namin ng spaghetti pancit Biko may birthday Han kasi sakanila kaya libre nanaman snack hahahaha
Good evening noise mates! Ayan binigay yan nung kapitbahay namin may birthday han sakanila hehe actually may kasama pa yan karne kaya lang diko na na picture an kasi nilantakan na agad agad. Hahahah. Solve na sa dinner , nakakatipid rin talaga minsan pag may nagbibigay heheheh. Pero siempre po pag ako rin meron namimigay rin ako para fair. Hehe.. Sabi nga kung sino Wala bigyan kung sino meron magbigay.. pero siempre dapat ikot ikot lang...bigayan always
So ayun nga kanina bigla ako tinawag nung asawa ko pagkauwi niya pinagtimpla ko siya ng kape , abot Tenga yung ngiti ko tapos sabi niya bat ka naka ngiti Sabi ko nag sweldo kana? Hindi pa...sabay BUSANGOT ko tas nilabas niya to hahahahahaha Ewan ko , ako Lang ba masaya pag payday na hahahaha... Enewey goodnight na po inaantok na ako...
Good morning noise mates. Ayan breakfast namin with tinapay. Tinamad na magsaing hehe mamaya nalang. Kamusta na po sa lugar niyo? Dito sa Amin medyo maaliwalas na sana gumanada na Ang panahon. At sana makabangon agad ang mga nasalanta ng bagyo. At mabigyan agad sila ng tulong , nakakalungkot lang yung mga pamilyang nawalan ng Mahal sa buhay...sana maging maayos na Ang lahat..
Good afternoon mga kaingay ayan medyo maaliwalas na ang langit sana uminit na at ng maka paglaba na. Tambak na labahan isang linggo na. Kamusta na Kayo? Nakapag luto naba para sa lunch ? Ako eto nag iisip parin kung uno uulamin. Dahil sa kabibigay ng pagkain ng kapit bahay dalawang araw na ako napapanisan ng kanin Kasi di na namin nakain pag may nagbigay. Hayssss nakakapang hinayang... Kaya ngayon konte lang sinaing ko para sure na naubos...
Yehey dumating na pannel antenna na in order ko ang problem na huli yung wifi hahahaha. Hihintayin ko pa yun dumating bago ko to ma test. Usually Ang ninja van pa Naman 2 weeks bago mag deliver dito samin unlike jnt 3 days lang nandito na agad... Yung pera binayad ko pala diyan ay galing sa upon ko Mula nung January hehehehe. Hindi na masama.
So ayun nga dumating kanina galing bayan ang biyenan ko bumili siya ng isang asking bigas. Share ko lang to dito alam niyo ba tuwing bumibili siya ng 1 sack of rice ay binibigyan niya ako , kami na mga manugang niya. Gusto ko lang ipaalam sainyo na napaka swerte ko talaga sakaniya kasi di siya tulad ng ibang byanan na madamot hahahahahah.
Good afternoon po. Late lunch po. Our viand for today fried chicken. Pero ketchup lang inulam ng anak ko haysss mas gusto niya ketchup kesa sa chicken. Kayo po ano ulam niyo mga ka ingay? Nag lunch naba kayo? Kain na muna bago tambay dito.
Nakita ko to. Sayang 11 months na sana kung di lang nagka problema cellphone ko. Pero okay Lang. Masaya Naman ako sa bagong simula ko ngayon dito. Sana maging mabait sakin si noise at bigyan na ako Ng ft. Para makapamahagi na ako sa iba...
Good afternoon mga ka ingay. Meryenda namin ngayon mainit na sopas niluto ng bilas ko free Itong groceries na to sa bagong biling refrigerator nang biyenan ko. Kaya ayan may meryenda kami. Kamusta na Kayo? Nag meryenda na ba Kayo mga ka ingay? Tara na higop ng mainit na sabaw. Habang nanaunuod ng tv.
Good evening mga ka ingay. Ayan na capture ko kanina sunset kahit medyo di nagpakita si haring araw pero sobrang maalinsangan. Anyway ang mahalaga uminit na bukas at ng makapag laba na ako at sandamakmak na labahin ko. Kaya Lang market day bukas hahaha sigurado tambay nanaman ako sa palengke tingin tingin kung ano pwede bilhin hahahahaha.
