read.cash Log in
@Bert1317

@Bert1317 in April 2022

@Bert1317

Mamaya po ako magbabayad Ng mga utang ko hahah busy pa Ang Lola nyo eh. Gabi na ako kagabi nakatapos Ng labahin ko tas magbabanlaw Naman ako ngayon. Sumilip Lang po ako saglit dito. Miss ko agad Kayo eh .hahah .. binigyan po pala kami Ng isda kanina Ng pinsan ko may ulam na kami mamaya

@Bert1317

8 months old unang Tayo Ng aking Apo. Nakaya Niya na tumayo Ng siya Lang .parang kailan Lang Ng ipinganak siya ngayon nakakatayo na siya dyan sa Kuna Niya. Pero kailangan pa talaga bantayan Kasi baka maka bitaw siya at mahampas Ang ulo sa kahoy. Or baka mabalian siya kapag natumba. NakAkatuwa eh Maya Maya may makulit na kaming hahabulin hehe

@Bert1317

Good morning po. Na invite po pala kami ngayon sa birthday Ng tita Ng Asawa ko medyo malayo dito sa Amin Ang bahay NSA kabilang bayan pa sila pero Sabi ko nga sa Asawa ko minsan Lang nman at pang 70 taon Niya na KAya punta kami Doon. Pero bago Yun mag aanlaw Muna ako Ng mga nilabhan ko para tuyo na mamayang hapon pag dating namin. Share ko Lang po pala 4 years ago na itong pic first reunion namin Yan Ng family ko. Napaka seksi talaga ni tita eh kahit na 63 years old at…

@Bert1317

Papunta na kami ngayon sa tita Ng Asawa ko KAya Lang ay nasira Ang tricycle namin inaayos Ng Asawa ko ngayon dito sa gilid Ng kalsada. Hay naku nakisabay pa Ang sira eh. Gutom na pa Naman ako. Kanina bago kami umalis Nakita ko suit Ng Asawa ko Yung dilaw na t-shirt Niya pupunain ko Sana na Yan naNaman Ang susuutin mo tuwing suot mo Yan nasisiraan Tayo. KAya Lang di ko na pinuna hinayaan ko nalang. At Yun nga malas yata talaga Ang t-shirt na Yun hahah. Nkaraan Kasi Yun din…

@Bert1317

We are entering bayan Ng Rizal Ang bayang mapagkalinga. Yung kahit saan ka mapatingin ay nag gagandahang palayan Ang iyong makikita. Malapit na sila umani. Actually parang pwde na nga anihin Yan eh. Napaka lamig Ng simoy Ng hangin dito sa lugar nila. Parang Ang sarap dito tumira eh.

@Bert1317

Ang daming kakanin na handa. Ito talaga Ang gusto ko dito sa kanila eh Ang daming kakanin kapag may handaan. Marami pa ibang handa may Lechon pa.

@Bert1317

Certified plantita talaga Ang celebrant .pati Ang cake ay mga halaman Rin Ang design eh. Ang dami Niya nga halaman di ako makahinge haha Ang dami kasing mga Tao. Sa sunod na balik ko nalang ako mang hinge Ng mga halaman Niya.

@Bert1317

Lechon. Pag tadtad Ng Lechon kanina parang hinanginan Lang ah Ang bilis naubos hahah .. ako kunti Lang kinain ko mahirap na ma high blood hehe. Tumikimn lang ako Ng isang hiwa Kasi nakakatakam Naman talaga eh. Medyo nahihilo Kasi ako kanina KAya kunti Lang kinain ko niyan. Marami pang Lechon Ang buhay Isa Lang KAya ingatan ..

@Bert1317

Macaroni Binigay Ito ni bossing nakita raw Niya Kasi Yung matanda nagtitinda nito pinakyaw raw Niya lahat tas pinamigay dito sa Amin. Marami Yan eh Ito nalang natira. Ganyan Yan si bossing kapag may nadaanan na nagtitinda pinapakyaw Niya naawa siya. Katulad raw minsan sa McDonald's Yung Bata nagtitinda Ng kalamansi pinakyaw raw Niya lahat tas ibinili pa Ng foods Yung Bata. Ganyan po kabait so bossing . Kahit mayaman ay subrang maawain sa mga mahihirap.

@Bert1317

Sa dami Ng kakanin kahapon dun sa birthday Han na pinuntahan namin Yan Lang Ang natikman ko haha subrang dami Kasi Ng Tao eh di ako makipag siksikan KAya Yan Lang Ang nkuha ko hahah at masasarap po lahat. Panalo talaga ... Yung suman talaga Ang na miss ko sa lahat eh. Paborito ko Kasi Yan second Ang espasol sa gusto ko at yang bibingka ata Yan na may arnibal na gata subrang sarap po niyan.. nakaka miss na ulit kumain niyan eh.

@Bert1317

Sino po familiar dito sa football na nauuso ngayon naNaman. Sakit mata ko talaga eh pano gumawa ako mg account dun at Ang pinsan ko Ang naglagay Ng puhunan Wala Kasi akong pang puhunan eh. Sabi Niya ay ibalaik ko nalang raw kapag kumita na ako. Parang di ko pa Rin naintindihan eh hahah

@Bert1317

April 4 2022 Happy Monday Daily Motivation The size of your problems is nothing compared with your ability to solve them. Don't overestimate your problems and underestimate yourself. Trust Jesus di Niya Tayo bibigyan Ng problema Kung di natin kayang lutasin. Wag Tayo magpaka lunod sa problema gumawa Tayo Ng paraan para malampasan Ang Lahat Ng Yun. Dahil lahat Ng problem ay may solusyon. Good morning po

@Bert1317

Corned beef Mag gisa ako ngayon Ng corned beef para ulam namin sa pananghalian. Kapag malayo sa kalsada talaga Ang bahay kailangan may mga delata na stock eh para kapag walang ulam ay may nadudukot na delata hehe.lagyan ko malaking sibuyas para masarap.

@Bert1317

Galing kami sa lamay sa Patay . Nag bingo Ang anak ko KAya Napa bingo na Rin ako. Hahah naubos Ang 100 ko di manlang ako tumama. Puro namumuro Lang namumuro Ng bato Ang aking card. Hahaha kakauwi palang namin ngayon Ng anak ko Ang Asawa ko Naman ay naiwan pa Doon. Tutulog na po kami Antok na talaga ako eh.mornight na po

@Bert1317

Mangga Nanagraw Ang Asawa ko dun sa manggahan Ng pinsan ko. Tapos na Kasi sila pa harvest at Yan Ang uwi Niya Nung isang araw. Ilang araw Lang Ito ay mahihinog na. Ganyang po Kasi dito pagkatapos Ng harvest ay pwde nyo na sagrawin Yung mga natira at di nakita Ng mga nag Ani. Kung Ilan Ang makuha mo ay sayo na Yun.

@Bert1317

Karating Lang nakipag libing kami sa auntie namin. Garbe hirap Ng daan . Umulan Kasi Ng malakas kanina eh. Tas ginagawa yang kalsada sinisemento na nila KAya Ang kapal Ng grava. May part pa na nabitin kami sa ahunin KAya bumaba ako tas muntik pa ako nabangga Ng mag overtake Yung single. Alam Ng huminto na kami at pababa na ako biglang nag overtake tas mali pa Ang overtake niya sa Kanan . KAya muntik akong mabangga .tnx God nalang talaga at nakita ko siya KAya biglang balik…

@Bert1317

Shoppe load. Ito talaga Ang isang extra income ko eh. NakAkatuwa Kasi Ang laki Ng Kita kapag may promo sila. Yung a20 ay piso Lang Ang bayad. Tas Ang fb10 at ml10 piso Lang Rin. Sa mga gusto Ng extra income pwede nyo po subukan itong load sa shoppe. Pramis po malaki Ang kikitain nyo dito..

@Bert1317

Mga nabasang palay na mga nakabilad kanina sa highway. Biglang Kasi bumuhos Ang malakas na ulan.kaya Ayan nabasa Ang mga palay nila. Kawawa talaga mga farmers eh.kumg Sana katulad sa ibang bansa na Ang mga coop na Ang bumibili Ng palay pagka harvest at sila na Ang mag dryer Ng palay ay di Sana maghihirap Ang mga magsasaka eh. Kulang Kasi sa Plano at gawa dito sa atin. Sarili Ang iniisip Ng mga naka position. Basta may sahod at may lagay ay ayos na sila at bahala na Ang mga…

@Bert1317

Salt Farm 4/6/2022 Pa throwback po Muna 3 years ago na Ito Ng mag beach po kami sa sibalat beach tas madadaanan po itong asinan na Ito KAya dumaan Muna kami para makapag pa picture dahil Yung mga kasama namin ay first time makakita Ng asinan.at noon Lang nila Nakita Kung paano mag harvest Ng Asin. Ang luwang po at Ang daming asin Nung pumunta kami dyan.

@Bert1317

Presto Cream Merienda po Tayo Yan Lang Ang merienda ko dito ngayon tas inom nalang ng tubig.. Mula Ng lumabas itong presto cream paborito ko na talaga Ito. Gang ngayon di pa Rin ako nagsasawa dito.

@Bert1317

Nood muna Ng movie habang nagpapa Antok. Eddie Garcia at Rostum Padilla Yung marami ka pang kakaining bigas.. Maganda Rin pala Ito ngayon ko palang Ito napanood eh. Maganda lalaki pa dito si bebe gandanghari heheh

@Bert1317

April 7 2022 Thursday 9:35 From: Enliven Be amaZing When you have confidence you can have a lot of fun. And when you have fun. You can do amazing things.. Joe Namath KAya dapat palaging good vibes Lang para gumanda Ang Mundo hehe..

@Bert1317

Kakatapos Lang namin mag movie marathon. Gabi Gabi na Lang kami puyat nito. Pano si hubby Ang hilig manood tas NASA kalagitnaan palang tulog na. Ako naman kapag na umpisahan ko na ay siya hanggang mataapos talaga. Kahit Antok na ako tinatapos ko talaga Ang pelikula. Sa cp Lang kami nanonood. Wala kamiNg tv eh. Walang kuryente Kasi.

@Bert1317

Good morning po happy Friday to all. Nagulat po ako pag open ko Ng messenger ko kanina pagka gising ko may nag chat. Best friend Ng Asawa ko Ng highschool sila. Mayaman daw Yun noong highschool sila at Yun Ang nagbibigay sa knya Ng merienda noon araw araw. Pupunta raw dito sa bahay tas Ng nereply ko offline na siya. Hay kailan KAya pupunta dito Yun nakakahiya nman . Manager na nga pala siya ngayon Ng isang sikat na banko sa Manila tas sa Cavite na sila nakatira .

@Bert1317

3 years ago pa throwback ni Lolo epbi nag outing kami dyan Ng buong family ko . Ang ganda po Ng rock formation dyan at. Dyan balak pumunta Nung kaibigan Ng Asawa ko at nagpapasama sa Amin sa holy week.

@Bert1317

Stick Bread Dahil malamig Ang panahon ngayon Tara po kape Tayo tas stick bread. Bat KAya Ang sarap Ng matigas na tinapay sa kape haha. Madilim na dito sa Amin parang uulan. Pero Sana wag Naman marami pang di naka paani Ng sibuyas eh. Sa inyo po ba umuulan na ngayon? Ingat po kayong lahat

@Bert1317

Good night na po kakatapos Lang namin manood Ng movie. Cesar Montano at Sharon Cuneta. Gabi Gabi na Lang puyat eh. Galing pa Kasi kami sa pa Meeting Ng mga kandidato kanina tas pag uwi dito sa bahay nanood pa kami KAya Ayan hating Gabi na namin natapos panood. Oh siya pano po good night na. Happy Sabbath po sa lahat.

@Bert1317

Happy Sabbath April 09 2022 Everyday nag papasa Ng words of God so bossing sa akin. Kahit na napakayaman na nila ay napaka religiyuso po Niya KAya napaka bait eh. Happy morning everyone po. Kakagising ko Lang ngayon .napuyat po kagabi eh.

@Bert1317

Namili Ako Ng tsenilas na pang benta Ang Mahal na pala Ng puhunan Ng beaxh walk tag 129 tas 139 kapag di wholesale. . Bumili Rin ako Ng pang Bata na size 7 1/2 naubos na Kasi Yung ganyang size ko eh . Mabuti Yun tag 295 Lang Ang pang Bata KAya mabebenta ko na Ito Ng 40. Tyaga tyaga Lang talaga para mabuhay..

@Bert1317

Nag memories sa akin sa epbi ko. Hahaha April 09 2017 April 09 2018 at April 09 2021 puro naka color blue pala ako kanina ko Lang napansin Ng eh shared post ko na. KAya nag blue na Rin ako ngayon. Bakit KAya ganun ano hahah tas may ron pang isang nag memories Rin sa akin same date magkaibang Year pero same Ang damit na suot ko. Di sinasadya pero magkakataon talaga na nangyare.

@Bert1317

Good morning po..Palm Sunday po pala ngayon KAya maaga pa kami punta Ng simbahan para magsimba. Ingat po Ang Lahat . Happy Sunday to all.

