read.cash Log in
@Bitraph

Orihinal na katha na nilapat sa tono ng Dahil Sa'yo ni Inigo Pascual

**Dahil sa Agrikultura** (Mula sa tono ng Dahil Sa'yo ni Iñigo Pascual)   Araw araw kumain ng prutas at gulay Baka, baboy, manok upang di tumamlay Magtanim ka ng maraming palay Nang may maiuwi sa inyong bahay Lahat ay aangat, tungo sa tagumpay   Palawakin ang mga irigasyon At basta't 'kay nagtanim, ikay may aanihin   Sa agrikultura ika'y sagana Ang yaman ay di lamang sa pera Sa agrilultura mahahanap tunay na halaga Ang agrikultura'y maasahan Mga hayop, puno pati halaman Ang lahat na ito ay kailangan, kayat ating alagaan   Gawin natin ang lahat, para sa ating bansa At basta't magkakasama, tayong magsasaka   Araw araw kumain ng prutas at gulay Baka, baboy, manok upang di tumamlay Sa pagtatanim wag kang maumay Dugo't pawis mo ay iyong ialay Pagkat dito nakasalalay, kagandahan ng buhay   Huwag tayong puro imahinasyon At basta't 'ka'y nagtanim, ika'y may aanihin   Sa agrikultura ika'y sagana Ang yaman ay di lamang sa pera Sa agrilultura mahahanap tunay na halaga Ang agrikultura'y maasahan Mga hayop, puno pati halaman Ang lahat ng ito ay kailangan, kayat ating alagaan   Gawin natin ang lahat, para sa ating bansa At basta't magkakasama, tayong magsasaka.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.