read.cash Log in
@Blendz more from that month

"Kapag may itinanim, may aanihin" Mag-impok, magtiyaga, at gumawa ng mabuti ang tinutukoy ng kasabihan na ito but me, literal na nagtanim hindi ng galit kundi ng kamote! Taga-kain lang kasi before ng tanim ng parents namin kaya nag try ako magtanim last year. Yun lang, napabayaan at sticky yung soil kaya payatot like me ahahaha! Dapat pala loose soil at kahit less exposure to sunlight ay okay ang kamote. But atleast, nakapag harvest for the first time mula sa sarili kong tanim at good for one meal na. Hirap pala maging instant farmer and I don't know kung bakit walang purple at yun ang favorite ko. Ito na yung lunch ko kanina at solve na kahit tubig lang ang pares. Plus, I have few slices din ng boiled giant taro corm. Konting wisik lang ng raw sugar masarap na siya and anytime I can eat this for it grows anywhere. No money to buy food, no worries magbungkal lang sa tabi-tabi. Kaya again, grow your own food na if you have some space sa likod-bahay and you can use recycled bottles or containers as pots to minimize waste also. Lalo na ngayon na approved na ng DTI ang suggested retail price increase ng 82 basic necessities and prime commodities according sa news, mas maganda if we have free and healthy food sources from our backyard. Mas maka-save ka at iwas pa sa mga sakit dahil highly nutritious, good for gut and heart health, may support healthy vision, may have cancer-fighting properties, and support immune system ang kamote (and also taro) according to healthline. com. Hindi ka talaga mangangamote sa kamote. Happy and Blessed Saturday!

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.