I feel empty. Sa huling pagkakataon, hindi ko alam kung naging honest ba ako sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi, gusto ko ring kalimutan siya pero ang sakit sakit lang talaga. Hindi ko matanggap na hindi ko man lang napantayan yung love and sacrifices niya sa akin. Hindi ko matanggap na masaya na siya na wala ako. Mas sumaya siya nung nawala ako. Nag grow siya. Na naging chapter lang ako ng buhay niya. Akala ko ako yung kelangan niya. Siya pala yung mas kelangan ko. Pero ok na rin siguro to. Hanggang doon na lang talaga. Ang dami-daming ko ring pagkukulang. Nahihiya na akong humarap sa kanya. Sana makalimutan niya na ako. Sana makalimutan ko na rin siya. Sorry mga ka noise, kelangan ko lang ilabas tong nararamdaman ko. Naghahalo yung thoughts ko, pakiramdam ko walang makakaintindi sa akin. Pati sarili ko di ko maintindihan. Bukas, makalawa magiging in denial na naman ako ulit makakalimutan kong naramdaman ko to.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet