read.cash Log in
@BlessedJes edited more from that month

Running Mind

Ang daming tumatakbo sa isip ko Problema, pangarap, pamliya, trabaho. Nakaraan, kasalukuyan at hinaharap Sino, saan, kailan, bakit, paano, hay nakakaurat. Hahahahha sa sobrang dami Grabe hindi ko na mawari. Pero wala namang dapat ipag alala Kasi naniwala ako na kayang kaya ko pa. Napapatanong lang naman ako Mas okay na to kaysa iba ang naiisip ko. Nakatingala, nakatulala Nagiisip kung ano ang mapapala. Nagtatanong, bakit ba ganoon? Paano nangyari ang mga iyon? Kaya lang hanggang ngayon Walang pa ring sagot sa mga tanong. Minsan talaga may ganitong eksena Hindi maiiwasang makaranas ng pagkabalisa. Naguguluhan paminsan minsan Sa mga bagay na wala naman masyado katuturan. Kasi kahit anong gawing pagiisip ko Sasakit lang ang aking ulo. May mga bagay na di ko kontrolado Kaya mas mainam hayaan at itawa ko na lang ito. Napaisip ako, at kinausap ang sarili ko ng ganito: *"Mahaba na ang isang oras* *Kaya pakiusap wag na dagdagan ang pagwawaldas.* *Ituon mo ang lakas mo* *Sa mga bagay na magpapasaya sa yo.* *Unang halimbawa, pageehersisyo* *Kahit tatlumpong minuto.* *Magpapawis muna* *Mag-unat ng mga kamay at paa.* *Pangalawa, isang basong tubig* *Wag kalimutan wag masyado malamig.* *Uminom ka, mainam iyon sa yo* *Sigurado gagaan pakiramdam mo.* *Pangatlo, konting katahimikan* *Pumikit ka at magdasal.* *Kausapin mo si Lord at magpasalamat* *Tapos ipaabot mo din sa Kanya dalahin mong mabibigat.* *Kung kailangang umiyak ka* *Ayos lang, magpakatotoo ka sa Kanya.* *Sige lang.. Go.. gawin mo* *Sambitin mo lang mga nasa puso mo.* *Si Lord handang makinig* *Kahit ano pa sabihin ng iyong bibig.* *Hindi Ka nya huhusgahan.* *Sa Kanya pagmamahal ang nakalaan.* *Pang-apat, i on mo ang radyo o kaya spotify* *Patugtugin mo ang kanta na magbibigay sa yo ng buhay.* *Yung kanta na mapapangiti at sisigla ka* *O kaya yung kanta na mapapasayaw ka.* *Sabayan mo lang ang tugtog* *Umindak kumanta hanggang sa mapagod.* *Sigurado pagkatapos nito* *May pagbabago sa aura mo.* *Panglima, sinu sinong mga tao ang mahalaga sayo?* *Isipin mo sila tapos ichat or imessage mo.* *Kamustahin mo lang o kaya sabihin mo Thank You.* *Pwede din Mag ingat ka lagi or I love you.* *Iparamdam mong mahalaga sila* *At nag aalala ka din sa kanila.* *Kasi isa sila sa maraming dahilan* *Kung bakit kailangan mong lumaban.* *Hindi pwedeng papadaig ka* *Sa lungkot at mga problema.* *Lahat ng tao may pinagdadaanan* *Tandaan mo iyan.* *Tumawa ka, ngumiti* *Banatin mo iyong labi.* *Pasingkitin mo iyong mata* *Kailangan kumikinang sa saya.* *Pang-anim, kumuha ka ng ballpen* *o kaya lapis saka ng papel.* *Isulat mo mga dapat mong ipagpasalamat* *Kahit ilan, basta dapat pasasalamat.* *Isipin mo mga bagay na biyaya.* *Maliit o malaki, iyan ay biyaya.* *Dito mo malalaman na ikaw pala ay swerte* *Kasi ang dami mong nasulat umabot gang bente.* *Lahat ng anim na ito* *Gawin mo araw araw* *Sigurado may mababago* *Unti unti araw araw.* *Mahalin mo sarili mo ha.* *Ingatan alagaan.* *Akapin mo.* *Paalalahan mo.* *➡️* ***"I got this. Keri ko to."*** 🥰🥰🥰 *Pahabol, isa pa, pag may extra kang pera* *I-treat mo sarili mo.* *Grab food or Food panda* *Bahala ka na.* *Di ba isa sa nagpapasaya sayo* *Ang pagkain na gustong gusto mo* *Pwede ka din mag milk tea* *Alam ko naman isa yun sa iyong kiliti.* *O ayan ha, madami kang pwedeng gawin* *Kaya smile na, wag nang dibdibin.* *Tandaan, ikaw ay mahalaga.* *Kaya anu't anuman, piliin maging masaya."* **Oh sya sya, tawa ka na ha...** 🥰😍😘😊 ************************************** Hi, I hope all is well with you. Thank you and God bless you always... stay safe and take care. 🥰 **************************************

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.