Good evening po mga ka ingay tulog na ang dalawang Mahal ko. So ayan Wala ako magawa Kaya naisipan ko picture an mga kamay namin Tatlo kahit tulog sila dalawa hehe. Kamusta na po kayo? Gising pa ba ? Tara mag ingay muna tayo samahan niyo ako .. ilang araw na malamig , ngayon namang ang init init bakit Kaya ganun , maalisangan sobra. Kaya Ito lumabas muna ako at nagpahangin kaso Wala rin hangin.
Good morning everyone. Maaliwalas na ang panahon ngayon salamat sa diyos makakapaglaba na rin ako. Ako lang mag Isa ngayon sa bahay kasi nag pagupit ng buhok ang mag ama ko. Na una na sila mag breakfast kaya ako Naman muna ngayon kakain. Kain na po tayo mga kaingay para mapapalaban sa matinding bakbakan sa labahan hehehe. Mga bed shit at kumot tuwalya sana matapos ko to ngayong araw haha
Habang pahinga sa labada magluluto muna ako ng ulam para sa aming tanghalian , ampalaya muna lagi nalang chicken and pork Kaya gulay naman ngayon para masustansiya. Anyway nag offer mother in law ko siya na Lang raw magluluto. O diba sweet hehehehe. Kayo mga ka ingay ano na niluluto niyo?
Ulam namin kanina tanghali yan ginataang ampalaya. Pinaluto ko sa byanan ko kasi Wala raw sila gulayin Kaya sabi ko kung gusto niya lutuin niya Ito at bigyan nalang ako. Pumayag naman siya heheheh. Pero ngayon meryenda na pero Hindi pa ako nag me meryenda hehehe hinihintay ko pa dumaan yung magtitinda ng banana q. Sana nga magtinda ngayon ....
Good afternoon po mga ka ingay. Ayan tambay dito sa beach hintay na umalis na asawa ko para mag laot. Sana madami siya huli ngayon para may paskuhan kami. Kamusta na po Kayo? Hindi pa ako nakasaing hehehe mamaya uwi na ako para magsaing. Tsaka nag iisip pa ako kung ano uulamin namin mamaya . Siguro mag prito nalang ako ng talong.
Good evening Noise mates. Dumating na asawa ko galing laot. Wala siyang huli. Pero okay lang maybe next time meron na. So ayun nagluto ako nitong pritong talong para ulam sa hapunan. Pwede na to ngayon ang mahalaga meron... Kayo ka ingay ano po ulam niyo? Tara na sabay sabay na tayo kumain. Tapos mamaya mag ingay tayo pag busog na hehe. Kain muna ako ha. Mamaya babalik ako
Yung nanonood ka nh kmjs tapos nilipat ng magaling mong anak sa cartoons haysssss hahahahaha no choice kaya ayan makinood nalang rin ako... Kayo noise mates ano ginagawa niyo?
Good morning mga ka ingay so ayun kakauwi ko lang galing sa PTA meeting namin sa school at nag distribute ang mga teacher ng mga hygiene kit para sa mga Bata. Toothpaste and hand wash tapos may pa snack si ma'am ng anak ko sa kinder at may kasama pang regalo. Tuwang tuwa anak mo pagbukas niya puro lollipop and candies. Sarap sa feeling bumalik sa pagkabata nu. Alam mo yun candies lang overload na yung saya..
Good evening po. Salamat at dumating na rin siya. Complete na wifi and pannel para sa pang malakasan ingay hahahaha. So ayun gamit ko na siya ngayon, Kasi tulog na anak ko siya una gumamit cellphone ko nagsawa nakatulog. Share ko lang naghanap ako paloadan kanina halos mabaliw ako Wala ako mahanap na paloadan. Tsaka ko Lang naiisip pwede pnga pla I load ang coins hahahahaha hay naku..
Good morning ka ingay. Ayan maaga ako nagising at nagluto ng almusal sabi Kasi ng asawa ko mag babaon siya ngayon para di magastos na kumain pa sa karenderya kasi sobrang Mahal sa karenderya. Kaya ayan nagtira ako kagabi ng apat na slice ng karne para ihawin at may baunin siya ngayon. Yung parte niya diko na na picture an nagmamadali siya eh hahahaha
Guys pa help naman po bakit po kaya diko mabuksan noise.wallet ko ? Ako lang ba nkakaranas nito ngayon. Okay naman to kagabi bago ako matulog. Pero pag gising ko ganito na...kahit sa setting ko buksan ayaw lumabas. Kahit malakas naman signal.