@Bert1317

Palm Sunday Palaspas . Magsimba kami ngayon at nagpabasbas Ng palaspas. Naalala ko noong Bata pa ako nagkaroon ako Ng matinding Kati na nagtutubig. Itong palaspas Ang iginamot Ng albularyo. Sinunog Ang palaspas tas inihalo sa langis saka ipinahid. At salamat Kay Lord Kasi epektib talaga at gumaling

@Bert1317

Sumali po ako sa bf football Nung April 3 Ang puhunan ko ay 1000 at ngayon ay 1320 na siya Ang problema ko Lang ay Wala akong ma invite na para sumali . Wala talaga akong talent mag invite invite na Yan hahah..

@Bert1317

Mga pinsan ko noong unang panahon hahah tawa kami Ng tawa Ng makita namin Ito sa taguan ko. Mga larawang kupas na. Alaala Ng nakaraan. May sayawan at awarding Ng sa basketball noon sa plaza namin tas Ang plaza pa namin noon lupa Lang KAya napaka alikabok hahah. Pero baliwala Lang noon subrang saya pa namin manood Ng mga nagsasayaw . Kayo mga kaingay naranasan nyo Rin ba Ang sumayaw sa sayawan?

@Bert1317

Good night na po mga kaingay. Bukas po ulit Tayo mag ingay. Di ko na KAya Ang Antok. Super pagod ako kanina eh dami ko nilabahan. Sabi Ng anak ko Ma kunti nalang. Sagot ko Naman kunti nalang malalagutan na ako Ng hininga hahah. Nakakapagod talaga Ang maglaba eh..KAya Lang di Naman Tayo mayaman na kuha Ng taga laba.

@Bert1317

Sa subrang pagod ko kahapon sa paglalaba ngayon Lang po ako nagising tas malamig pa Ang panahon KAya napasarap Ng tulog. Tas pag gising ko ngayon nararamdaman ko naninikip Ang dibdib ko hirap akong huminga.

@Bert1317

Maulang hapon Ito na siguro Ang bagyo. Naku Sana wag na manlumakas pa at Sana ay mawala na kaagad . Kung kelan malapit na anihin Ang palay namin at pinapatuyo na Ang lupa para mapasok Ng harvester ay saka Naman bumagyo. Ang Mahal pa nman magpagapas ngayon Ng palay. KAya Sana Tama na Ang ulan. Para di mag putik Ang taniman Ng palay. Mga 1 week nalang Kasi ay aanihin na Ang aming palay eh.

@Bert1317

Kakagising ko Lang po ngayon nag nap po ako kanina pero dahil malamig Ang panahon naku napasarap Ng tulog. Kung di pa dumating si hubby at ginising ako ay di pa ako nagising. Galing po pala kami kanina tanghalian dun sa birthday Han invite kami dun kumain Kasi debu Ng anak. KAya Ayan po nakalibre kami Ng tanghalian kanina. Naparami Ang Kain ko KAya napasarap Rin Ng tulog

@Bert1317

Good morning po. Nagising ako kanina dahil sa lakas Ng patak Ng ulan sa bubongan Ang ingay po. At di na ako makatulog. . Sana umalis na Ang bagyong Ito. Kawawa Yung mga lugar na lubhang naapektuhan Ng bagyo. Matutulog na po ako ulit sumilip Lang po ako dito saglit..morning po sa mga gising na

@Bert1317

Storage Jar Free Ito sa akin 7 years ago na sa Handyman Walter sa Santa Rosa Laguna. Bumili ako noon Ng portable welding machine tas iba pang mga tools na gagamitin Sana pang patayo Ng bahay namin. Ang problema gang ngayon di kami nakapag patayo Ng bahay na matino. Nagkasakit po Kasi ako. Naubos Ang perang ipon ko. Balik po Tayo sa storage Jar. Di ko po Alam ano Ang ilalagay ko dyan haha dagdag kalat Lang dito sa bahay eh. Bale 6 na box Yan di ko Alam saan napunta Ang 2 kasi…

@Bert1317

Ang aking mga alagang tuta. Dahil malamig ngayon at malakas Ang ulan ay nilalamig Rin sila. KAya Ayan sila sa tabi Ng kalan nagpapa init. Pati pusa ay nagpapainit Rin . Kahoy Lang gamit namin sa pagluluto. Ito Ang mahirap kapag nabasa Ang kahoy Ang hirap dumingas Ng malakas Ang apoy. KAya dapat talaga kapag tag araw ay marami Ng ma stak na pang gatong para di mabasa Ng ulan

@Bert1317

Good night na po. Madaling araw na pala. Napahaba po Kasi Ang tulog ko kanina KAya ngayon ay di Naman ako inaantok. Pero kailangan ko na Rin po matulog. Naninikip Kasi dibdib ko kapag nagpupuyat eh. KAya pilitin ko nlang matulog na ngayon ..

@Bert1317

Yung kabibili ko Lang nito sa Novo tas kinabukasan nag sale na sila at bagsak presyo talaga. Mapapa ahay kana Lang talaga eh hahah. Tag sasampu nalang ngayon Ang ganyan nila eh nabili ko Yan sa regular prize. Kanina Nakita ko sa post Ng iba pila Ang mga Tao makapasok Lang baka may sale pa na natira sa loob. Yung kumot 60 nalang dating 120. Sayang talaga. Malayo Naman ako KAya di makapunta

@Bert1317

Nag chat pinsan ko nag send Ng vedio at pictures Ng mga tuta Niya. Nang hihinge Kasi ako sa knya Ng Isa. Bale Yung inahin Niya na Yan ay anak Ng dating aso ko binigyan ko siya Ng tuta ngayon Yung aso ko matanda na KAya namatay na siya. Ako Naman Ang nanghihinge sa knya Ng tuta. KAya bale Apo na Ito Ng aso Kung namatay hahah. Oh diba pasok sa content ko. Kanina pa ako mag iisip eh mabuti nalang nag chat pinsan ko

@Bert1317

Graham Birthday kahapon Ng pamangkin ko nagluto kagabi Ang mama ko Ng Pansit at gumawa Ng Graham . Pansit Lang Ang ipinadala kagabi dahil di pa raw malamig Ang Graham tas ngayong Gabi Charrraaannn Ayan na po pinadala na ni mama Ang parte namin na graham hehe Sabi Ng anak ko Ang sarap talaga ni mamang gumawa Ng graham. Sagot ko sa kanya siyempre may flavor of love Yan eh. Hehe Tara po Kain Tayo.

@Bert1317

Movie Marathon Dahil nakatulog ako kanina may Laban naNaman ako sa puyatan ngayon . Pangalawang movie na Ito . Nakatapos na kami Ng Isa kanina. Sabi ko Kay hubby Tama na Ang Isa eh kaso gusto Niya pa manood. Ang problema Ng cp ko Maya Maya may ads na lumalabas. Dati Naman Wala eh. Sa cp Lang kami nanonood Wala kamiNg tv dito sa bundok

@Bert1317

April 14 2022 Holy Thursday Daily Motivation. Your mind is powerful thing. When you fill it with positive thoughts. Your life will start to change. KAya kalimutan na po natin lahat Ng mga gumugulo sa ating mga isipan lahat Ng bad memories lahat Ng mga hinanakit natin sa buhay. Pokus Lang po Tayo be positive palagi para sa magandang bukas . Magandang Umaga po

@Bert1317

Kambal raw sila Sabi Ng mga makakakita sa kanila. Pero Ang totoo ay magpinsan pangalawa Lang sila. Bale may isang pinsan pa sila na kamukha Rin nila. Madalas Rin mapagkamalan yang anak ko na anak Nung pinsan ng asawa ko. Parepareho Kasi sila Ng laki at halos magkamukha Rin.

@Bert1317

Iidlip po Muna ako mga kaingay. Subra po Kasi akong nahihilo ngayon di ko Alam Kung sa mata ba Ito oh dahil sa puyat. KAya Lang ay basa pa Ang aking buhok eh pinapasuklay ko muna sa aking anak para mabilis matuyo.

@Bert1317

Merienda po Tayo. Kagigising ko Lang ngayon paputol putol Ang tulog ko pano Maya Maya ay nagigising ako. Ang hirap talaga matulog Ng may iniisip. Mag Simba po Kasi ako mamayang hapon. KAya NASA isip ko bago matulog ay baka mapasarap Ang tulog ko at di ako makapag Simba. KAya ayun Maya Maya ay nagigising ako.

@Bert1317

Nag Simba po kami kanina . Yan po Ang aming kapilya dito sa aming Sitio. Kunti palang Ang Tao sa loob Ng pumasok ako. Bukas po ulit bago mag 3pm ay may pagdiriwang ulit . Gabi na kami naka uwi dito sa aming munting Kubo kanina.

@Bert1317

Good mornight na po. Ayun Sabi ko di na ako magpupuyat dahil nahihilo na ako sa araw tas naninikip pa Ang dibdib ko kapag napupuyat ako. Kaso napuyat naNaman ngayon. Hay naku tigas talaga Ng ulo ko. Sabing matulog na maaga eh bat matutulog Ng maga na. Heheh oh siya sige po tulog na Tayo. Bukas na ulit. Pahamak ma shopee Ito eh hahah. Sinisi Ang shoppe eh.

@Bert1317

Good Friday Kakatapos ko Lang po ilabas lahat Ng mga sampay po Nung isang araw ko pa nilabhan Yan eh. Tas nag almusal po kami Ng sinangag na luto ni hubby tas pagkatapos nmin kumain ay nagwalis po ako Ng buong paligid. Grabe nakakapagod eh. Tulo Ang pawis ko mabuti nalang at malamig Ang simoy Ng hangin. Actually maliligo po Sana kami sa beach ngayon KAya Lang ay tinatamad ako pero si hubby ay gustong gusto sumama sa beach. Mula Kasi Ng mag pandemic Wala na akong gana gumala…

@Bert1317

Pinipili ko na Yung mga tuyong damit at ipinapasok na para matuyo lahat. Nag didilim naNaman Ang mga ulap eh baka mamaya ay uulan naNaman pero maganda pa Naman Ang sikat Ng araw. Sana ay mapatuyo ko lahat.

@Bert1317

Yung asawa Kong nasubrahan Ng sipag . Pag kasampay ko diba kanina ay nag walis ako Ng paligid. Di ko sinigaan Kasi nga maraming sinampay. Abay Nakita ko nalang malapit Ng maubos kainin Ng apoy Yung mga tuyong dahon na naipon ko. Nagsiga pala dun pa malapit sa mga sinampay Kong damit. Hay grabe di ko Alam Kung matutuwa ba ako oh magagalit eh hahah. Kayo po kaingay ano magiging reaksyon nyo KAya pagka ganun kasipag Ang Asawa nyo hahaha

@Bert1317

Good morning Ang ganda Ng sikat Ng araw na ngayon. Ang Asawa ko maaga pa nag che check Ng bunga Ng mga tanim niyang kalamansi. Subrang sipag po talaga Ng Asawa ko . Maaga pa Yan gigising para mag linis Ng mga pananim Niya . NakAkatuwa at may mga bunga na Ang ibang mga pananim Niya.

@Bert1317

5 years ago na pala Ito. Kuha ko Ito sa Victoria Oriental Mindoro.Subrang nakaka miss na talaga Ang mmag travel eh. Puro throwback nalang talaga ako nito. Sabado de Gloria Rin yata Ito noon eh Ng mag byahe ako .

@Bert1317

At Ocean jet from Calapan Oriental Mindoro to Batangas nakakamiss na sumakay Ng barko ah .. 5 years ago na Rin Ito. Ano na kayang feeling Ng sumakay Ng barko. Siguro mahihilo na ako ngayon kapag sumakay ako ulit Ng barko. Subrang tagal ko na kasing di na nakakasakay Ng barko eh.

@Bert1317

Pauwi palang kami ngayon pumunta kami kena byenan kanina subrang init dun sa kanila tas dito sa way pauwi sa Amin Ang lakas pala Ng ulan. Ang lamig tuloy Ng byahe namin ngayon. Tas dahil malamig grabe naiihi na talaga ako hahah. Bat KAya pag malamig madali Tayo maihi..

@Bert1317

Kalamansi Yan na po pala Ang bunga Ng kalamansi namin. Maliliit palang po Yan . At dalawang taon palang yang kalamansi namin. Nung isang taon marami Rin Yan bunga pero mas marami ngayon. Wala pang 3feet Ang taas niyan. NakAkatuwa at Nung isang taon palang siya ay namunga na kaagad Yan.

@Bert1317

Natulog ako kagabi Ng 9:30 iniisip ko matulog ako Ng maaga para mahaba Ang oras Ng tulog ko ngayon dahil naninikip na dibdib ko sa kapupuyat. Pero ganun din pala magigising Rin ako Ng alanganing oras tas di na ako makatulog.kanina pa Ang pilit ko matulog subalit di na ako makatulog KAya Ito noise na ako. Basta gising na Kasi ako di na mawala Ang noise sa isip ko eh.

