May nagpatulong na kapitbahay dito sa amin sa sim registration. Tinulungan ko kasi may edad na at di raw siya marunong. Kawawa naman si nanay. Natuwa naman siya dahil madali ko raw natapos ang kanyang sim registration. Babayaran pa sana niya ako, kako wag na. Sisiw lang naman eh. ☺️ God bless
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
12 comments
ang bait mo sis, huo nga kawawa naman mga oldies at hindi marunong sa mga ganyan ganyan katulad ng sim registration. Mabuti if may mga apo sila o may anak na marunong diyan, matulungan sila. good afternoon sis🥰
Totoo yan sis. Kawawa nga siya kanina. Sabi niya sakin kung done na ba ako nagpa register. Sabi ko, opo nay last December pa. Sabi niya sa kanya daw hindi oa, nag aalala siya kasi baka di na siya maka withdraw sa card niya, di ko alam ano yang card niya, kaya sabi ko, ako na lang, pinauwi ko siya sa bahay nila at pinakuha ng id. Heheheh Sabi pa niya, mahirap daw ang sim niya kasi TM. kako madali lang yan nay. Tapos wala pang five minutes tapos na ako
grateful siya sayo sis, at happy ako natulungan siya ng mabilisan sis hindi na siya mag worry. Baka pension niya yun.
Baka pension niya kasi nagtanong siya sakin kung di ba daw ma register di na magagamit ang sim. Sabi ko oo nay hindi na. Nag aalala talaga siya kaya sabi ko, kuha ka po ng id, para ma register na natin. Ayon natuwa siya. Kaya ko ba daw, kasi nga TM siya mahirap daw. Kaya inasure ko siyang hindi mahirap. Ayon, ang saya niya. Masaya din ako at may napasaya akong tao. Katuwa. Masarap sa pakiramdam. Bigyan nga sana niya ako ng pera, sabi ko, wag na. Kanya na iyon. Sabi pa niya, itong batang to,?. Hehehe
hala teary eyed ako sa kwento mo, if sa akin yan nag patulong masaya rin ako kase nakatulog sa hindi masyado familiar sa ganyan at old na siya dapat talaga tulungan sila. Natuwa lng siya sa ginawa mo at panatag yung loob niya kase register na yung sim niya at important sa kanya yun. Good morning sis
Nakakatuwa nga talaga sis. Ang saya noh? Kahit simpling bagay lang nakapagpasaya ka ng tao,. ☺️
legit yan sis, para sa akin malaking bagay na yan. keep it up sissy good morning
hmm mabait na kapitbahay sana ganyan lahat.
Nako mate, nakakaawa kasi si nanay. Pangatlong tao na daw niya akong natanong. Ay tama ba ang sentence. Basta ako daw ang pangatlong tao na tinanong niya. Di daw siya natulungan ng iba kasi.
Yun, sana ol. Bait naman ni bessie
Nakakaawa kasi siya besh at mabait siya na matanda. Kaya hinintay ko talaga siyang bumalik kanina.
Kamo libre ka nlng ng fishballs haha