Matatawag ba na pagsisisi yung nanghinayang ka sa relationship na nabuo niyo? Yung sana iba na lang ang ginawa ko that time, sana ganito na lang. Pero okay ka naman sa naging resulta nun? Nasasaktan ka kasi masaya na siya na wala ka pero okay rin naman yun kasi ayaw mo rin siyang balikan. Ego or pride ko ba yung nasaktan or yung feeligs ko talaga? Paano mo ba malalaman kung sincere ka sa isang tao? Yun ba yung automatic alam mo gagawin mo hindi mo pa iniisip? Hindi ba sincere yung pinag-iisipan mo muna yung gagawin ko? Katulad kung paanong gusto mo na ring matapos pero pinipilit ka ng isip mo na ipush pa rin. Ok lang ba na magselos ako kahit na unti-unti na akong nawawalan ng pake? Qualities of a toxic person ba ito? Paano ba magbago? Paano mo nasasabing nag grow ka? #RandomThoughts
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet