read.cash Log in
@CatCrochet

@CatCrochet in September 2022

@CatCrochet

I have read somewhere na if you want to be a good public speaker, write. Write. Mapa-opinion man yan or diary or journal or anything just write. And read. The practice. Kasi in that way you will start to organize your thoughts and filter what you are saying. Kumbaga mas maaayos mong maideliver yung sasabihin mo kasi nasanay kang magsulat and matututo ka ng ibang vocabulary. Alam mo kung anong dapat at hindi dapat sabihin. Ganyan yung thought (or what i think i understand) ng…

@CatCrochet

The current state of my table for the past days. First time kong magkaroon ng big order and excited ako. Pero at the same time medyo tinatamad kasi mabilis akong antukin kapag gumagawa ng project. Still, I'm thankful sa nagtiwala sa akin ☺️

@CatCrochet

Kailangan talaga maingat sa bawat galaw ang mga guro ngayon sa loob ng classroom kasi konting mali may violation agad. Hindi ko sinasabing masama ito pero minsan kasi yung problemang kaya namang ayusin sa loob ng classroom, napupunta sa social media. Lalong lumalala. May mga issue'ng di nangangailangan ng opinion ng maraming tao.

@CatCrochet

Bakit kaya ganun noh? May ibang students na nagrereklamo kasi di kayang makipagsabayan ng mga guro sa generation ngayon pero kapag nag effort naman ayaw rin kasi ang corny or nakakainis daw. 😗

@CatCrochet

Ang darky namin. Pinakamaamong pusa namin pero isa rin sa pinakamaingay. Napulot lang namin to sa labas ng gate noon na lumpo pero ngayon ang laki na at masyadong makulit.

@CatCrochet

Hindi ko gusto yung mga posts sa facebook na may "tips for a good relationship" "things to avoid embarrassment in life" etc. Kasi gumagawa sila ng rules to manilulate people. Di pwedeng you do you? Choice niyang gawin ang gusto niya at kung nagkamali man siya or nasaktan then so be it. Pinipilit nating gumawa ng standards na hirap na nating abutin.

@CatCrochet

Wag nating i-romantacize yung pagpapalo, pagkukurot, pagpapatong ng 3 libro sa braso while sitting on the air at any punishment na di na appropriate ng mga guro natin noong elementary tayo kasi kung iisiping mabuti, abuse yun siya. Papabunitin ka sa oval na kakatapos lang na-mower and required na punuin ang isang sako dahil lang di nakapasa ng assignment or nakabayad ng daily fees tapos yung mga kaklase mo nasa klase. Payag ka sa ganun? Papaluin ng stick ang kamay mo kasi di…

@CatCrochet

Medyo ano lang na ang laki ng expectations natin sa mga bata na dapat sa murang edad well-mannered na sila. I mean reasonable naman na turuan sila ng manners habang bata pa pero ang oa lang natin na halos isumpa/patayin na natin ang bata kasi may nagawa lang na mali. Tapos kung iisipin mo, ganun din naman tayo. Mas worse pa nga kasi alam naman nating mali, gagawin pa rin natin hahaha. Ang hirap makibagay sa norms ng society 😆😆

@CatCrochet

Imagine, yung rapist mo may taga pagtanggol kasi nagpapasaya raw siya ng tao. 🤡 Ayaw sa rapist pero enabler. Yung rapist pa ang biktima, while yung totoong na-SA ang kontrabida.