read.cash Log in
@CatCrochet

@CatCrochet in September 2021

@CatCrochet

Hi! Nagka data ako ulit! Kamusta kayong lahat? Lately wala ako sa mood gumantsilyo. Crocheters block. πŸ˜‚ I'm kinda preparing for a test. Tinatamad akong mag review. I hope sipagin akong mag review nito. I read on a post na if you have the intention to do something ay magagawa mo ito. It all boils down on how strong and sincere your intentions are.

@CatCrochet

Nakakatuwa kapag ang nakikita mong posts sa facebook or any social media platforms ay puro good vibes. Nakakagaan sa pakiramdam. Minsan sa magulong newsfeed kailangan din natin ng isang magaan na post. Refresher kumbaga.

@CatCrochet

What do you do when you don't have the motivation to crochet? Ako, I search for free amigurumi patterns online. Sa Pinterest ako mostly nakakakita ng mga free patterns. Other than that, ginagawa ko ang ibang mga hobbies ko like drawing or coloring. I also do sewing pero wala akong extrang tela kaya di ako nakakapagtahi. Kapag wala ako sa mood to do all that, tumatambay ako sa facebook to find some inspiration and business ideas. Kung hindi sa TikTok or YouTube naman to…

@CatCrochet

Hi, its been a while. These past few days, I've been thinking and writing down my feelings. It helps me get better. For now, I can say that I'm feeling better. It doesn't hurt that much as what it did before and I'm also learning to accept what has become of our relationship. Today, I'm learning to set my priorities and responsibilities. I hope this growth, I think?, will continues. #RandomThoughts

@CatCrochet

Bakit ang hirap mag bank transfer sa BDO thru Gcash?

@CatCrochet

This is complicated. When you are so sure sa destiny mo tapos bigla kang nag dalawang isip kung tama ba ang gagawin mo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan kundi pati yung mga tao sa paligid mo, especially yung taong sumusuporta sa pangarap mo. Wala akong masasabing advice o wisdom tungkol dito kasi I've also been in this situation and it end really bad. And up until now hindi ko pa rin alam kung tama ba ang naging desisyon ko, kung ano ba talaga ang dapat kong ginawa that time.…

@CatCrochet

Hi, lately nawawalan ako ng motivation mag crochet. Normal naman ito sa akin kasi hobby ko lang talaga ang gumantsilyo at di ko rin pinipilit ang sarili ko unless kapag may order. Anong ginagawa niyo kapag nakaka experience kayo ng ganito?

@CatCrochet

Anong ginagawa niyo kapag kinakabahan kayo ng sobra sa simpleng bagay? #RandomThoughts

@CatCrochet

This is my Oxy Amigurumi. Pattern by Ginansilyo ni Marya. Entry ko ito siya sa CLP-CAL nung january.

@CatCrochet

Kakatapos ko lang kumain nagugutom na naman ako. Naghahanap ako ng matamis. #RandomThoughts

@CatCrochet

Magsisimula na talaga ang online class. Nakakakaba na namang humarap sa online meeting with your professors at baka tatamabakan na naman ng activities and requirements. Kakayanin ko sana ngayong sem.

@CatCrochet

Gusto ko na ring magkatrabaho. Three years na akong naghihintay. βŠ‚(γƒ»οΉγƒ»βŠ‚) DepEd please bigyan niyo na ako ng item this year. Huhuhu. #RandomThoughts

@CatCrochet

Nakakainis noh? Yung naglaba ka nung isang araw tapos makikita mong dumarami na naman ang labahin mo sa basket. Eto na talaga ang trabaho na hindi na mawawala sa buong buhay mo kasama na ang paghugas ng pinggan. Unless kung may babayaran ka para gawin yun. πŸ˜…

@CatCrochet

Do you believe in this? May nabasa ako sa comments na "not when you are murdering someone". Hahahaha. Maybe its a good thing, but not all the time, not in all situations. Photo not mine. Owner is already on the pic.

@CatCrochet

Hi! Sharing one of my first amigurumi dolls. Chika Fugiwara from Love is War. Dito ko napatunayan na mahirap talagang gumantsilyo gamit ang black yarn lalo na kapag gabi.

@CatCrochet

Dumating na yung letter papers ko na inorder ko pa sa shopee. Balak ko sanang isulat dito mga kadramahan ko tapos ibibigay ko sa taong naging reason bakit ako sumulat kaso naisip ko wag na lang kasi natapos naman na din yun. Di na niya kailangang malaman kung anong naramdaman ko nun.

@CatCrochet

Sinong nagbabasa ng Eleceed dito? Ang cute nilang dalawa noh? Actually ship ko itong dalawang to. (q‒̀ᴗ-)✧

@CatCrochet

I can't believe I cried watching this lantern scene from tangled again. It's just beautiful. Photo are screenshots from the movie in youtube #RandomThoughts

@CatCrochet

Sana kahit gaano ako katanga/clumsy sa lahat ng bagay/decisions eh walang magagalit katulad kung paanong walang nagagalit kay groot.

@CatCrochet

Kahit maliit, kapag naiipon lumalaki rin. #RandomThoughts

@CatCrochet

Here's my cat. Nakatingin sa akin kasi iniwan ko raw siya sa may kubo.

@CatCrochet

Ang cute talaga ng scene na ito. Close na si Kaiden sa mga stray cats ni Ji woo. πŸ˜‚ #RandomThoughts

@CatCrochet

Nakakainis yung naiinggit ka sa achievements ng iba. Masaya ka naman sa narating nila pero bigla kang nainggit. Bakit sila ganun tapos ako ganito. Napaka unpleasant siya na feeling. So everytime na nakakaramdam ako nun sa kapwa ko iniiwasan ko na agad. Hindi ko na lang masyadong iniisip at focus na lang sa kung anong meron. After all, magkakaiba tayo ng timeline at definition ng succes.

@CatCrochet

Nakakatuwa na may topic ring ganito sa manhua na ito aside from sewing garments. It is my first time seeing na namention ang crochet sa manhua. Usually kasi knitting lang eh, I am happy na na recognized din ang crochet.

@CatCrochet

Nakakapagod mag aral, mapa online man o face to face. Pero kailangan tapusin kasi nasimulan na. Para sa future.

@CatCrochet

May pusa na naman akong nakita sa venue ng training namin. Ang cute and super amo niya.

@CatCrochet

Hi! Lately I've been rewatching the Harry Potter movies at sa lahat ng movies niya, yung Prince of Azkaban at Order of the Phoenix na lang ang hindi ko pinapanood ulit. Wala lang, hindi ko lang feel yung dalawang movies na yun. #RandomThoughts

@CatCrochet

Dumarami na yung horizontal lines sa phone screen ko. Hindi pa naman siguro to masisira noh?

@CatCrochet

Hindi ata ako makakasali sa CAL ng CLP kaso wala akong yarn for bucket hat 😒 kung oorder ako ngnyarn di ko rin maabutan kasi 1week pa bago darating ang yarn since nasa province ako.

@CatCrochet

Test na namin bukas ng hapon kaso hindi pa ako nakakapag study πŸ˜…πŸ˜… nasobrahan na ako sa pag procrastinate. Kaya ngayon focus na muna sa dapat gagawin. #RandomThoughts

@CatCrochet

Hi!!!! Currently studying the app we will be using on our test tomorrow! Nakakakaba ang 180 items na test lalo na't hindi ako nakapag study but I'm still optimistic na makakayanan ko ang questions para bukas 😊 and mako-comply ko yung requirements para makapag take ng test 😊😊 #RandomThoughts

@CatCrochet

Ang hirap nitong ipush kang ipursue ang isang bagay pero di ka rin suportahan.

@CatCrochet

Nakakainis yung tatanungin ka ng ex mo kung kailan mo balak magka baby. Di pa ako nakaka move-on sayo ex wag mo akong tatanungin ng ganyan. Sarap bigwasan eh. #RandomThoughts

@CatCrochet

It's close to 1:30 na! Hoo, still unprepared pero lavaaaannn lang! No use cramming at this time.

@CatCrochet

GLT done! Buti na lang nakapasok ako sa system kahit nagloko ang internet ko kanina. I am 75% sure sa mga sagot ko roon. πŸ˜… Haha naubusan pa ako ng oras kaya yung iba mata-mata na lang sa pag sagot, hula-hula na lang. Sobrang sakit ng ulo ko since sa screen lang pwede tumingin. 😟 Na-strain ata ang mata ko.

