Hello hello mga friendship dito ako ngayon sa taas Ng bundok namin. Papawis ako dito nag iipon ako Ng mga maliliit na sanga Ng kahoy para pang gatong namin. Grabe successful Naman Ang papawis ko at talagang tagaktak na ngayon Ang pawis ko sarap sa pakiramdam na Umaga palang ay pag pawisan na. Malamig Naman dito sarap Ng hangin KAya Lang talagang pawisan ka mag hakot Ng pang gatong heheh. Yang mga kahoy na malalaki Naman na naka tagilid na at mga tumba ay ipapa chainsaw ko Yan para maputol at uulingin namin. Natumba pa Yan Ng bagyong Ursula Nung December 25 2019 pa. Gang ngayon ay di pa Rin namin nauubos paputol Mahal Rin Kasi Ang bayad sa pa chainsaw.. pero Yung mga tuwid ay hinahayaan Lang namin lumaki. Tas ngayon tag ulan ay magtatanim ulit kami kapalit Ng mga nabuwal na puno. .bale 1 hectare po itong bundok namin at dito ako nakatira..
5 comments
happy to know sis at maayos at magaling kana tama yang ginawa mo na magpapawis dahil galing ka sa sakit. mabuti sis at magtatanim ulit kayo maganda yan para maiwasan ang pagbaha lupa mo na ba yan sis? pwede ka din magtanim jan ng mga gulay hehe ako nung nasa probinsya pa kami ako taga kuha ng kahoy panggatong namin sa pagluluto masaya kaya manguha minsan may mga puno pa ng bayabas.
Ou sissy lupa ko na Ito nabili ko bago mag pandemic. Bago ako mag hirap heheh.. Nagpahilot ako sissy KAya gumaling ako. Pabalikbalik Kasi at parang lubog Ang trangkaso ko . KAya nga masarap mangahoy nakakawili eh kapag andito nga ako sa taas parang ayaw ko na bumaba hehe dun Kasi sa baba Ang bahay Kubo ko..
magandang investment ang lupa sis ako dream ko din ang makabili ng lupa hehe sana sa mga susunod na taon hehe yung akin talaga lupa katulad din sayo.
San ang province nyo sissy. Ipon Lang sissy Basta may pangarap lahat Yan matutupad samahan Ng dasal. . Matagal ko pinag ipunan Ito sissy bago ko nabili. Tas sakto Ng mabili ko Ito nag lockdown. Ayun nawalan na kami Ng Kita halos mabaliw ako noon eh.mabuti nalang dumating Ang noise KAya naka recover ako. Umiiyak na ako noon Ng walang dahilan. Kapag Wala ako kausap .para ngang nababaliw na ako heheh
sa bicol sis camarines sur kami, oo sis ipon tyaga at dasal siguradong mahkakaroon din ako ng lupa hehe ako din sis thankful ako at nakilala ko si noise kasagsagan din nun ng lockdown kaya laking tulong talaga nito sana mas tumagal pa at mahalin natin itong noise para hindi tayo iwanan hehe