@Bert1317

Yung gustong gusto ko pa bumalik sa pagtulog peri Yung Antok ko di ko na mahanap Kung nasaan na. Tas Ang isip ko naandito sa site nagsasabi na mag dotdot nalang ako Ng cp hahah. Good morning po sa mga gising na happy Easter Sunday po sa inyo.. masakit na likod ko kakaikot ikot sa higaan eh.

@Bert1317

Flex ko Lang po Ang Asawa Kong maaga pa nagtatanim na Ng niyog. Kahapon Yung mulberry Naman Ang itinanim Niya. Mahilig po talaga magtanim Ng Kung ano ano yang Asawa ko. Sabi Niya kahit di na raw Niya makita Ang mga bunga Ng itinanim Niya Basta may makain raw Ang mga magiging Apo Niya. Ay kagaling ahahah

@Bert1317

Coco Mama Try ko mag Biko na itong Coco Mama Ang gamitin ko na gata Kung maganda Rin . May niyog Kasi ako Isa Lang ay kulang daw Yun Sabi ni mama . KAya try ko itong Coco Mama Kung pwde Rin. Dalawang kilo Kasi Ang lutuin ko. Tas mamaya dadalaw kami sa kapatid ko sa sementeryo. Birthday Kasi ni papa Nung 15 eh good Friday Yun KAya di kami nakapag luto Ng handa. KAya ngayon nalang kami nag luto. Si mama Naman ay Pansit Ang niluluto ngayon. Malaman mamaya Kung ano Ang kalabasan…

@Bert1317

Ito po Ang update dun sa Coco Mama na ginamit ko kanina Ang daming langis ang recovery Niya. Mabango pati siya. KAya ngayon Wala Ng problema kapag kailangan Ng gata ay Coco Mama na hahah. Maya update ko Ang Biko na ginagawa ko. Dito kami ngayon sementeryo eh.

@Bert1317

Galing kaming sementeryo kanina dinalaw namin kapatid ko.Karating Lang namin dito sa bahay Gabi na Rin Kasi kami umalis dun sa sementeryo. Dun na kami nag celebrate Ng birthday ni papa. Pinaka mamahal ni papa Yan Ang kapatid ko . Sa dami naming magkakapatid siya Ang pinaka Mahal ni papa. KAya Nung nawala siya subra si papang nalungkot. Halos araw araw NASA sementeryo si papa.

@Bert1317

Good morning po happy Monday to all Tutulog Ng bukas Ang bintana at gigising Ng bukas pa Rin Ang bintana hehe. Ang sarap po talaga matulog na fresh air Yung lamig na nararamdaman mo sa iyong katawan. Pag higa ko kagabi tulog kaagad ako pag gising ko umaga na. Thank you Lord at muli mo po kaming ginising.

@Bert1317

Luto Ng Biko. Ayun may taga halo na ako Ng Biko ngayon pwde na kami magluto kahit anong oras kapag napapakain Ng Biko. KAya Niya na maghalo eh dati Kasi ako Lang Ang naghahalo. Paborito Niya Yan Ang Biko KAya masipag siya mag halo. Tinalian Niya Ang ulo Niya para raw di tutulo Ang pawis Niya sa Biko.

@Bert1317

May mga time talaga na inaatake ako Ng depression. Bigla nalang akong umiiyak kapag parang awang awa ako sa sarili ko tas Kung ano ano na pumapasok sa isipan ko. Magsimula Ito Mula Ng mag pandemic eh. Ayukong mabaliw KAya pilit Kong pinaglalabanan dahil Wala Rin namang may nakakaunawa sa akin Kung sasabihin ko pa sa iba.

@Bert1317

Late dinner Kain na po Tayo sa mga di pa naghahapunan dyan Gabi na po pala. Mag hapunan na Rin Kayo. Ulam po namin ay Tilapia nangilaw pa Kasi sila hubby eh KAya ginabi na kami kumain ngayon. Pinaksiw na Tilapia po Yan

@Bert1317

BP 179/115 KAya pala subra akong nahihilo kanina eh subrang taas Ng dugo ko.abuti nalang at di ako na stroke oh namatay. Grabe taas Naman eh. Natatakot naman ako magpa tanggal Ng matres para di na tumaas ang dugo ko. Yun daw Ang dahilan KAya tumataas Ang dugo ko. Sabagay pinag aralan ko Ang health record ko dati akong anemic tumaas Lang simula nagka problema ako sa matres. Hay buhay

@Bert1317

Grabe nman ang mga traders hindi binili ang palay dahil ang sabi subo dw hinanapan nila ng ibang mapagbenthan ang sabi stop buying kya ang kwawang magsasaka ibinalik sa knila ang palay pero nagbyad ng pamasahe sa tricycle blikan... 20 cavans po ang ibebenta sana na 50 ang byad bwat sako. Ganyan na lng ba tlga ang mangyayari sa mga magsasaka? Kayo po ang humusga... Gumagapang kna inaapakan ka pa.... Post po Ng friendship ko Yan nakakaiyak eh. Bat Naman ganyan Ang ginagawa…

@Bert1317

Dito ako ngayon tambay sa bahay ni bossing grabe nakaka Antok dito Ang sarap Kasi Ng hangin dito tumambay. Ayan Ang mag bayaw hahah di hubby at Ang kapatid ko. Mga kapatid ko Rin Kasi Ang kasama Niya dito gumagawa at pinsan ko. .

@Bert1317

Solar bulb. May nagpa order sa akin Ng solar bale 895 lahat Yan KAya Lang shoppepay ginamit ko KAya maraming less tas Yung coins ko pa pina less ko na rin dyan KAya Yan nalang babayaran ko 829 tas Ang maganda pa may cash back na 150 coins. Pero Kung cod siya ay Wala at 895 talaga Ang babayaran ko. Oh diba laking tipid talaga kapag shoppepay Ang ginagamit.

@Bert1317

Skin expert Sino po naka try na sa inyo gumamit nito.. Nakita ko Lang po Ito dun sa pinuntahan Kong tindahan ganyan raw Ang gamit KAya hinanap ko sa shoppe Kung meron at Ayan po dumating na kahapon Ang order ko. Mukhang maganda Ang sabon oh Yung kojic Niya haha 3x ko palang nagagamit eh mahapdi na mukha ko ibig sabihin inaalis Niya na Ang dead skin ko KAya may hapdi na siya. Agad agad may epikto na siya. Di tulad sa ibang kojic na parang Wala Lang. Ito may reaksyon agad eh.

@Bert1317

Champorado Ginogle ko pa Yan pano lutuin hahah kainaman ganun Lang pala Yun. Eh pano matagal na nag rerequest anak ko na mag luto ako niyan KAya ayun nung nakapunta ako Ng bayan bumili ako Ng Cocoa powder at malagkit. Subrang saya Ng anak ko ngayon eh Masarap raw Ang luto ko hahah binola pa ako para ipagluto ko siya ulit.

