read.cash Log in
@CatCrochet

@CatCrochet in October 2021

@CatCrochet

Hello sa aking topic for reporting, mahirap intindihin at iapply sa profession pero laban lang! 💪 May hahabulin tayong deadlines.

@CatCrochet

Kapag na set talaga ang sarili ko, mood and state of mind, nagiging fun ang pakikinig ng lectures. Sometimes it can be boring pero meron talagang strategies ang speaker para maging interactive ang lectures. I think it is important para sa mga speakers to have that kind of attitude and trait. Not in an annoying way, more on engaging way. Maka attract ng discussions or debates.

@CatCrochet

What made me like the teaching profession? Nung una pumasok ako sa BSED na course dahil sa influence ng parents in which I can remember them saying na "yan ang kunin mo kasi madali". So from first year up to second year nag-aaral ako for the sake na makakuha ng degree. Not until nung nag third year ako at na introduce sa amin yung course subject na assessment of learning. I'm always fascinated in child development and how the brain works kahit sakit sa ulo intindihin haha…

@CatCrochet

"We think too much about effective methods of teaching and not enough about effective methods of learning" a qoute from John Carolus S.J. I can reflect on this kasi nung lagi nating binibigyang emphasis in leason planning kung ano bang teaching methods ang gagamitin instead sa kung ano method ba ang effective methods para matuto sila. Kung ano ba ang bagay sa kanilang capabilities.

@CatCrochet

Minsan talaga hindi ko alam bakit pumayag akong mag-aral sa grad school. Ang hirap kasi ang laki ng expectations sayo especially nasa university ka nag-aaral.

@CatCrochet

May pagkakataon ba na mali ang pagkakabasa mo isang sentence? Katulad ng "minsan talaga hindi ko alam bakit" pero ang pagkakabasa mo "minsan talaga may mga bagay na". Palagi itong nangyayari sa akin kaya usually mali ang pagkakaintindi ko at mali ang mga responses ko. Nag ko-cause siya ng misunderstandings.

@CatCrochet

Namimiss ko na ang mga activities sa department namin nung college. Pati na rin yung buhay na buhay na lovelife ko noon na patay na ngayon. Hahaha. Totoo talaga yung sinasabi nilang cherish every moment kasi di na yun maibabalik. Pero wag din namaan tayong magstay lang doon, we should also move forward. We can look back but we also need to move on.

@CatCrochet

Narealize ko lang, just because napasaya ka ng actions/decisions mo ibig sabihin tama. Di lahat ng nakakapagpasaya sayo ay tama. Kasi there are always consequences in our actions. Sometimes the right decisions hurts us.

@CatCrochet

Sa akin lang, wala naman akong nakikitang issue sa pagbebenta ng mga unclaimed parcels lalo na kapag di na siya maibabalik sa sender. Hindi ko alam bakit may ibang triggered sa mga nagbebenta ng mystery parcels. Hindi naman yan ibebenta ng basta-basta lang. Kini-claim agad ng iba na nakaw, unless kung may evidence na nakaw talaga. It's good to question pero yung gawin mong fact ang opinion mo and spreading it pa is mali.

@CatCrochet

Currently making a report about Brain-based learning methods and its application. Sometimes I wonder how researchers find so much references for their paper. Ang tyaga magbasa at mag hanap ng studies that support their paper.

@CatCrochet

Ganun pala ang feeling kapag marami kang references sa paper mo. Feeling intelligent atska exhausting. Nakakapagod maghanap ng mga pdf na pwedeng magsupport sa claim mo. Pucho-pucho lang talaga ang college thesis mo sa research paper mo sa grad school. Another level of standards and paghihirap.

@CatCrochet

Mag 12am na, naririnig ko pa rin yung bell ng pusa ko sa labas na tumutunog. Cats are nocturnal meaning they are active during nightime. Nakakatuwa lang na marinig yung tunog ng bell sa collar niya. Namimiss ko tuloy yung pusa kong namatay na, masyadong active rin iyon kapag gabi. Lagi kong naririnig na tumatakbo sa kisame namin.

@CatCrochet

Nung nag enroll ako sa grad school ang una kong inisip ay kung ano ang magiging title ng thesis ko. Plan ko sanang mag-visit sa library kaso may pandemic kaya limited ang pagpasok sa grad school. Dahil doon wala pa rin akong naiisip na title ko. I know medyo matagal pa ang thesis pero mabuti na yung prepared kesa hindi. Hehe

@CatCrochet

Malapit na ang deadline ng report ko hanggang ngayon di pa ako nakakalahati. ;( Matatapos ko ba to? Naiiyak na ako.