Good morning noise mates. Share ko lang to hehe. Dati card ko lang kinukuha ko pero ngayon card na ng anak ko kinukuha ko. Hahaha napaisip Lang ako ang bilis talaga nga panahon. Dati tinatago ko pa yan Kay mama pag binibigay na saming mga studyande ang mga card hahahahahaha. Card po Yan sa kinder garten. Hindi pa sila binigyan nung grade talaga Sabi pag face to face naraw sa January.
Meryenda po tayo mga ka ingay Chakoy. Favorite ko to Lalo na pag may kape. Kahapon pa dapat to meryenda , binili ko to sa bayan kahapon kasama anak ko nung nag grocery kami tapos ngayon ko Lang naalala to nasa bag Kasi nakalagay hahahaha. Makakalimutin na ako sobra. Buti nalang at di pa nasira tong tinapay. Pwede pa. Kayo mga ka ingay nag meryenda na ba Kayo or lunch na ? Hehehe
Good afternoon guys. Yan ulam namin ngayon lunch. Nag luto ako ng ginataang papaya tapos pritong lawlaw. Kayo mga kaingay anong ulam niyo ngayon? Kami tamang gulay muna. Tamang Tama sa anak ko to mayaman sa fiber hirap siya dumumi Kaya palaging mayaman sa fiber pinapakain jo sakniya..
Good afternoon po mga ka ingay. Katatapos lang namin ni yugo maligo sa dagat nag banlaw na. Ayan siya busy sa pag YouTube ng mga excavator as usual favorite of all time hehehe. Maya Maya antok nayan makaktulog nalang yan na naka play payan. Ako Ito mag iingay muna dito.
Good afternoon guys huli pala to ng kapit bahay namin kagabi. Pusit Malaki pa yan hita ko hahahaha. Ganiyan kalaki pusit dito guys. Samantalang sa probinsiya ko noon sinlaki lang ng hinlalaki ko hahahah. Diko naisip noon na may ganito pala kalalaki na pusit.
MIDNIGHT SNACK. Good evening mga kaingay. Ayan dahil ginutom ako bigla. Yung dapat sa Christmas ko pa bubuksan binuksan ko na hahahahaha sabi ng asawa ko akala ko ba sa Christmas pa yan, Sabi ko bawasan na namin hehehehe. May kape payan kasama diko na napicturan. Busy mag ama nanunuod sa cellphone ako Ito kakain na muna.
Good evening Noise mates kanina napagkasunduan ng pamilya ng asawa ko na magbregaluhan kaming pamilya kasama kaming mga manugang at Apo. Hehe so dahil Tatlo kami ako anak ko at asawa ko , ako na bumunot ng Tatlo Kasi sigurado ako parin bibili ng regalo hahahahah. Ayan ang tatlong nabunot ko dalawang hipag ko nabunot ko yung Isa naman asawa ko.... Nag iisip na ako ano bibilhin ko regalo bukas. Hmmm
Good morning po mga ka ingay dumating na order ko na food supplement sana ito na ang sagot sa pagkawala ng mga cyst ko. Sa pangalan ni Jesus amen !. Matagal ko pinag ipunan to Kasi medyo pricey pero sana matanggal nito. Hoping and praying. Sana isabay niyo rin PO ako sa mga prayers niyo na dinggin ni Lord ang panalangin ko. Thank you. Magandang umaga.
Good morning ka ingay. So ayun pumunta kami dito sa tabing dagat Kasi nag Aya tong anak ko. Tapos nakita niya mga kalaro niya nag volleyball tapos nakisali kahit di naman marunong hahahaha yung naka orange stripe na damit ang anak ko. Hehe naka pwesto talaga siya , pinsan niya yang nag serve ng ball. Hayssss sarap balikan child hood dayssss walang problema. Easy Lang.
Good afternoon ka ingay. Kahapon umuwi asawa ko mapungkot siya lahat raw Kasi nung ka work niya sa hardware pinatawag sa opisina para kunin yung mga bonus siya Lang bukod tangi Hindi tinawag. Kaya umuwi siya malungkot, at sabi niya baka di raw talaga si bigyan Kasi nga 6 months palang raw siya. Kaya sabi ko okay Lang Yan Mahal. May ipon Naman tayo pwede na to. Tapos kanina tanghali pag uwi niya galing work tuwang tuwa siya hahahahaha binigyan rin pala siya. Kulang Lang pala…
Calamaris, ginataang pusit at adobong paa ng manok. Good evening mga kaingay Yan po ulam namin kanina. Kamusta po Kayo? Kumain na po ba kayo? Pagkatapos kumain naghugas ng Plato patulog sa anak tapos mag iingay na ako dito.
