Join 91,678 users already on read.cash

First love never dies but my brother was died

22 21
Avatar for Buhayexperience
Written by ย ย 57
7 months ago

Sorry po sa meron po dyan na affected about suicide..Huwag niyo na lamang po scroll pababa kung kayo po ay nag aalangang basahin po ang aking artikulo...

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Before I start gusto ko lang mag thank you sa aking mababait na sponsors...

True Story

Sino po ba sa inyo ang mas close sa kapatid na lalaki kisa sa kapatid na babae?Ako po ay super close talaga sa aking bunsong kapatid na lalaki..Kahit ang kapatid ko ay ganon din sa akin...Kahit mas panganay ako sa kanya pero mas matangkad po siya sa akin..Nong mag dalaga ako at binata po ang kapatid ko ay madalas kaming napapagkamalan na mag jowa..Super sweet kasi namin sa isat-isa.Minsan nga po nong nag boboarding house ako dahil malayo ang bahay namin sa pinagtatrabahuhan ko ay madalas pumupunta sa akin ang bunso kong kapatid...Napakalambing niya at kung minsan may mga pasalubong pa sa akin...Kapag day-off ko naman sa trabaho ay andon lang kami ng kapatid ko sa boarding house..Walang katapusang kwentuhan....Ang laging bukang bibig niya sa akin ay ang girlfriend niya....Yon ang palagi niyang kasama kapag lalabas siya at magsisimba..Ang payo ko sa kanya bilang ate ay huwag munang seryusuhin ang pagkakaroon ng relasyon kasi 15yrs old pa lamang siya at madami pang mangyayari sa buhay niya..Focus muna siya sa kanyang mga pangarap...At bilang ate nererespeto ko naman ang relasyon nila basta sabi ko huwag niya lang ibigay lahat ng pagmamahal niya kasi bata pa sila at nag-aaral...Laging sagot sa akin ng bunso kong kapatid ay "opo ate"...Pero ang pagkakaalam ko, unang girlfriend yon ng kapatid ko...And nag wowory ako kasi nong makita ko yong girl mabigat talaga ang loob ko sa kanya...Minsan diba tayo,may mga taong unang tingin palang natin..May times na ang gaan na talaga ng loob natin sa kanya,may times naman na sa unang tingin natin parang mabigat na talaga ang pakiramdam natin...Pero kahit ganon ang naramdaman ko ay hindi ko sinabi sa kapatid ko na hindi ko gusto yong girlfriend niya kasi feeling ko kahit lalaki ang kapatid ko parang lulukuhin lang nito at sasaktan.Syempre ayaw kong mangyari yon kasi super mahal ko ang kapatid ko..Pero alam ko din na kapag pinigilan ko ang kanilang relasyon dahil hindi ko gusto si girl ay alam kong masasaktan din ang kapatid ko kaya bilang ate..Lagi ko nalang siyang pinapayuhan....

Year 2010

Araw ng Linggo,Day-off ko ng araw na yon at gusto ko sanang umuwi sa amin dahil nag-aalala ako sa kapatid ko dahil ilang days na siyang hindi bumibisita sa akin..Hindi rin nagpaparamdam sa txt..Samantalang dati naman panay ang txt sa akin at kwento about sa gf niya at halatang inlove na inlove ang kapatid ko.......Kaya lang sumama yong panahon,Kaya hindi ako natuloy...Naisip ko nalang na mag general cleaning sa loob ng aking boarding house dahil wala akong oras kapag may pasok ng trabaho.....

Night

Siguro mga bandang 6pm..Hindi ako mapakali...Kahit sobrang pagod ko sa mag hapong ginawa ko ay hindi ko nararamdaman yong pagod kasi parang ang bigat ng dibdib ko na kinakabahan ako...Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang aking sarili ng may biglang dumaan sa likuran ko na kulay itim na damit at biglang nanlamig ang buong katawan ko....Natakot ako at pumikit at pinilit irelax ang aking sarili.....Nang biglang tumunog ang aking cellphone at nagulat ako. Numero lang ang nakikita ko na tumatawag..Hindi ito naka phonebook sa phone ko kaya nagdadalawang isip pa ako na sagutin.....

Conversation

Ako:Hello sino po ito?

Tumatawag boy:Hello po ate?

Hindi ko ma identify kong yong kapatid ko ang tumatawag or ibang tao kasi yong boses niya ay humahagolhol..

Ako:Ano ba ang nangyari at panay ang iyak mo?sino ba to?

Boy:Bestfriend ito ni jessie..

Ako:Oh bakit ano bang nangyari sa kapatid ko?

Boy:Wala na siya ate..๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

Ako:Huh????anong wala na bakit saan ba siya pumunta?

Boy:Hindi ate patay na po siya

Ako:Anong patay,wag kang magbiro ng ganyan..