@CatCrochet

Gagi, kala ko naka move on na ako. Hindi pa pala. 😒

@CatCrochet

I think this is a good reminder. Hindi ko kailangang ma pressure para gawin yung hobby ko consistently. Kaya ko nga siya naging hobby kasi it is my way of killing time, pampawala ng stress and somehow my way of moving on. Well, ang sinasabi ko lang ay wag nating kalimutan ang dahilan bakit natin siya naging hobby. Photo not mine. #RandomThoughts

@CatCrochet

Ang baba ni BCH. Bakit kapag may data ako ang baba niya? Pero kapag pa expire na ako tumataas na naman???

@CatCrochet

Hindi ko alam bakit may nagsasabing sinisira ng tiktok ang mga magagandang music or bakit parang masama na through tiktok mo nalaman yung isang kanta. Buti nga kasi may tiktok na dahilan bakit na recognize yung mga underrated artists. At first akala ko talaga puro lang dance challenge or kalaswaan ang laman ng tiktok, pero hindi naman pala. Kailangan mo lang ifilter yung nasa fyp mo. Wala, share ko lang. Hahaha One of the songs na nadiscover ko through tiktok ay ang…

@CatCrochet

Actually one of my favorite songs nung bata pa ako ay Careless Whisper. Lagi ko tong kinakanta noon lalo na ang bridge part. Kaso nga lang na associate siya sa tape ni Katrina at Hayden kaya nahiya na akong kantahin siya. Hahaha

@CatCrochet

This is my wip after almost two weeks din atang hiatus sa pag gantsilyo.

@CatCrochet

Kung kaya ko lang paliguan tong pusang ito ng hindi tumatakbo, nangangagat at nangangalmot ay nako. Always ka talagang malinis miming.

@CatCrochet

Di ko maiwasang mainis kapag pasukan na ng kapatid ko kasi lagi akong inuutusang sumagot ng modules niya. Eh 90% cellphone, 7% sagot, 3% iyak lang naman ginagawa niyan. Tapos ako ang papagalitan kapag hindi naipasa on time ang module.

@CatCrochet

I have a belief na bakit mo pa susubukan kung alam mo naman ang sagot. Napaka coward diba? Pero na condition na kasi ang utak ko na kahit subukan ko pa laging no ang nakukuha kong sagot. Hindi ko jina-justify ang toxic trait ko ha, ayaw ko lang ma disappoint lalo na kapag hinihingi mo yung approval ng parents mo. Yung nag iipon ka ng lakas ng loob tapos kung kailan gusto mo nang i-open up naduduwag ka na kasi naunahan ka agad ng no. Nagpaparinig kumbaga na hindi pwede yung…

@CatCrochet

Bakit ganun? Nawalan ng laman ang wallet ko na inimport ko sa noise? Yung wallet ko sa bitcoin cash eh meron naman laman pero yung wallet ko kay noise eh nawala ang laman, as in 0 balance?

@CatCrochet

Kakabakuna ko lang ng Sinovac kanina. Sumasakit yung ulo ko 😒 may reporting pa ako bukas, di ako makafocus huhu. Natatawa ako na naiinis sa situation ko. πŸ˜…

@CatCrochet

Katulad ng sinasabi nila change doesn't happen overnight. As qouted by J.M. Darhower "There's no button that's pushed to magically alter everything. Change happens little by little. Day by day." Photo screenshot from manhua D. I. C. E.

@CatCrochet

Na experience niyo rin ba yung bigla niyo naaalala mga embarrassing moment niyo? Mga stupid things na ginawa mo nung studyante ka pa or anything na mapapa-facepalm ka na lang sa katangahan mo. Kasi ako, oo. Always. Kapag naliligo, kapag matutulog, kapag gumagantsilyo, gumagawa ng report naaalala ko siya bigla. Pinagsisihan ko yung ibang ginagawa ko at minsan gumagawa pa ako ng excuse para lang di ako ma-upset sa nangyari. May mga bagay talagang minsan wala lang sayo, minsan…

@CatCrochet

This is a reminder form me na be good to yourself. Hindi natin hawak ang mangyayari so wag nating itorture ang sarili narin sa mga bagay na hindi pa nangyayari or mga bagay na hindi tayo sigurado kung mangyayari ba. Just live the moment and remind yourself na you did your best today. And everything happens for a reason. Kung para sayo, para sayo talaga in right place and right time. Kung hindi, then there is always something better stored for you.

