read.cash Log in
@CatCrochet more from that month

Do you also have a fear of posting your face on social media? In our religious belief, kailangan naming i-cover ang aming awrah or the intimate parts of our body. Inaamin ko na sometimes hindi ko yun nagagawa lalo na yung pagtatakip ng buhok. I love to be included in group photos pero isa sa mga worries ko ay ang ma-upload yun at makita ang sarili kong not covered. Kaya ko naman burahin yung mga pictures ko sa fb, ig or even tiktok pero ang mahirap eh yung burahin ang pictures ko na nasa phone ng iba or naka upload sa social accts ng iba. Ganung bagay, kasi it is a sin. And some tiktok video reminded me of that. Naisip ko yung mga taong nagsi-save ng photos ko galing fb. How do I know? Kasi may 'friend' akong nanghihingi ng pictures pero nung tumanggi ako ang ginawa nag save na lang siya ng pictures from my album. At totoong uncomfortable nga siya. Super ick talaga siya. So I understand why some apps, di ka pwede mag save, mag screenshot and even screen record. Naisip ko yung risk na pwedeng may gumamit ng pictures mo, mag save at who knows anong gagawin nila dun. I just hope someday na mawawala na yung traces ng pagmumukha ko sa social media, specially sa FB.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.