Pagkasabi ko non ay bigla kong pinatay yong phone...Umiyak ako ng umiyak at halos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...Sobrang nanghina yong katawan ko...Feeling ko dalawa yong paa ko pero parang wala na akong paa..Para akong pinutulan ng dalawang paa...Umupo ako saglit para irelax ang sarili at makapag-isip ng tama...Makalipas ang sampung minuto ay nakapag pasya akong umuwi sa amin para alamin talaga ang totoong nanyari..Mahigit isang oras din yong byahe ko...

Habang nasa malayo ako ay tanaw na tanaw ko ang bahay namin na madaming tao..Habang palapit ng palapit ako ay pahina ng pahina ang katawan ko pero pinipilit kong humakbang para makarating sa bahay namin....Pagpasok ko sa loob ay nakahiga ang kapatid ko sa isang mahabang upuan...Wala ng buhay....Doon bumuhos ang aking mga luha at sumigaw ako ng pangalan ng kapatid ko...Iyak ako ng iyak.๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ.Hindi ko matanggap na wala na talaga ang kapatid ko..Lumapit sa akin ang papa ko at pinipilit akong itayo at ikalma ang aking sarili....

Makalipas ang isang oras ay kinausap ako ng kanyang bestfriend..Sinabi sa akin na hindi daw nila napansin yong kapatid ko..Ang akala nila ay kape lang daw yong iniinom..Kasi nakalagay daw ito sa tasa tapos pumunta sa likuran ng bahay namin...Yon pala may lason yong iniinom niya...Nang makita daw nila ito ay isinugod pa nila ng hospital kaso dead on arrival na...May inabot sa akin na cellphone ng kapatid ko at isang papel na nakatupi..

Message

Nang buksan ko ang papel ay ito ang nakasulat.....Sulat kamay ng kapatid ko...

Dear Ate,at sa mga maha ko,

Sorry ate kung hindi ako nagkukwento sayo at nagpaparamdam..Gulong-gulo kasi yong utak ko ate...Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta mahal na mahal ko kayo ate...Sorry.....sorry..๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

Sa dulo ng sulat may nakalagay na Patawad kong nagawa ko ito....

Pagkabasa ko ng sulat ay humagulgol ako ng iyak....Sobrang sinisi ko ang sarili ko kasi kung umuwi ako ay baka naisave ko pa yong buhay ng kapatid ko....Sana hindi ko nalang inisip na mamabasa ako ng ulan kapag umuwi ako..Sana hindi nalang ako tinamad umuwi para hanggang ngayon buhay ang kapatid ko....

Message from his phone

Binuksan ko yong inbox ng phone ng kapatid ko...Doon ko nalaman kong bakit nag suicide ang kapatid ko....

Conversation from his phone

My brother:Pls naman bhe huwag ganito,huwag kang makipag break sa akin..

Girlfriend:Eh ayaw ko na nga sayo..

My brother:Ginagawa ko naman lahat bhe bakit ganon..Nakakita ka lang ng ibang lalaki pinalitan mo agad ako porket alam mong mahal na mahal kita..

Girlfriend:Sorry eh hindi na kita mahal.

My brother:Ganun lang yon... gusto mo magpapakamatay ako para lang patunayon ko sayo na ikaw ang buhay ko at kaya kong gawin yon para lang sayo..

Girlfriend:Di gawin mo bahala ka kung anong gusto mo..

Pagkabasa ko ng conversation nila ay galit na galit ako sa girl..Parang gusto ko din siya saktan at parusahan....Gusto ko iparamdam sa kanya na ang sakit mawalan ng kapatid...Pero dahil may takot ako sa diyos ay ipinaubaya ko na lamang ang lahat sa kanya...

Panaginip

Dahil sa pagod ko kasama na din yong pag iyak ay hind ko namalayan na nakatulog pala ako sa sala namin...Napanaginipan ko ang aking kapatid na ang lungkot ng mukha niya at humihingi pa din ng sorry sa amin...Patawarin ko na din daw ang girlfriend niya dahil kasalanan niya naman daw ang lahat dahil hindi siya ng isip ng tama...Gusto niya pa daw mabuhay at itama ang lahat kaso huli na daw....At bigla akong nagising sa aking panaginip.Parang totoo ang lahat....

Message for my readers.

Tama ang magmahal ng totoo at huwag manloko pero dapat sa tamang tao..Yong mamahalin ka din ng totoo ...At lagi natin tandaan na kung magmahal tayo ay huwag lahat-lahat..Magtira tayo ng kahit kunti para sa sarili natin para makapag-isip tayo ng tama at higit sa lahat lagi natin tandaan na anumang problema na dumaan sa buhay natin...Kapag wala man tayong makausap andyan ang panginoon para pakinggan tayo..Sa kanya natin ipaubaya ang lahat ng problema kung feeling natin ay sumusuko na tayo...Tulungan natin ang ating mga sarili na bumangon sa anumang pagsubok sa buhay..

Message for my brother lost

Sana mapatawad mo na din ang iyong sarili at napatawad ka na din ng ating panginoon...Sana payapa ka na ngayon..11Yrs na ang nakalipas at sobrang mis na mis na kita pero kailangan ko ng tanggapin na wala ka na at kasama mo na ngayon ang papa natin...