@CatCrochet

Brain-based learning is a paradigm of learning which addresses student learning and learning outcomes from the point of view of the human brain. So somehow connected siya sa Bloom's Taxonomy since Bloom's Taxonomy is a hierarchical ordering of cognitive skills that can, among countless other uses, help teachers teach and students learn. Hindi na rin ako sigurado, basta maipasa ko lang itong report ko.

@CatCrochet

Learning is a painful process. For me, this is true because in order to learn we need to unlearn to accommodate and assimilate new information. Kaya nga we often say 'we learn the hardest way' kasi it is painful to unlearn something.

@CatCrochet

I've read a post that the most painful betrayal doesn't come from a stranger. In my perspective, it is because we do not expect something from strangers. Hindi tayo agad nag-titiwala sa hindi natin kilala. It is not the same sa mga friends or family natin na ilang taon nating nakasama, forged bonds with.

@CatCrochet

Kapag natapos ang mga requirements ko, gagantsilyo talaga ako at guguhit.

@CatCrochet

Yung masakit siya pero idadaan mo na lang sa tawa kasi wala ka nang magagawa pa dun.

@CatCrochet

Hindi ko magamit ang android app ni noise. Lagi lang siyang nag-lo-load. Hindi naman siya ganun dati.

@CatCrochet

:Bakit ka nag-aaral? ;Pinilit lang. Ayaw pa-apply-in ng ibang trabaho.

@CatCrochet

Hindi kasi nila alam yun eh. Akala nila pa-chill2 lang ako, pero deep inside pressured na masyado. Di na nagfa-function ng maayos ang utak ko kasi lahat na lang gusto nilang pag-aralan ko ng sabay2. Hirap na nga tayong mag concentrate lang sa isang subject, dadagdagan pa ng iisipin sabay sasabihing "sayang ang opportunity". Sorry for the rant

@CatCrochet

Kaya nga meron tayong sinasabing expect the unexpected. Kasi baka magbiro ang tadhana, mangyayari yung kabaliktaran ng inaasahan mo. Pero I feel really bad for the people who work hard and expects something in return pero nadisappoint lang sa huli.

@CatCrochet

Yung bukas na ang deadline ng reports pero wala ka pang natatapos. hehehe.

@CatCrochet

Hindi ko alam kung namanhid na ba ako kaka-worry sa deadline ng report ko ngayon. Di ko pa rin tapos ang PPT, di ko pa nasisimulan ang video presentation niya. Hahaha, help?

@CatCrochet

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag gantsilyo. huhuhu. Nabusy lang talaga.

@CatCrochet

Hindi ko alam noh, pero nung hindi pa knowledgeable ang mga tao sa Pilipinas na may nagbibenta ng mga unclaimed parcels galing abroad, in which, tinatawag nilang "mystery parcels", meron na talagang nagbebenta sa shopee at lazada ng mga mystery boxes. Ngayon, may nagsasabing scam daw ang mga "mystery parcel" na nire-resell kasi wala namang mamahalin laman. What do you expect? Kaya nga tinawag na mystery eh kasi paswertehan lang. And baka naman po yung akala mong "mystery…

@CatCrochet

And when I thought tapos ko na ang full text ng aking report, pina check ko. Ayun, meron pa palang mga kulang. Huhuhu.

@CatCrochet

Kapag pala nagiging constant ang paggawa mo ng mga academic papers or lagi kang nae-expose sa mga research nag-iimprove yung writing skills mo. Hindi naman yung agad-agad excellent ka na. What I mean is, makikita mo yung progress mo kahit maliit lang. And nagkakaroon ka ng self confidence na magagawa mo talaga siya.

@CatCrochet

Nag-usap kami nung kaibigan ko/classmate nung high school tungkol sa pag-aaral. Nag-eexchange ng experiences dito na subject, internship. Kapag nahihirapan ako sa Masters degree ko, specially sa mga essays, lagi kong naaalala yung mga sinabi niya sa akin noon. 'You always read sit, magbasa ka palagi. Tapusin mo yung masters mo kasi malaki ang sweldo. Tapos noh, bahala hindi maganda yung essays as long as ikaw ang may gawa nun, hindi copy-pasted from internet. Para hindi rin…

@CatCrochet

So may nababasa akong fake raw ang noise cash app na makikita sa play store. Totoo ba to?

