To all mama, mamá, mamang, nanay, mommy, mutti, to all who inhabit or perform the role of a mother, and to our Heavenly Mama Mary, Happy Happy Mother's Day! 💚❤️💐🌹🌷 I made a poem in Tagalog two decades ago for moms which was published in our Official Student Publication (Graduation Issue) and so I will dedicated this again to all Great Moms out there and also to students who graduated in this time of pandemic. Here's my poem entitled: Dakilang Tunay Simula sa aming pagkabata Ang tunay na pag-aruga; Ay amin nang nadama Sa mga magulang na dakila. Kahit di namin narinig ang kanilang hinagpis Alam namin na sila ay matagal ding nagtiis; Sa amin araw-araw sa pagpapabihis Para lang kami'y laging maging malinis. Kahit hirap sa paghanap ng makakain Di man lamang nila ito binigyang pansin; Dahil ang sa kanila lang ay di kami gutumin Maging payatin o sakitin. Sa pera sila ay kapos na kapos Pero hangad pa rin nilang kami'y makatapos; Kaya ang aming atensyon ay sa pag-aaral ibinuhos Upang edukasyon ay makamtang lubos. Ang turo nila noon sa amin Edukasyon ay tanging yaman na di maaaring nakawin; Kaya dapat itong maangkin Gamitin at pagyamanin. Ngayon di na nila naranasan pa ang hirap Ligaya'y kanila nang makamtan at malasap Dahil noon pa ma'y nangako kami nang tapat Na hindi namin sila bibiguin sa kanilang pangarap.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Napakahusay ang iyong mga tinuran tunay ngang ito'y tatagos sa puso. Tyak ang iyong mga magulang lubos na nagagalak dahil nagkaroon sila ng anak na katulad mo.