Merry Christmas po mga ka ingay. 3 days ako nawala dito hahahaha ngayon Lang nagka internet , paano ba Naman yung ni load ko na pang 7 days naging 3 days Lang Kasi Alam mo yun anak ko nanunuod na nga ng mga video sa YouTube Dina download pa pala. Ubos MB. Anyway kamusta na kayo kamusta na Christmas niyo ? Ako medyo malungkot diko nakasama family ko sa mindoro.. pero okay Lang Basta lagi sila healthy and happy okay na ako ...
Ayan snack time hahaha ubos na slice bread Kaya Ito nalang nilagang buto buto hehe. Kain tayo mga ka ingay.
Good evening po mga ka ingay. Ilan sa mga natanggap ng anak ko hehehe tuwang tuwa sa backhoe na regalo sakaniya. Always happy siya hehe sana palaging Happy ka Mahal nakakawala Ng stress pag ganiyan palagi mga ngiti mo. I love you so much.
Birthday Ng baby Catta I miss you so much. Naiiyak ako ngayon mga kaingay. Ulila na kasi yang pamangkin ko nayan bale Tatlo sila magkapatid tanging mama at papa ko nalang nag aalaga sakanila . Mahabang kwento. One day ikikwento ko sa inyo pag ready na ako.
Good morning mga ka ingay. Aga ko nagising ngayon dahil sa lamig ng electric fan. Kaso nung pinatay ko na electric fan Hindi na ako makatulog di bale mag uumaga na rin Naman na. May gising na po ba ? Nga pala Ito dinner namin kagabi late upload. Ang aga ko kasi nakatulog kagabi. Pagkatapos kumain nakatulog na agad ako dahil siguro sa pagod ko maglaba kahapon sobrang dami nilabhan ko.
Good morning po noise mates. Ayan gusto ko tong bagong update na filter ng cellphone ko. Kaso nakaka panibago gamitin cellphone ko nung in update ko hahaha an daming nag iba parang bumili ulit ako ng bagong cellphone ang nakakainis lang. Lumiit ang mga sulat haha sakit sa mata. Anyway nag breakfast na po ba kayo? Kami sinanlag at corn beef agahan namin kanina.
Good morning hehe flex ko lang asawa kong six packer hahahaha naghugukay ng Bangko namin para sa deposit hehe. Sabi nung 5 years old kong anak sa mga kalaro niya swimming pool raw yan. Paniwalang paniwala ang bata hahahaha.
4 years ago kasama kami ng anak ko sa isang deadly bus crash na dahilan ng pagkawala ng ate ko. Kanina may dumating na bisita dito sa bahay na ikwento ng biyenan ko sakanila. Minsan may mga bagay na gusto ko nang kalimutan pero paulit ulit lang rin pinapaalala. Kaya nag search ako sa Facebook at pinanood ulit ang mga nangyare. Pinakita ko rin sa anak ko na siya yang baby. Tinatanong niya ako kung ano ginagawa namin diyan . Hindi ko parin mapaliwanag sakaniya. Sana dumating…
Habang nagbabad ako dito sa comforter kasi nga sobrang lamig sa labas bigla tumabi sakin tong batang to, masakit raw ang ulo niya , mainit nga siya kaya pinainum ko na agad ng paracetamol. Naku Naman anak sana wag ka magkasakit.
Simply but healthy. Our viand for today ginataang buto ng sitaw spicy and ampalaya with egg. Kaya ayaw mag upload nung ginataang amplaya. Bahala siya. Haha Sana kumain anak ko nitong with egg na ampalaya pero for sure egg lang kakain in niya hehe. Good afternoon noise mates Kain po tayo? Kamusta na ano mga ulam niyo sabay sabay na tayo kumain.
Pwede breakfast lunch dinner or dessert nilupak na kamoteng kahoy. May cheese and condensed yan kaya masarap mas better din ilagay muna sa ref palamigin bago kainin hmmmm sarap. Kahit sinisipon ako hehe Kain parin ng malamig .
