read.cash Log in
@CX29 more from that month

-FULL TIME HOUSE WIFE/HOUSE HUSBAND IS HARD- magandang araw noisers. Katatapos lang ng house chores and natapos ko na rin paliguan yung anak ko.. ayan nga nagpa selfie pa .. Dahil wala si husband andun sa hospital nagbabantay sa kapatid niya na ino operahan, tinanggal ang kanyang matres.. kaya ako gumawa lahat sa pagwa washing ng mga damit hanggang sa pagbanlaw at pagsampay.. kasi pag andito si hubby magpapaikot lang ako ng washing machine siya na sa the rest.. sitting pretty na ako nun, nag no noise or naglalaro ng games sa phone.. ako din nag lilinis sa kwarto nag didilig ng mga halaman, nag luluto at habang ginagawa ko yung house chores may tindahan pa na binabantayan.. mayat maya may bumibili parang gusto ko na maiyak, tapos may anak ka pa inaalagaan.. hahaha.. kaya naisip ko ang swerte ko sa husband ko hindi ko man lang narinig na nag rereklamo siya.. siya kasi sa bahay, nagbabantay sa anak namin at sa tindahan rin pero ginagawa niya rin ang gawaing bahay.. meron kasi ibang husband na nasa bahay yun ang nagbabantay sa anak nila, hindi naman ginagawa yung gawain bahay katulad nun ka kilala ko, yung husband niya nag babantay sa anak pero yun lang ginagawa talaga magbantay ng bata.. pag uwi niya sa bahay siya pa daw gumagawa ng gawaing bahay nagluluto nag lalaba.. ako pag uwi ko kakain nlang ako, hugas plato minsan.. yun lang talaga pag rest day naman yung pag wa washing lang ginagawa ko.. ang hirap ng ginagawa ng full time house wife.. mas madali lang kasi yung nasa work ka, uupo at haharap sa computer.. uu nga stress sa work pero nakaka stress ang nasa bahay.. saludo ako sa mga ina na nasa bahay .. feeling ko hindi ko kaya ganito araw araw..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.