@CatCrochet

Almost done na sa aking report. Konting polishing na lang at magagawan ko na siya ng video presentation. Anyone who is struggling sa kanilang school activities ngayon, laban lang tayo guys! Kaya natin to'! Ga-graduate tayong lahat! ^_^v

@CatCrochet

Nakakainis na rin pala kapag puro na lang "hihingi ng donation" at "mag -amot tayo" ang naririnig mo. Namimihasa na rin, wala nang ibang alam kundi humingi.

@CatCrochet

Yung pinipilit ka niyang mag-aral, kahit nag-refuse ka na kasi alam mong hindi mo kayang pagsabayin sa masters degree mo, kasi online lang naman daw. Ano tingin mo sa online? Attendance lang choks na? Ano tingin mo sa pag-aaral ng TM which is gagawa ka ng 8-9 module ng isang competency may demonstration pa at assessment, madali lang kasi online sa internet lang kukunin? Madali lang para sabihin kasi di naman ikaw ang mag-aaral. Dami mo raw ginagawa pero nakaupo ka lang jan…

@CatCrochet

I'm planning to do an all-nighter para gumawa ng school activities pero 7pm pa lang inaantok na ako.

@CatCrochet

Minsan I want to be an animal. We can be as aggressive when we feel we are provoked or threatened. Di natin kailangan magpakita ng mahabang pasensya at professionalism sa mga taong somehow gives you the nerve. Hindi natin kailangang magpakitang-tao.

@CatCrochet

Minsan may mga oras talaga na gusto nating mag bigay ng opinion sa isang issue kaso binabawi natin kasi nadi-disregard dahil masyadong "shallow" raw. And of course, merong mga may alam na imbes i-educate ka lalo kang i-isolate. Sasabihan ka ng "wala ka namang alam". You want healthy discussion pero you choose to keep quiet na lang kasi minsan kung sino pa yung maalam sila pa yung toxic.

@CatCrochet

Great minds think alike, though fools seldom differ. Just because you share the same sentiments doesn't make you any wiser or intelligent.

@CatCrochet

Nan, mao na ni ron. English is indeed a queer language jud. And why would you proofread someone's rant man gud? Hindi man gud yan academic paper na need ipasa sa professor. As long naintindihan ang context, who cares sa grammar. Saka ka mag-correct kapag hindi na talaga naintindihan yung rant at need na talaga i-decode (charot) yung sentence. Ilugar minsan ang pagiging matalino uy.

@CatCrochet

Kinakabahan na naman ako bigla. Tinatamad na rin akong gawin mga reports at assignments ko.

@CatCrochet

I was watching a video presentation by my classmate about Biopsychosocial model. In one of her lectures sabi niya, Expectation is best if not attained, because you boost yourself to bring out the best of you to meet that expectations. Parang nagiging motivation mo siya to work harder.

@CatCrochet

Akala ko talaga nung una kapag nakuha ko na ang yearbook ko matutuwa ako. Ngayon naiinis na ako everytime nakikita ko ang mukha ko sa yearbook. Bakit mukha akong mature dun? 19 years old lang ako nung nag pictorials, bakit mukhang 27 year old na ako at may tatlong anak sa picture? hahaha. Kapag naka graduate ako sa masters, puhon, in sha Allah, di na ako susuot ng make-up hahaha.

@CatCrochet

Somehow, disappointed ako sa episode na dearest family ng Miraculous Ladybug. Masyado akong na hype sa mga theories and konting spoilers. Akala ko magkakaroon ng more interaction pa ang LadyNoir pero wala. Akala ko rin ma-akumatize si Marinette or Tikki. Glaciator 2 please, don't disappoint me.

@CatCrochet

Kahit konti lang nakukuha ko kay noise at kahit di ako ganun ka active sa wall ko still thankful pa rin kasi merong naiipon na maliit na halaga. :) Every drop counts ika nga.

@CatCrochet

And I pretend I'm happy for you When you find some girl to take home wala, gusto ko mag emote ngayon. hahaha. namiss ko lang siya bigla.

@CatCrochet

Sino yung taong mas hindi pwedeng pagkatiwalaan, yung taong may inggit sayo o yung taong nag inform sa iyo na may naiinggit sayo pero nakisakay rin sa kainggitan nung tao?

@CatCrochet

haaaa, all this time. Mali pala yung paggamit ko ng "you're welcome". Laging "you welcome" ang nailalagay ko. Hahahaha

@CatCrochet

Hays, in this life hindi talaga natin maiiwasan yung taong puro negative ang nakikita at puro positive ang nakikita.

@CatCrochet

Nanganak na yung pusa ko ( ◜‿◝ )♡ These are her babies. Actually last week pa talaga siya nanganak.

@CatCrochet

Si miming ko na wala masyadong gana kumain kapag hindi prito ang ulam. Binilhan ko ng vitamins for lactating cats, ang mahal pala noh? Nakakaubos ng ipon ang pusang to. Nararamdaman ko na talaga yung struggle ng ibang pet owners.

@CatCrochet

I saw this post and syempre like I always do, I read the comments. And natuwa lang ako nung may isang nag comment doon ng "Nobody is without their red flags. Nobody is squicky clean and perfect. We all need to work on ourselves". Kahit ayaw natin sa red flags, at some point in our life naging toxic tayo towards other people knowingly and unknowingly. Pero syempre we are intended to change. Kaya nga mayroon tayong character development. Photo from Steven Universe fb page

@CatCrochet

Lately sinusubok talaga ako ng tadhana. Ang dami kong pending assignments pero heto ako, tinatamad. Ghad, self please cooperate ka naman. Huhu, ayaw mo mabagsak diba?

@CatCrochet

Mahirap i-let go pero kailangan. Ako na lang ang iiwas.

@CatCrochet

Akala mo okay lang sa akin kasi nag-uusap tayo nang parang wala lang. Pero hindi.

@CatCrochet

Para sa akin, iba pa rin talaga ang mag take note. Kahit merong laptop or any gadgets for note taking iba pa rin yung naisusulat mo siya. Hindi ko alam pero madali para sa akin i-list down yung important details na kailangan sa reports and studying.

@CatCrochet

Yung gusto mong magpakalasing kaso haram kaya anything sweet na lang kaso wala ka ring pera pambili. 😅

@CatCrochet

May tanong ako. Ano ang dahilan bakit mag chachat sayo bigla ang ex mo kung sinabi niyang naka move on na siya? At bakit nasasabi niyang nagi-guilty siya minsan?

@CatCrochet

Nanonood ng tv ang kapatid ko at napansin ko na sa animax siya nanonood. Mob Psycho 100 II ang palabas, at naalala ko lang na may season 3 na pala ang Mob Psycho ngayon. Natuwa lang ako kasi isa siya sa mga recommended anime ko. Maganda kasi ang kwento at gusto ko yung character ni Mob doon pati na rin ni Reigen. Con artist pero may values. hahaha

@CatCrochet

May report kami sa isang subject ko kung saan kailangan naming pag-aralan yung educational system ng isang country at ang napili namin ay Amsterdam. Pero nag decide kami na gawin na lang syang Netherlands, since ang Amsterdam ay capital ng Netherlands. Naka assign sa akin ang introduction ng country and while researching, nalaman ko na some of the land from the country ay reclaimed land from either sea or lake. Amazing lang kasi for so long namaintain nila yung land na yun…

@CatCrochet

After reading a post about grieving, naisip ko yung biggest fear ko. Yun yung mawala ang lahat ng mga taong importante sa akin. Yung family ko. Kapag naiisip ko yun, naalala ko yung napanood kong clip ng HIMYM nung namatay ang father ni Marshall. Nung sinabi niyang "I'm not ready for this", naisip ko na never kang magiging ready sa pagkakawala ng mahal mo sa buhay. Kahit pa alam na nating mangyayari yun sooner or later in our life, never kang magiging ready sa sakit na bigay…

@CatCrochet

Pinag-iisipan ko pa rin kung bibili ako ng pattern or i-freehand ko na lang yung amigurumi na gusto kong gawin. So many beautiful patterns, so little money and time to actually make one. Been on hiatus kasi naging busy sa mga school requirements add the procrastination pa. I miss crocheting na pero set aside na muna natin, tapusin na lang muna ang tambak na assignments.

@CatCrochet

Around first week of Nov ang release ng episode 22 of season 4 ng MLB. It's also ang 100th episode of the series and according to the creator, magiging katulad daw ito ng episode Chat Blanc kung saan may one-sided identity reveal from our protagonist. I wonder, I mean marami nang naglalabasang theories sa episode na ito but I'm still curious sa kung ano ang actual na mangyayari. I wish di ako nanonood ng mga theories sa youtube para hindi ma-spoil ang panunood ko haha.…