Good afternoon po mga ka ingay ayan bored ako kaya nag manicure muna hehehe. Nakaramdam ng maayos anak ko Kaya ayun lumayas nanaman. Mamaya uuwi Naman Yun masakit ulo. Pero Teka feel na feel ko tong manicure ko haha bukas tanggal na rin to pag nag laba ako
Evening everyone. Kakauwi lang namin pinahilot ko tong anak ko na makulit may lagnat nanaman. Hay sana gumaling na siya. Ako Kasi Ang natatakot pag may sakit siya. Ganun siguro talaga pag Ina ka. Isabay niyo po siya sa prayer niyo na sana gumaling na siya.
Good evening ka ingay , ulam namin now lumpia and fried chicken. Kayo mga ka ingay ano po ulam niyo? Medyo inaantok na ako. Pagkatapos kumain sigurado sarap tulog ko nito. Kaya lang may lagnat Ang bebe ko. Sana gumaling na siya. Kain na po tayo mga ka ingay.
Good evening mga ka ingay. Medyo tahimik ako kanina Kaya mag iingay ako ngayon. Ni renovate kasi yung bahay ng biyenan ko kanina nakakikabit lang kami sa kuryente habang Wala pa kami sariling kuryente. Ngayon lang ulit nagka ilaw. Pero Teka Kain muna tayo. Ulam ko ham natira pa to kanina. Hehe pwede pa to. Yung anak at asawa ko nauna na kumain ulam nila sinigang.
Nagising ako sa lakas ng Videoke sa mga beach kaya ayan nag cellphone muna ako , share ko Lang pa fortune forecast ni shopee para sakin hehehehehe. Try niyo rin kung ano masasabi ni shopee sainyo .. good morning na pala ..
Habang ang lahat busyng busy na sa pamimili at pagluluto ako eto busy sa paglaba hahaha gusto ko Kasi salubungin bagong taon na walang labahan, mamaya nalang ako mamimili ng pansahog pag rush our na haha. Gusto ko Kasi on time palagi haha anyway good morning po sana maging mainit ngayon
Good morning ka ingay. Medyo okay na ang baby ko pero Sana gumaling na talaga siya , nag request siya gusto niya raw coco crunch kaya ayan nag timpla agad ako ng gatas Kasi minsan lang Yan mag request , ang hirap kasi niyan pakainin lahat ayaw. Kahit masarap na yung ulam. Pihikan masiyado. Sabagay kanino paba mag mamana,ako lang Naman pihikan dito sa pagkain haha , Basta Mahal pagaling kana . Love you
Pumunta kami ng bayan para bumili ng mga prutas ang problema nung pauwi na kami tsaka ko Lang naalala bibili pala ako ng bigas hay makakalimutin na talaga haha mamaya magpapasabay nalang ako sa pupunta Ng bayan. Eto lang nabili ko halagang 300 pesos konte lang pero pwede na to. Mas kailangan ko mag save ng pera para sa 2022 matapos na dream house namin... Happy New year po mga ka ingay.
Hindi rin pala ako masiyadong magastos hehehe. Nga pala sa mga gusto malaman kung magkano na nagastos niyo sa kaka shopee niyo tignan niyo na po. Hahaha pero Teka inum muna kasmyo tubig baka atakihin kayo. Kung na save ko to laking pera sana. Pero ano paba magagawa nandiyan na hahahaha
Ayan magaling na baby ko nag yo YouTube na siya. Pero Sabi ko onting oras lang mag cellphone at Tama na. Payag Naman siya. Nakaka Gaan na Ng loob at okay na siya.
Good evening ka ingay so ngayong Gabi sa bahay ng biyenan ko kami mag new year kahit na magkatabi lang bahay namin hahahahah. Hindi ako nag handa kasi Birthday ng biyenan ko January 1 taon taon nila cini celebrate yun. Kaya Hindi na ako nag handa pero nag prepare ako ng fruit sa lamesa. Sige busy na ako. Byeeeeeee hehehhe
Sana maging mabait tong taon na to sakin. Happy new year.
Pa help naman po. Bakit po pending yung fund na sinend ko sa coins.ph galing Bitcoin? Any help po. Dadating pa po kaya yun?
Morning ka ingay. Share ko Lang po habang nagkakaputukan kagabi , yung kumare ng biyenan ko nabangga ng motor taga dito lang rin samin dead on arrival. Haysss grabe nakakaawa. Ang sakit lang isipin na sasalubungin ng pamilya niya na Wala na Ang Isa nila sa Mahal sa buhay ng isang iglap. Keep safe po..