read.cash Log in
B@Bhabzie more from that month

Tsaka nalang.....

Ngayon ko lang naramdaman ito, pusong nasabik sa isang katulad mo. Hindi man ako yung tipo mo sa isang tao, ako'y nandito parin at hindi magbabago. Ano ba ang inaasahan ko sa isang "kaibigan lang"? Ako lang naman yung sumusuporta tuwing may gusto ka, kahit sa loob ko ako'y nadudurog na. Gusto ko man ipagsigawan kung gaano kita kamahal, kaso takot akong sabihin mo na ako'y hangang kaibigan mo lamang. Patuloy muna akong magtatago sa anino. Patuloy din muna akong mangangarap para sayo. Wala pa kasi akong lakas ng loob na malaman yung totoong reaksyon mo. Punong puno ako ng takot na dahil sa lintik na pagtingin ko sayo, ika'y mas lumayo. Patuloy parin akong magdarasal na sana hindi ka makatagpo ng mas hihigit pa sa katulad. Tsaka nalang ako magiging matapang pag kaya ko na. Kaya ko ng tangapin na baka di mo ako gusto, tangapin na di ako nakikita mo kasama mo sa pagtanda. Tsaka nalang.....

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.