@Bert1317

5 years ago memories ni Lolo epbi Ang kape at gatas haha .. nakaka miss na mag Chowking eh. Ilang years na akong di naka pag Chowking. Hay ano na kayang lasa Ng halohalo Ng Chowking hahah

@Bert1317

Talbos Ng kamote Nagluto po kami Ng sinigang na isda ngayong Gabi. Di ko na nakunan Ng picture Ang sinigang ko bukas nalang po. Itanim raw namin yang tangkay Ng kamote bukas para di na kami bibili.

@Bert1317

Good night na po mga kaingay.. masakit na ulit ulo ko sa puyat. Bukas po ulit . Parang nagugutom naNaman ako eh hahaha itutulog ko nalang talaga Ito. Naku tataba naNaman ako kapag kumain pa ako ngayon eh. Good night po

@Bert1317

Sa mga may leefire dyan Tara po mining na Tayo. . Umaasa Ng swerte dito hahah Pero siyempre di ko pa Rin pagpapalit si ninong. Extra raket Lang po Yan. . Sana bago mawala ay maka pay out Muna ako dyan

@Bert1317

Happy happy 11th monthsary NFSFG More more months pa po sa atin. Musta po Kayo mga ka squad? Share ko lang po itong pic ko Nung nasa Pasig ako. Kumuha po ako dyan Ng PSA tas Nung pauwi na nag pa picture po ako dyan sa pinsan ko. Nakaka miss na Rin po Ang mag byahe at gumala.

@Bert1317

Good evening po..Thank you po sir Aya sa pa games super nag enjoy po ako. At thank you Rin po sa mga Moderator. Happy Monthsary po sa ating Lahat. Share ko Lang po mga ka Squad kapatid ko po Yan ako po Ang panganay at siya Ang bunso. Subrang namimiss ko na siya NSA Batangas Kasi siya nag work. Mahigit 1 year na Rin kaming di nagkita. Crew siya ngayon sa lots a pizza.

@Bert1317

Mixed veggies Taddaaahhh sa halagang 10 peso mga ka squad may gulay na po ako. Mag luluto ako ngayon Ng mixed na gulay para sa pananghalian namin. Bagoongan ko Lang Ito mamaya ulam na. Tipid tipid po Muna Tayo ngayon mahirap Ang buhay eh. Good morning noise mate..

@Bert1317

Relatives in Altavas Aklan Siguro nsa 20 years ago na Ito. Ito Yung first time ko makarating Ng Altavas Aklan. Yan po Yung mga kamag anak ko Doon. Ang saya Ng bakasyon namin dun noon. Araw Araw Kung San San kami umiikot sa mga kamag anak.. nakakamiss na Rin sila eh gustuhin ko man bumalik dun ngayon ay mahirap na mag bakasyon ngayon. Dami na requirements tas Mahal pa Ang Pamasahe KAya team bahay nalang talaga ngayon..

@Bert1317

Byaheng Bicol 5 years ago. First time ko makarating Ng bicol. Naalala ko nahulog sa camsur Yung dala naming isang Sako Ng bigas. . Nakapaga tataka Lang bat Alam Ng driver na bigas Ang nahulog. Haha subrang bilis Ng takbo Ng bus tas pag dating dun sa madilim. Na Lugar bigla huminto Ang bus at Sabi Niya nahulog raw Ang bigas . Pwde ba Yun hahah . Galing cubao sa camsur pa nahulog tas Alam niyang bigas agad sa dami Ng karga. Mukhang may di magandang nangyare ah. Huminto Kasi…

@Bert1317

Subrang excited na kami sa outing Sana namin bukas pero biglang may mensahe na kailangan ayusin bukas at magkakaroon raw Ng fuel subsidy Ang mga drivers . KAya ayun sa pangalawang pagkakataon ay na post pone naNaman Ang planong outing. Sa sabado raw ulit. Sana matuloy na talaga dahil pang tatlong sked na Yun. Feeling mowdel Ng Choco Sundae

@Bert1317

Hello mga ka squad. Thank you po subrang saya ko po at napansin nyo Ang post ko.. good night na po. Maaga pa po pala kami bukas pupunta kami Ng munisipyo dahil may fuel subsidy raw na ibibigay sa mga drivers. Yun nga Lang need Ng gcash Ng mga driver.kaya igagawa ko pa bukas si papa.

@Bert1317

The only thing that will make you happy is being happy who you are and not who people think you are.. Good morning madlang noisers. Happy Sabbath to all. Punta po kaming munisipyo ngayon pipila para sa ayuda na fuel subsidy. Mabuti nalang mabilis ma verified ang gcash ngayon Tru gcash raw Kasi eh Ang pasok Ng pera. KAya NakAkatuwa Ang mga drivers ngayon may gcash na haha pwde KAya gcash na Rin ibayad kapag sasakay ka sa tricycle or Jeep Kasi lahat Ng driver may gcash na hahah

@Bert1317

Ganito po Yung stub . Subrang haba Ng pila.daming Tao dito. Ang nakuha namin na stub ay may number na 24 sa likod pang bukas pa raw Yun. Mabuti nalang at may nahingi kami na walang tatak sa likod KAya tyaga kami dito ngayon mag pila. Sayang Rin Ito. Di pa nga Lang Alam Kung magkano.

@Bert1317

Dito pa Rin kami ngayon. Baka di pa Rin kami matapos subrang haba Ng pila eh. Kapag di kami natapos ngayon ay malamang bukas balik ulit kami dito Kasi gang bukas nalang daw Ito . Tas Ang bagal pa nila mag verify Sana tas sa loob pa Ng opisina Sana sa maluwang na Lugar sila nag pa ganito eh para di dikit dikit Ang mga Tao. Wala Ng social distancing.

@Bert1317

Good night na po. Subra po akong napagod kanina sa nilakad namin. Gabi na kami naka uwi. But thanks God at natapos Rin Naman lahat. Pero si mama ay maaga pa babalik bukas Kasi may Isa pa silang franchise Ng motor KAya gumawa pa ulit kami Ng gcash para dun maipasok Ang ayuda.