Thank you so much sa time para basahin ang kwento ng @Buhayexperience..Godbless us all..

Published

October 09,2021

9:16am

Philippines

Lead image:Unsplash

8
$ 0.67
$ 0.60 from @tired_momma
$ 0.02 from @Zcharina22
$ 0.02 from @Sweetiepie
+ 2
Avatar for Buhayexperience
Written by ย ย 57
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Naiyak naman ako. Sana masaya na si brother mo asan man sya. Di ako makapagcomment ng maayos di ko alam sasabihin ko. Ansakit e.

$ 0.00
7 months ago

Naiintindihan ko po and maraming salamat po sis..

$ 0.00
7 months ago

Ramdam ko sis yong sakit habang binabasa ko po ito..Go lang sis lahat ng pagsubok lilipas din Yan.

$ 0.00
7 months ago

Oo sis salamat..Patuloy lang talaga ang buhay kahit mahirap dapat kayanin natin.Lilipas din daw yan..

$ 0.00
7 months ago

Yes sis magsasawa nalang yan sa atin .

$ 0.00
7 months ago

Yes sis magsasawa nalang yan sa atin .

$ 0.00
7 months ago

I'm so sorry about what happened to your brother sis. Sa ganyang sitwasyon Kasi we don't blame them also kasi iba iba tayo ng weaknesses sa mga bagay.

Mismo family natin hindi aware kasi hindi talaga tayo open minsan. Hindi natin sila masisisi kasi wala tayo sa kalagayan nila kung gaano kabigat at kahapdi ang dinadaramdam nila.

$ 0.00
7 months ago

Yon nga po..Kailangan sana ng kapatid ko non yong may mag aadvice sa kanya ng tama at malinawan ang kanyang pag iisip..kaya lang ang bilis talaga ng mga pangyayari kaya kailangan nalang tanggapin..

$ 0.00
7 months ago

May purpose si God kung bakit nangyari yun Langga kahit ako naiyak ako habang nagbabasa.๐Ÿฅบ Ipag pray natin si brother mo. He's in good hands now Langga.๐Ÿ™

$ 0.00
7 months ago

Maraming salamat sis..sana nga po ok na siya ngayon.

$ 0.00
7 months ago

Walang anuman sis.. I'm sure okay na siya ngayon sis and alam kung proud siya sayo ngayon.

$ 0.00
7 months ago

Ang wagas naman pong magmahal ng kapatid niyo po handang gawin ang lahat maipakita lang ang kanyang pagmamahal sayang ngalang po dahil nawala siya..

$ 0.00
7 months ago

First love nya kasi yon..Hindi man lang nagtira para sa sarili niya..Ok lang sana kung sa tamang tao....Pero hindi ko naman siya masisisi kasi nagmahal lang naman siya...Ang mali lang kasi tinapos niya agad yong buhay niya..I hope na ok na ngayon ang kapatid ko..Sana napatawad na din siya ni papa god sa kanyang ginawa.

$ 0.00
7 months ago

Sissy grabe ang dinanas mo, mula sa mga magulang at kapatid halos lahat super sakit na

$ 0.00
7 months ago

Oo nga sissy may isa pa po dyan na mas grabe.Kaya lang habang nagkukwento ako dito sa read.cash..napapaiyak ako.hahaha.feel na feel ko yong kwento ko kasi feeling ko nangyari palang kahit matagal na.heheh

$ 0.00
7 months ago

Ang sakit na mga karanasan na kailangan natin tanggapin sissy

$ 0.00
7 months ago

Nakaka awa naman,

Ito yong edad ng mga kabataan na dapat binabantayan kase kung di man sila makalampas sa teenagers life damage Naman. Marami sa mga kabataan na ganito

$ 0.00
7 months ago

Tama po...nagsisi nga ako kasi hindi ko nabantayan yong kapatid ko.Kung pwede ibalik yong nangyari๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

$ 0.00
7 months ago

Huwag mo na sisihin Ang sarili mo ipag pray pray mo na lng siya,maging aral ito sa ating mga bilang isang magulang na dapat gabayan natin ang ating mga anak sa kanilang love life o kahit sa Anu pa man

$ 0.00
7 months ago

Tama ka po sis..

$ 0.00
7 months ago

Sobrang nalungkot nmana po ako sa kwnetoo about sa kapatid mo po sis.. tlgang nkakapanghinayang mawalan ng mahal sa buhay. Magpakatatagtag ka lang kc kahit asan ang kapatid mo now binabanatayan k niya and sana ung girl na un sana hangang ngayon eh multuhin parin siya ng nkaraan

$ 0.00
7 months ago

Ewan ko lang sis kung may kunsensya yon..Hindi pa nga 1yr yong kapatid ko noon pagkamatay..Nakita ko ito may baby ng maliit...Siguro nabuntis ng ipinalit niya sa kapatid ko..

$ 0.00
7 months ago