Kinukulit ako ng pusang to habang naglalaba. Sinasamahan ako pero at the same time nanghihingi rin ng pagkain. 🤧 Pasensya na miming kung di kayo madalas nakakakain, wala pambili ng catfood.
@CatCrochet in March 2022
Di ko na masyado nalalambing tong si mingkay ko. Di kasi mahilig magpahawak eh. Parang gusto kong isubsob ang mukha ko sa tyan niya sa sobrang cute hahaha. Pero alam kong hindi siya mag aalangan na kalmutin ako kaya kinakarga ko na lang na may halong panggigigil. Nahirapan akong kumuha ng litrato jan kasi ayaw humarap sa camera. Gusto pa niyang bumaba.
Nakalimutan ko na kung ano ang ginagawa ko nung araw na kinunan ko to pero nangyari to nung hindi pa pandemic. Nung high school pa ako, gusto ko na talaga ang bulaklak na to. Nagnakaw pa nga ako ng sana sa tanim sa campus namin para buhayin pero hindi nabuhay. 🤧😢 Gusto ko kasi ang kulay. Masyadong green ang dahon, puti ang flower niya. Maganda siyang i-lanscape. Ngayon may tanim na kaming ganito 😊 ayun lang hindi ko pa rin alam hanggang ngayon ano ang pangalan niya.
Gumawa ako ng stickers. First time kong gumawa kaya di sya ganun kaganda. Pero nag-enjoy naman ako.
I'm really having a hard time deciding now. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Susubukan ko bang pasukin yung isang situaton na hinihiling ko namang matapos agad? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, bakit gusto kong mag fail ako kapag susubok ako ng bagong bagay or lalabas ako ng comfort zone ko.
Sometimes naiinis ako sa mga taong nagsasabi ng "you sould get out of your comfort zone". Bakit? It's called comfort zone for a reason. Masama bang maging consistent? Maging kontento sa buhay? Kung magti-take risk kailangan mo ring i-consider yung mga consequences kapag nag-fail ka. Parang ang dali lang kasi para sa iba na sabihin yun, parang ang babaw ng pagkakaintindi ng 'comfort zone'. I'm not saying na HINDI na tayo aalis sa comfort zone, ang point ko lang ay kung wala…
Nakakalungkot na may mga taong nuknukan ng sama. Yung kayang pagkatuwaan at isumpa yung taong salungat lang sa pinaniniwalaan nila. I always wonder kung ano nga ba tumatakbo sa isipan nila para sabihin yun. "kasalanan mo ito" "mamatay ka na sana" "deserve ang kapansanan" Hindi ba sila kinikilabutan sa mga sinasabi nila? Parang ang dali lang bumitaw ng masasakit na salita, ah.
Nakaka drain ng utak mag analyze ng problem. 😟 Tapos due na mamayang 12am. Di ko pa natatapos lahat ng assignments ko. May report pa na gagawin.
Minsan napapaisip na lang ako bakit sobrang cute ng mga pusa. Noon gusto ko talaga ng mga mamahaling breed ng pusa. Pero habang tumatanda ako mas nagugustuhan ko na yung breed ng pusa na nakikita natin madalas sa kalye o yung sinasabi nilang pusakal. Nakakalungkot lang kasi may ibang tao na mas may worth para sa kanila yung pusang "may breed" kesa sa mga pusang kalye. Eh pareho naman silang pusa. Eto yung mga pusang minsan nang bumisita sa bahay. Yung iba namatay na, yung…
Ok pa ba ako? Due na mamaya ng activity at assignments pero wala pa rin ako sa mood gumawa.
Nung una worried talaga ako sa kung sino ang iboboto kong presidente kasi lahat ng kilala kong presidentiables hindi ko gusto. Tapos nung nakapanood ako ng mga interviews, ang dami pa palang options. Bakit puro lang tayo Leni vs. Marcos as if sila lang yung qualified umupo bilang presidente? Hindi rin nakakatulong yung ibang news outlet natin kasi puro mga presidentiables na nagbabardagulan lang ang binabalita.