@Bert1317

Morning everyone kagabi may ginanap na campaign rally sa aming barangay naku po walang Facemask walang social distancing. Mga kandidato di takot na ma virus . Akoy biglang nag alala eh sa mga ganitong pagtitipon. Dahil panigurado pag tapos Ng election higpitan nnaman nila mga Tao. Ngayon di sila takot ma virus mga kandidato kahit kanino makipag kamay magpa picture pero kapag nanalo Yan di mo na malapitan Yan at di na makamayan Kasi feeling nila Yan may nakakadiri at…

@Bert1317

Mga kandidato ngayon di takot sa virus. Wala Ng social distancing Wala Ng facemask kakamayan ka pero panigurado kapag nanalo mga Yan di mo na pwde malapitan Yan Kasi baka mahawa sayo Ng virus hahah real talk

@Bert1317

Snow Bear Bumili ako Snow bear para Sabi ko Kay hubby wag na mag yosi mag candy nalang. Naku ako Rin yata Ang makakaubos Ng candy na Ito. Ayaw ko tlaga kumain Ng snowbear na Ito Kasi maanghang Ang gusto ko ay Yung kendi mint. KAya Lang Ito Lang Ang meron dito at nasanay na ako pagtapos Ng Kain at mag ke candy. Wag Lang sana sumakit Ang ngipin.

@Bert1317

Good night na po mga kaingay. Late naNaman Ang tulog ko ngayon pano Ang mag ama ko mag movie marathon naNaman tas ako natukso Rin manood ahahaha pero nauna na Rin ako sa knila matutulog. Sila ay nanonood pa Rin gang ngayon. Antok na ako eh KAya tutulog na po ako. Good night na mga kaingay.. bukas po ulit.

@Bert1317

Finally dumating na Rin Ang inorder Kong halaman sa Lazada hay subrang na stress Ang halaman eh sa tagal Ng byahe pero thankful pa Rin dahil buhay na buhay siya. At Ang taba Ng halaman Sana ay di magbago Ito. Di manibago sa lugar at panahon. Napaka init Kasi dito sa Amin eh.

@Bert1317

Sa mga nagtatanong po kanina ay Yellow gumamela po Yan po Yung inorder ko sa Lazada at kanina Lang dumating. April 21 Pina ship ni seller at kanina ko na received. Medyo ma stress po siya sa byahe Kasi balot na balot po Yan. Tas Yung karton Niya grabe yupi yupi po talaga. Di talaga maingat Ang ninja van. Di tulad sa jnt Mula Ng mga viral sila ay maganda pa Rin Ang parcel kapag dumating.. sa 3rd photo makikita na talagang subrang na yupi Ang karton. Mabuti nalang at di nagka…

@Bert1317

Good night na po time to rest na bukas na po Tayo ulit mag grind. Maraming salamat mga kaingay sa walang sawang pag suporta sa mga post ko. Sanay di Kayo magsawa heheh.. Antok na di inday Wala Ng mag pasok sa isip ko hahah .. KAya tulugan na po

@Bert1317

Happy Tuesday everyone.isang mapagpalang umaga po sa lahat. Thanks God at tayoy muling ginising ni Lord. Ang ganda Ng sikat ni haring araw ngayon saktong sakto at magbibilad kami Ng inaning palay kahapon. Naka 20cavan Rin kami Ng naparte lahat. Ipapabilad na namin lahat ngayon para may pang pagiling na kami bukas. Isang taon na konsumo na Rin namin Ito.

@Bert1317

Pansin nyo po ba parang may problems Ang site ngayon. Yung dalawa na comment sa post ko nawawala tas kapag inopen ko Yan po Ang nalabas yang unang pic tas check nyo po Yung sa sign Ng B iba Ang nakalagay tas kapag check ko Ang profile Yan sa second pic Ang nakalagay . Tas nag comment Rin ako sa isang post ganyan Lang kapag pinindot ko Ang post bumabalik sa ganyan naka 2x ako bumalik sa ganyan. Tas may Isa akong friend na naka red bell sa akin 2 Ang post Niya parehong nawala…

@Bert1317

May problema po ba Ang site ngayon. Pansin ko Lang. Check nyo nga po Kasi ayaw mag post ibang comment nawawala at pati post nawawala Rin eh.

@Bert1317

Yes... Finally it's back. Hay I miss you so much my dear noise hahah di kompleto Ang araw ko kapag Wala ka . Wag kana ulit mawawala ha marami kaming malulungkot. Grabe na windamg Ang puso ko talaga kanina. Akala ko mawawala kana eh. Thank you Noise at bumalik kana sa Amin. Subrang saya ko na ulit ngayon. Kayo Rin po ba?

@Bert1317

Yung anak ko tanghali na Ang lakas pa Ng hilik. Nasubrahan yata Ng pagod kahapon pano Yung binilad naming palay ay biglang umulan KAya nabasa at Dali Dali naming inipon at sinako. Ayun nabasa pa Rin. Kalukong ulan eh tuyo na Ang palay namin biglang binasa tas umaraw na ulit. Hay Wala Tayong magagawa Wala Tayong Laban sa panahon eheeg

@Bert1317

Dumating na po pala Yung mga cap na order ko sa shoppe tag 65 peso po Ang Isa niyan. Kailangan Kasi ni hubby sa work Niya para may panangga sa init. Tas Yung Isa sa anak ko Rin mahilig Rin Kasi sumuot Ng cap kapag may lakad siya.. Tulog po Muna ako Antok na eh. Sarap Ng ihip Ng hangin nakakaantok. Medyo makulimlim po panahon dito sa Amin ngayon eh.

@Bert1317

Memories 5 years ago at San Rafael falls San Rafael Donsol Sorsogon. Ayaw ko sanang umiyak KAya Lang di ko mapigilan Ang mga luha ko na nag uunahan sa pag patak. Namimiss ko na Yung mga masasayang araw na magsama Tayo. Na khit kelan ay di na mangyayare. Ang sakit pa Rin sa dibdib eh . Buhay na buhay kapa Rin sa puso at isipan namin. Palagi Kong iniisip na NSA malayong lugar ka Lang at nag work. Sana ganun na nga Lang. Pero Hindi eh. Miss na Kita kapatid ko subra.

@Bert1317

Katapos Lang namin kumain. Nagluto si hubby Ng ginisang gulay.. nabili Niya kanina sa talipapa.. Ang sarap talaga magluto ni hubby Ng ulam hahah napaparami Ang Kain ko eh. Musta mga ka squad anong pinagkakaabalahan nyo ngayon kami movie Marathon muna pang pa Antok. Maricel soriano at Rudy Fernandez..

