Yung nasaktan ka pero ang nagawa mo lang ay bumuntong-hininga.
@CatCrochet in May 2022
Diba nga ito ang iyong gusto? O, ito'y lilisan na ako hindi, pareho naming ginusto. hindi lang kami naging totoo sa nararamdaman namin.
It's kinda sad na instead magtulungan na lang para sa ikakaunlad ng bansa, gagawa pa ng gulo para lang makaganti at mapatunayan ang pinupunto. Let us not wish for the downfall of our country.
Kahit pa hindi natin gusto ang nanalo sa election, hindi dapat yun maging rason para isumpa mo yung kapwa mong sumusuporta sa kanya. Hindi dapat yun maging rason para tumigil kang gumawa ng kabutihan bilang ganti.
Noon ang taas talaga ng tingin ko sa mga media personnel lalo na yung mga journalist at news anchors. Pero it's sad to think na merong iilan sa kanila na nagagawang mambully ng ibang tao on air in the guise of freedom of speech. Sige sabihin natin na meron naman talagang problema sa mga kini-"critique" nilang politician, pero bakit in a mocking way pa? And on certain politicians lang din. Obvious na biased masyado. Objective criticism ba talaga ang ginagawa or making fun of…
Own opinion ko lang naman, di na need ibalik ang ROTC sa high schools. Meron naman kasing NSTP sa colleges and hindi siya sapilitan. May rason naman kasi bakit tinanggal iyan siya years ago. Kapag siguro ang mandatory military service ang pag-uusapan, pwede pa siyang i-consider. And I don't think fit si Sara maging DepEd Sec. Malayo sa forte niya. Let us remember kung ano yung hinaing natin noon na ang DepEd sec dapat teacher.
Yiieeeeee, Yung bitter ka kaya you opt to sharing memes na lang para maging relevant.
Halos isang buwan na rin nung pinanganak sila. Malaki na ang dalawang kuting habang yung isa ay masyadong maliit 🥺 pero napakaamo naman. Sa mga sapatos namin sila natutulog kasi wala naman kaming cage para kina muning. Atsaka yung karton na pinagtutulugan nila originally ay marumi na. Di naman pwedeng hindi na itapon kasi baka magkasakit sila doon. Ayun lang. Happy pa rin kasi masigla naman sila at okay naman.
Gusto ko lang ibahagi ang gawa ko. Kinikilig ako nung natapos ko ito sya. Tuwang-tuwa ako kasi ito ang first amigurumi ko na galing sa binili kong pattern. Iniba ko lang ang kulay, naaalala ko tuloy ang picture ko noong kinder 😆
Isa talaga sa mga struggles kapag pet owner ka ay ang cleanliness sa paligid. I mean, paglilinis ng kainan at tubig, proper na pagtatapon ng dumi para di sila ma-infect ng parasite at tayo na ring hoomans, maayos na tulugan nila at palaruan para sa kittens para hindi sila nakakakain ng lupa kapag naglalaro sila at paglilinis na rin sa kanila. Kung pwede lang na palabasin ko ng kusina ang mga pusa, papalabasin ko kasi nagkakalat lang sila sa kusina kaso masyado pang maliit…
"When we are angry we have the tendency to say hurtful words or even curse someone out of anger" No! naniniwala ako na even when we are angry kaya nating gawin na hindi makapagsalita ng masasama sa kapwa lalo na doon sa taong umani ng galit natin. And we should strive for that. Kasi masama, lalo na kapag na-realize mong hindi mo naman gustong mangyari yun. Mahirap na siyang bawiin and it will always hunt you. We should work hard to keep ourselves from lashing out at others.
Iniisip ko yung reaction ng parents ng Maguad siblings after ng hearing. Naiintindihan ko kung bakit hindi sila satisfied sa parusa doon sa mga suspect. Naiisip ko pa lang yung struggle na pinagdadaanan ng mag-asawa naiiyak na ako. Really, napakasakit na experience na sana hindi mangyari sa iba.
Really? I beg to disagree. But, it's your opinion so go for it.
How can you feel their "genuine love" kung nag cheat ang isa sa kanila, na glorified lang kasi umamin? How can you feel their "genuine love" kung wala ka naman mismo doon para ma-witness ng personal ang relationship nila at puro updates and vlog lang sa social media ang pagbabasehan mo?
"Cong is the standard" "Maghanap ng lalaking katulad ni Cong" Girl, bago ka maghanap ng lalaking pasok sa standards be the standard din naman.
Bumisita si miming kanina. Nanghihingi siguro ng pagkain o hinahanap si mingkay. May galis siya konti at sugat na rin. Gusto ko talaga ang kulay ng mata niya. Parang lumiliwanag 😆 kala ko may magmamana ng mata niya sa isa sa mga muning nila ni mingkay kaso wala talaga. 😣
Masyadong malungkot yung nangyaring shooting sa isang elementay school kung saan may mga batang namatay. Nakakatakot talaga ang mga school shooting sa america.