read.cash Log in
@Blendz more from that month

Mga Dapat Gawin Para Makaiwas sa Rabies By: Doc Willie Ong (FB Page) Maraming Filipino ang nakakagat ng mga aso o pusa at pwede itong magdulot ng rabies. Kada taon, 600 ang namamatay sa rabies, 100,000 naman ang binabakunahan laban sa rabies. Nakukuha ang rabies sa laway at ihi ng aso, pusa, daga, at paniki na may rabies. Kapag natamaan ng rabies, maghihintay pa ng 3-8 weeks bago magkaroon ng sintomas. Ang mga sintomas ng rabies ay pamamanhid sa lugar ng sugat, pagwawala, paglalaway, at paninigas ng masel sa mukha. Tandaan, kapag nagkaroon ng sintomas ng rabies ay mahirap itong gamutin. Kailangan nating maagapan ang kagat ng aso at pusa. Kailan Nagbibigay Ng Bakuna: 1. Kapag nalawayan ka lang ng hayop at wala namang sugat sa balat, safe ito at hindi kailangang magpabakuna. 2. Ngunit kapag nakagat ng hayop at may sugat ang balat, kailangan nang bakunahan agad laban sa rabies at sa tetanus. Tips Para Makaiwas Sa Rabies: 1. Para makaiwas sa sakuna at makasakit ng ibang tao, pabakunahan ang inyong mga alagang aso bawat taon. 2. Huwag hayaang makawala ang aso at lagyan ng tali. Kung walang bakud ang bahay at sa crowded area, mas maigi itali o lagyan ng kulungan na komportable sila. 3. I-report ang gumagalang aso sa otoridad. 4. Kapag naglalakad sa kalsada, magdala ng payong para may pang-taboy kayo ng aso. Huwag naman ipalo ng todo, pantaboy lang at mas mabuti tumigil ka at mag freeze, huwag tumakbo at iwasang gumawa ng ingay. 5. Huwag hayaan ang mga bata na makipaglaro sa hayop. 6. Huwag guguluhin ang mga hayop habang sila ay kumakain, natutulog o nag-aalaga ng kanilang mga anak. 7. Kapag may sugat sa katawan, huwag hayaang dilaan ng aso ang iyong sugat at baka mahawahan ka ng rabbies virus. 8. Sa mga nag-aalaga ng hayop, pwede kayong magpabakuna na laban sa rabies. Kumunsolta sa inyong doktor. Panatilihing malinis ang kapaligiran not just for you but for our pets also to prevent parasitic infestations. And since summer ngayon, frequent yung dog attacks kaya mas mainam din na hydrated lagi ang ating mga pets for their brain and blood. Just like us humans, our pets are more aggressive and mainitin din ang ulo in hotter weather, so give them enough water to drink. A Blessed Weekend Pet Lovers!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.