@Bert1317

Kalibo Aklan 4 years ago na Rin pala Yung pag bisita namin ni mama sa mga relatives Niya sa Aklan. Actually kumuha Lang talaga Ng birth certificate Ang mama ko sa Altavas tas mabuti nalang at may PSA sa kalibo kaya naipa PSA na Rin namin. No record Kasi siya pero pag punta namin sa munisipyo eh meron Naman siya record dun. Di Lang pala na forward sa NSO noon. Need kasi ni mama Ng valid I'd eh di ka nman maka kuha kapag Wala Kang birth certificate. KAya sa tagal Ng panahon ay…

@Bert1317

Magandang Umaga mga ka squad Wake up like this hehe namamaga pa mukha eh. Grabe kapag napupuyat ako talukap ko Ang nalaki Hindi Ang eyebag KAya Ang bigat sa pakiramdam. Tas Ang dibdib ko nananakit Everytime na napupuyat ako. Katulad ngayon subrang naninikip Ang dibdib ko nahihirapan ako huminga. KAya dapat po talaga ewas ewas na ako sa puyat eh. May body clock pa nman ako Basta lumiwanag na gising na ako niyan.

@Bert1317

Ngayon ko palang Pinaarawan Ang binili Kong gumamela. Sa gilid Ng bahay ko Lang siya inilagay Nung isang araw tas kapag Gabi ay pinapahamugan ko Lang tas sa Umaga itatabi ko ulit pero ngayon ay Pinaarawan ko na at inilipat ko na Rin sa malaking timba siya. Medyo oka narin Ang kulay Niya ngayon compare Nung dumating na talagang stress siya.

@Bert1317

Good night na po . Puyat naNaman si ako. Pano Gabi na kami nakauwi dito sa bahay tas Ito Napa dotdot naNaman at nabudol ako ni shien. Matagal ko na kasing gusto bumili nitong macro Ewan ko Lang Kung maganda itong nabili ko. Bali lahat Yan ay 228 Lang Ang binayaran ko

@Bert1317

Myra E Happy Friday mga ka squad Na shoppe budol naNaman po ako hehe kahapon po Yan dumating In order ko sa shoppe. May allergy Kasi ako kapag ganitong tag araw nangangati Ang balat ko kapag naarawan ako at Yan Lang Ang nakakawala sa allergy ko. Kahit anong pahid Ng mga gamot ay di nawawala subrang Kati pa. Pero kapag uminom ako Ng Myra e ay gumagaling Naman .

@Bert1317

Happy Friday.. yeheeyyy Friday naNaman at may outing po kami bukas.im so excited na sa wakas ay matutuloy na Rin Ang Plano na mag outing . Bumili pala ako Ng Myra E sa shoppe at Ayan may Pa free po na 4 pcs. Sana all talaga may free heheh may allergy Kasi ako sa init kapag naiinitan ako oh naarawan ay magkakaroon ako Ng allergy at subrang Kati Yan Lang Ang nakakagamot. KAya tuwing tag araw ay nainom ako Ng Myra E.

@Bert1317

Giant Mango Habang inaantay ko si hubby na umuwi para mananghalian ay kaKain po Muna ako Ng isang mangga . Bigay Ito sakin Ng pinsan ko at ako na nag pahinog. Di ko Alam Kung anong klase Ng mangga Ito ngayon Lang ako nakakita nito at nakatikim. Masarap Rin po siya at matamis. Itanim ko nga Ang buto nito baka sakaling mabuhay. Ang ganda Kasi Ang lalaki. Sa isang piraso ay talagang busog kana.

@Bert1317

Bubble wrap Magandang tanghali mga kaingay Ako Lang ba Yung excited na kapag may dumating na parcel galing online shopping tas excited buksan pero pag bukas mas uunahin pa mag paputok putok Ng bubble wrap heheh. Ginagawa ko Rin pala itong pang palipas oras kapag Wala akong ginagawa ay libangan ko na paputokputukin Ang mga maliliit na bilog..Sino po dito katulad ko ahahah. Pang palipas stress ko Ito eh

@Bert1317

Libreng merienda Ayun dahil dumating sila boss at maraming tinapay na dala nakalibre Ng merienda so akom hahah may Isa pa namang kasamahan sila hubby dito na masiba sa merienda Ewan ko ba sa matanda na Yun grabe Ang takaw sa tinapay hahaha KAya Ng inalok ako ni hubby kumuha na Rin kaagad ako Ng Isa. Tas may natira pang Isa KAya itinabi ko at para Naman sa anak ko mamaya Yung Isa para makatikim Rin siya Ng tinapay.

@Bert1317

Good night na po . Anak ko lakas na Ng hilik maaga pa natulog . Subrang excited sa outing bukas eh. Dadayo kami sa kabilang bayan .may bagong bukas na resort Doon. Maganda raw Yun eh Sabi Ng mga pinsan ko. Nung sabado de Gloria pa Sana kami pupunta dun KAya Lang Sabi ko Kay mama ay maraming Tao nun KAya di kami natuloy. At finally bukas ay tuloy na tuloy na talaga. Umorder nalang kami Ng mga fudang na dadalhin bukas. Daanan pa namin Yun sa bayan. oh siya pano po napahaba na…

@Bert1317

Paalis palang ngayon dito sa bahay. Inayos pa Kasi no hubby Ang mga turnilyo Ng motor. Medyo malayo layo Rin Kasi Ang pupuntahan namin eh. Excited na mga Bata hahah Ang ganda Ng sikat Ng araw ngayon KAya siguradong masarap magbabad mamaya sa pool. Ang epti ko walang nadagdag kahit Isa bakit KAya. Pasensiya po muna Wala la akong maibabalik ha. Oh siya Ali's na po kami. Ingat sa Amin.

@Bert1317

Pamangkin ko naka outfit na Ng pang swimming sinuot na kaagad bago umalis Ng bahay para raw di na maraming butbit na gamit.yung isang pamangkin ko Naman natatawa ako sa subrang excited Sabi Kay mama kagabi mang di na ako matulog hahah.

@Bert1317

Share ko Lang po Yung flower na Ito dito sa resort. Ngayon Lang ako nakakita nito. Ang ganda Ng pagka red Niya. Di ko Alam ano pangalan nito lumalaki siya. Ang ganda dito daming halaman Ang paligid. Farm and resort Kasi Ito. May fishpond at may mga halamanan iba iba Ang mga bulaklak Nils tas may resort. Ang daming Tao dito ngayon.. Yung mga Bata pag dating ligo agad eh. Halos di na nakakain gusto ay ligo agad

@Bert1317

Good night na po mga kaingay. Napagod ako sa layo Ng byahe Hindi sa pag swimming Kasi di Naman ako marunong lumangoy eh hahah. Yan Ang Apo ko maghapon Rin naligo ayaw pa nga umahon eh. Gustong gusto sa tubig Lang siya. Naku wag naman Sana sipunin oh ubuhin.. tulog na lahat Ng kasama ko dito ako nalang Ang gising KAya tutog na Rin po ako.