Naka oxygen po si nanay ngayon . Mabuti nalang po at nakatulog na siya. Gusto ko Rin sanang matulog problema po ay walang bed pang isang pasyente Lang . Tas ako naka salampak Lang po dito sa sahig. Gusto Kong umiyak Kasi bumalik lahat Ng sakit na naranasan ko noon. Ako Yung pinaka ayaw nila noon na manugang. Naranasan ko pang pinalayas nila kami sa bahay kaya nalipat kami Ng bahay. Nakaka iyak po subra Kasi kahit ganun Ang mga naranasan ko noon minahal ko po sila.nung na ospital Ang byenan ko na lalaki ako Rin po Ang nag alaga sa hospital tas ngayon Naman Ang byenan ko Naman na babae ako Rin po. Naiiyak po talaga ako Kasi kahit ganun Ang mga ngyare noon ako pa Rin Ang naging takbuhan nila kapag maysakit sila. Sa lahat Ng anak at lahat Ng manugang ako palang Ang naka pag palit Ng undies Ng byenan ko. Silang lahat di pa nila nagawa.naiiyak po ako Kasi naalala ko noong umiiyak ako na galit sila sa akin. Ipinangako ko sa sarili ko at sinabi ko tlaga na kapag magkasakit sila ako Ang mag aalaga sa kanila. Para Bago sila mawala ay mahalin nila ako.at sakto Rin po Wala talagang ibang maasahan kundi ako Lang. Kasi ako lang Ang mahirap at walang work sa bahay Lang at malaki na daw Ang anak ahahah.. masakit pero masaya ako na alagaan sila. Kahit mahirap ay pagtatyagaan ko talaga..
No comments yet