@CatCrochet

There are different kinds of love. At siguro hindi pa ito ang oras para maramdaman ang romantic type of love kung saan hindi mo kailangan itago yung nararamdaman mo kasi maraming may ayaw. Maybe I'll just wait for that time. Kahit siguro huli na para sa aming dalawa, I'll just believe na one day malalaman ko rin kung bakit ganun ang nangyari.

@CatCrochet

Hindi na nga ako nakakatanggap ng malaking tips mawawalan pa kasi nag sesend lang bigla ang wallet ko sa ibang address. 😒😭 Every little drop counts tapos mapupunta lang sa iba.

@CatCrochet

Successfully connect na iyong wallet ko 😩 hopefully wala nang mangyayaringg bigla biglang nawawala ang naiipong funds.

@CatCrochet

Last last night nagbabasa ako ng manhua sa phone ko and luckily nag update ang Eleceed. Grabe, super intense ng recent chapter! Nagiging interesting ang story. Can't wait for the next update na! Sharing to you the screenshots of Ji woo

@CatCrochet

Ang hirap makawala sa mga kamag anak na ginagawa kang milking cow, mga kamag anak na pera lang habol sa inyo kung mismo yung kasama mo sa bahay willing victim din. Madaling maawa. Hays, curse talaga yang kamag anak na mahilig mag advantage sa kabaitan mo.

@CatCrochet

Kahirap mag survive kapag may kamag-anak kang parang linta? Parasite. Lahat ng meron kayo gustong kunin. Hihingiin lang sayo yung property kasi mahirap daw sila tapos "mayaman" kayo. Ngii. Anong klaseng mindset yan? Laging ginagamit yung card na "pobre" lang kami. Sinusubuan mo na nga, gusto pang nguyain para sa kanila.

@CatCrochet

Good morning! Monday na naman ulit. And ang lapit na ring mag october. Sobrang bilis lang ng panahon, mag 2022 na. Nung isang araw nakita ko yung pamangkin ko. Halos hindi ko makilala kasi malaki na. Nagulat ako, na realize ko na 'hala, tumatanda na pala tayo'. Worried ako sa mga mangyayari sa future. Takot ako na baka mawala ang parents ko, magbago ang mga bagay n nakasanayan ko, magbago ang lahat. Mga ganyang bagay. Hays, let us not start this day with negativity. πŸ˜…β€¦

@CatCrochet

Kapah binubuksan ko ang facebook ko at nakikita yung mga batchmates na happy na sa partner nila, kasal na and mommy na rin, napapaisio ako 'magiging mommy rin kaya ako? Ayaw kong magkababy eh, pero iba siguro ang joy kapag may baby ka' mga ganun. Mararanasan ko rin ba nararanasan nila? But then again, kung ano ang plano sa akin ng Almighty tatanggapin ko. Kung ano na yung nakasulat para sa akin, tatanggapin.

@CatCrochet

I'm happy sa mga batchmates ko na may naa-achieve na sa buhay. Nasa next chapter na ng buhay nila, changed for the better. Pero sometimes naiinggit ako. When kaya ako? But then, there so many reminders na nagsasabi sa akin to be happy with my little victory. Nakapag masters ng hindi masyadong nahihirapan financially, kompleto ang family, mayroon akong peace of mind at of this moment, hindi ako nagkakasakit. Let us be grateful for what we have. Kasi kung para sa iyo ang isang…

@CatCrochet

I stumbled upon a video sa tiktok na nagpapa remind sa aking fear which is yung mawala ang parents ko in the future. I think di ko kakayanin. Though sometimes nagtatampo ako sa kanila, I don't think kakayanin ko kapag nawala sila. Dahil kahit sabihin nating we are grown ups, we will always be needing our parents. That is one thing na kahit tanggap mong part of life ang death, you will never be ready kapag dumating na siya.

