read.cash Log in
@CatCrochet more from that month

Naiinggit din ako sa success ng iba. Yung hinihiling ko rin yung mga naabot nila pero hindi ko pa rin talaga nakukuha yung mga pinapanalangin ko. Minsan nakakapagod, nakakawalang gana. Tinatanong ko ang sarili ko bakit di ko kaya yung kaya nila? Bakit di pa rin natutupad yung mga pangarap ko? Kulang ba yung effort na binibigay ko? Kailangan ko bang magsakripisyo ng malaking malaki para matupad yun? Di ko ba talaga ginagawa ang best ko? Di ba ako seryoso sa buhay ko kaya ganun? Tama ba na ipursue ko ang career path na ito? Hanggang kailan ako maghihitay? Pinipilit ko ang sarili kong maging positive kasi wala naman tayong makukuha kahit iiyak tayo, diba? Pero minsan talaga hindi na kaya ng pagiging positive natin yung bagay2 kapag lagi na lang tayong nagfi-fail kapag sumusubok tayo or kapag tataya tayo sa isang bagay. 😔 Pero sige na lang, ganun naman kasi ang buhay. Di naman lahat ng bagay makukuha mo, di lahat ng panahon naaayon sa gusto mo. Masasaktan at masasaktan ka pa rin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.