I can say na this is my first amigurumi doll. Marami na akong nagawang amigurumi pero ito yung first na mayroon siyang limbs. Nakuha ko ang pattern nito sa CAL ng 'Once Upon A Cheerio' ata? Free lang siya. Ito rin ang pinag basehan ko sa doll base na ginagamit ko ngayon. Inayos ko lang ng konti. Actually kaya ko inayos kasi gusto ko na kapag makita ang gawa ko may makapagsasabi ng "ay, kay cat crochet ito". Katulad kung paanong na rerecognize natin kaagad kaninong pattern ang ginamit sa isang project. Hindi rin naman masasabing original pero atleast makikita na may distinct style na kay ganito mo lang makikita. Kasi kahit pare-pareho man tayong nag gagantsilyo, iba-iba pa rin tayo ng paraan paano tinatapos ang isang project. Ala lang, share ko lang. Hehe 😅
No comments yet