@CatCrochet

Pusa ito doon sa venue ng training namin. At nalaman ko na may anak pala ito kaso namatay. Nakakaawa lang, pero buti na lang mukhang hindi siya depressed na pusa. Kasi may cases na na dedepress sila kapag namatayan or nalaglagan ng anak.

@CatCrochet

Natutuwa ako sa pusang ito eh kasi ang amo niya. Gustong magpahawak, maliban lang sa tyan banda kasi nagagalit. Sabi ng may-ari may anak daw ito kaso namatay. Buti hindi nadedepress si ming kahit dalawang beses nang namatayan ng anak. Its a relief na active pa rin and makulit. #RandomThoughts

@CatCrochet

Pahamak talaga yung batang di nagbabasa ng modules. Papahirapan tayong maghanap ng sagot sa tanong eh andun din pala sa module ang sagot. Naiinis ako. Nasayang yung oras at data ko kakahanap sa sagot na andun din mismo sa module. Di papayag na ipasagot na lang sa iba ang modules pero ayaw din namang sumagot ng modules.

@CatCrochet

Ayaw mo naman sanang magalit kaso kapag naalala mo na halos wala naman syang ginawa para sagutan ang modules niya naiinis ka na. Pag sasabihan mo iiyak naman.

@CatCrochet

Napapagod din ba kayo sa mga social responsibilities niyo?

@CatCrochet

Wala lang, naisip ko lang na pag ignorante ka sa isang bagay pwede ka nilang pag-usapan at pagtawanan behind your back instead of i-educate ka.

@CatCrochet

Editing my last post. Baka kasi may makabasa na galing sa community at gawing issue ito, dadalhin pa sa facebook. I don't want that. Sometimes may na o-offend sa mga observations mo, di na natin maiiwasan iyon.

@CatCrochet

I'm thinking, kailan kaya ako makakahanap ng taong masasabi ko na talagang grateful ako na nakita ko siya? Kahit hindi na in a romantic way. Photo not mine

@CatCrochet

Kung kailan unti-unti mo nang nakakalimutan, saka ulit sya magpaparamdam sayo sabay sabing 'masaya na ako, tanggap ko na ang lahat'. Then kakausapin ka niya na parang walang nangyari, as if hindi niya alam na nasasaktan ka pa rin sa nangyari sa inyo.

@CatCrochet

May mga times ba na you cannot own your emotions kasi pakiramdam mo wala kang karapatan maramdaman yun? 'Ang daming tao jan na mas nahihirapan kesa sayo, bakit ka makakaramdam ng ganyan?' 'di dapat kayo nakakaramdam ng ganyan kasi wala naman kayong ginagawa dito sa bahay' mahihiya ka na lang. Minsan tinatago mo sya at kapag napuno ka di mo maiwasang mag burst-out. Tapos makokonsensya ka kasi may nasabi kang hindi maganda, ng hindi sinasadya.

@CatCrochet

Nahihirapan akong magshare ng nararamdaman o problema sa parents. Yung mga personal problems. Kasi meron agad notion na magagalit sila kapag nalaman nila. Lalo na kapag na conditioned ka simula bata na papagalitan ka kapag may "irereklamo" ka. Minsan iniinvade ang privacy mo. Yung gusto mo sana humingi ng advice, magtanong sa situation mo kaso sermon makukuha mo. Siguro jinujustify ko lang pagiging duwag ko, pero nasanay na ako na laging hindi at sermon ang makukuha ko kapag…

@CatCrochet

Pwede bang hindi na muna ako mag aral? Nahihirapan na kasi ako. Di ko alam kung kakayanin ko ba itong sem na ito. Nape-pressure na ako.

@CatCrochet

Natapos na naman ang araw na wala akong natatapos sa report ko. 😒 Hindi talaga ako motivated and kailangan nang maipasa sa saturday ang report na iyon. Motivation, please sapian mo ako. Pati na rin katalinuhan.

@CatCrochet

October na! Magsisimula na ang Inktober. Sana talaga magiging consistent ako this month. Isisingit ko talaga siya sa aking busy sched.