Napilitan akong tumingala Masyado pang mahaba ang biyahe para mabasa ang mukha Kay ganda rin palang pagmasdan ng mga ilaw na parang tala Mabuti nalang at naagapan pang hindi tumulo ang mga luha "Ano nga ba tayo, friend? ahmm. niligawan kita?" bulalas mo Ako naman 'tong si hangal ay pinili na lamang yumuko Gusto ko sanang sampalin 'yang noo mo Pero telepono nga lang pala ang nasa harapan ko Naaalala ko pa nga Nang sabihin mong "kung ayaw mo sakin walang problema" Sa isip ko ay natawa ako Bakit sa usapang ito, nababaliktad ako Gusto kong lumaban Ipagtanggol ang tunay kong nararamdaman Gusto kong sumigaw na "mahal kita!" Pero naalala ko na naman, telepono lang ang nasa 'king harapan Tinagalan ko pa ang pagtingala Gusto kong siguruhing wala ng tutulong luha sa mukha Mahaba pa ang biyahe ko kanina Kaybilis naman yatang lumampas na pala Hahaha, natawa na naman ako "'Dika pa nasanay?" sabi sa isip ko Ganitong ganito rin naman ng magsimula kami noon Tila kay haba pa ng ba-biyahiin, di namalayang nakarating na sa destinasyon "Ingat ka palagi." Huli kong tugon Bago tinapos ang lahat, nag kanya-kanya ng paroroon..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet