Ferrous Sulfate Kailangan ko uminom nito ngayon dahil subrang nahihilo na talaga ako sa lakas Ng bleeding ko almost 1 week na akong nag be bleed at di pa Rin nahinto. Grabe hilong Hilo na talaga ako eh sariwang dugo na talaga Ang nalabas sa akin. Di nman makabalik Ng hospital Wala pang pera hay Ang hirap Ng buhay Ng mahirap eh.
@Bert1317 in March 2022
Pritong tulingan Pag gising ko NASA tabi ko Ang baunan Ng ulam at Sabi Ng anak ko Kain na raw ako. Pag bukas ko napakaiit Ng ulam hahah Yung kalahating isda tatlo pala kaming mag uulam hinati hati Lang nila. Natulog Kasi ako dahil masama Ang pkiramdam ko. Nagising Lang ako dahil sa masamang panaginip. Puro sementeryo na Ang panaginip ko. Lord wag nyo po muna akong kunin kahit may sakit po ako ay gusto ko pa ring mabuhay Ng matagal. Amen.
Pnb Nakaka iyak naman nag below 3k Ang laman Ng atm ko Nung January at di ko na nalagyan Ng laman ulit bago mag end of the month.Nawala na sa isip ko Kasi ayaw mag open sa pnb internet banking Ang account ko pero sa pnb digital ay nag oopen siya eh Ang kailangan ko ay pnb internet banking dahil magpapa online payment Sana ako dito sa amin sa kuryente. Pero may Isa akong natutunan ngayon Naman mag bank transfer via shoppe pay ay free siya. KAya magagamit ko Ito ngayon saโฆ
Good morning haring araw Ang ganda talaga Ng umaga pagkagising ko ikaw Ang aking nakikita. Ngayon po Ang aming ika 26 anniversary Ng aking jowa hehe. Akalain mo Yun tumagal kami Ng ganito hahah . Napag tiisan Niya ako hahah at Mahal pa Rin daw Niya ako hanggang ngayon Kahit sa totoo Lang gusto Niya na siguro ako ibalik Kay mama . Hehe joke Lang. Happy anniversary sa Amin Ng jowa ko..
Be HUMBLE! You won't stay young forever! With all the life trials & challenges! I survived & forever grateful! #IamContented - nothing to ask for! #IamBlessed - more than I deserved. #IamBeautiful - not by looks but by heart. #IamHappy - having a family I can call mine. - having a chance to serve! #Bonus - Aging gracefully! ๐ช๐โค๏ธ๐๐ #HappyLang #AnniversaryNaminNgayon
Choco na Gatas oh Gatas na Choco? Hahah kahit maitim po Yan mapagmahal na Asawa at ama po Yan sa anak namin . Nangitim nalang po Yan sa subrang sipag Niya mapakain Lang kami Ng Tama at wag kaming magutom na pamilya Niya. Lahat kinakaya Niya kahit subrang pagod na siya. KAya di ko kinakahiya na siya Asawa ko. At happy ako na umabot na kami Ng 26 years ngayon napag tyagaan Niya Ang mga topak ko haha happy anniversary sa atin pard's . #Pards #MyLove #MyEnemy #MyBestFriendโฆ
Papaya Ang laki po niyan pero di ganun katamis. Bigay po namin Kay bossing Yan Nung isang araw dinala na namin dun sa ginagawa niyang bahay para pag dating Niya ay dun Niya nalang kunin. Paalis Kasi kami Nung time na Yun. Tuwang tuwa sila mag asawa eh Kasi paborito raw nila Yan Ang papaya
King Fisher Napulot Ng pamangkin ko kanina sa may lake at Wala Ng buhay. Sayang Ang ganda pa Naman Ng kulay Niya. Di ko Alam pano siya namatay Wala Naman sugat. Ngayon ko Lang Nakita na matulis pala at mahaba Ang tuka niya KAya pala KAya Niya hulihin Ang isda eh.
Fried rice and egg Almusal po Tayo. Marami Ang isinaing Ng anak ko kagabi para raw may isangag kami ngayon. KAya maaga pa ako gumising kanina at nag sangag Ng kanin. Bumili na Rin pala ako kahapon Ng native na bawang masarap at mabango Kasi Yun sa sinangag eh. Pagkain Ng anak ko Yan nilagyan Niya Ng catsup para raw masarap .. Tara po Kain na Tayo mga kaingay
Payo ni Ate๐ Para sa may mga Jowa/Asawa dyan. Basa๐คญ 11 SALITA NA HINDI MO DAPAT SINASABI SA PARTNER MO โผ 1. Wala kang kwenta! 2. Nakakasawa ka! 3. Wala kang pinagkaiba sa ex ko! 4. Ang pangit ng ugali mo! 5. Wala akong pake sayo! 6. Pinagsisisihan kong ikaw naging BF/GF/ASAWA ko!!! 7. Napaka-OA mo! 8. Ang arte mo naman! 9. Bahala ka sa buhay mo! 10. Hindi mo ako pag-aari! 11. Maghiwalay na tayo! "MAGHIWALAY NA KAYO?" Yan ang wag na wag mong sasabihin sa partner mo. Dahil saโฆ
Quiapo Miss ko na Ang lugar na Ito eh hahah naalala ko Nung first time ko dito akala ko naligaw na ako KAya sumakay nalang ako Ng tricycle hahah Yun pala NSA kabilang Kanto Lang Ang pupuntahan ko ilang metro Lang Ang layo dyan hahah . Natatawa talaga ako sa kamangyanan ko noon eh . Hay naku probinsiyana Kasi eh .
Happy Sabbath to all Kain po Tayo maaga pa ako kanina nag luto Ng almusal namin itlog Lang po Ang ulam namin. Maglalaba po Kasi ako ngayon. Kayo po anong ganap ngayon. Napaka Rami Kong labahin ngayon naipon Ng 1 week naNaman Yun.
Laba day Grabe gang ngayon di pa ako tapos maglaba Ang dami Ng nilabahan ko kanina . Tas habang naglalaba magbabantay pa ako Ng tindahan Ng anak ko.. nakakapagod man pero masaya Kasi malapit na Rin matapos Yung aking tindahan Naman Ng tsenilas. Naka 3 pcs Rin ako Ng tsenilas na nabentahan kanina. Dito Lang ako sa bahay Ng mama ko KAya naka online ako. Sa bahay Ng anak ko ay wqlang net eh KAya di naka update kanina pa.
Good morning noise fam. Maaga pa ako nagising ngayon pero mas maaga pa pala si hubby nagising at binabanlawan na Niya Ang ibang mga nilabhan ko kahapon . Sige po balikan ko Kayo mamaya at bombahan ko pa siya sa mga anlawin
Tribal T-shirt Matagal na nag papabili Ng tribal anak ko mabuti nalang Nung December may Nakita akong sale na overrun sa department store tag 100 Lang siya. Ang ganda Ng tela nito cotton talaga siya at Yung tatak Niya ay naka tahi talaga sinulid siya. Nakalimutan ko na ano tawag sa tatak na Yun. Basta di siya pintura hehe .naku gustong gusto Ng anak ko Ito suotin. Mahilig Kasi siya sa may mga tatak na tribal. Nagbibinata na Kasi eh
Sibuyas. Uwi Ng papa ko Yan kagabi ganyan kalalaki Ang tanim niyang sibuyas. Isang patubig pa raw Yan bago ma harvest. Ang problema Lang ay Ang buyer napaka mura nila binibili Ang mga sibuyas Ng mga farmers. Sana Kasi ay di nag import Ang government support Local Farmers sana. Mura nila bibilhin ngayon pero pag dating sa market ay napaka Mahal na niyan. Nakaka awa Ang mga farmers Lalo ngayon dahil napaka Mahal Ng fertilizer
Tsinelas for baby sa shoppe Umorder ako Nung 3.3 dahil sale at may free shipping.emerghed hanggang ngayon di pa Napa ship ni seller baka abutin naNaman Ito Ng 3.15 sale bago dumating hahah pang tinda ko po Yan eh may order na nga sa akin. Yung ibang seller pag order mo Ng Umaga sa hapon IPA ship na or sa Gabi ka mag order pag Umaga ipapa ship na nila Ito ibang klase Rin parang inaantay yata nila na I kansel ko nalang hahah
Tortang puso Ng saging Magluluto raw Ang anak ko Ng tortang bulaklak Ng puso Ng saging. Ginawa raw nila Ito sa Scholl noong grade 4 sila. At nagustuhan niya Ang lasa KAya kanina Ng makita Niya na may puso kami Ng saging ay magluluto raw siya Ng torta. Ay siya sige nga ipatikim mo sa akin Ang luto mo anak hehe.
Pechay Green leafy Muna kami ngayon . Pechay po gigisahin ko Lang Yan sa sardinas walang pambili pa Ng karne eh haha KAya karnenas nalang Muna Ang halo. Saglit Lang Naman Ito maluto. Naku tiyak marami naNaman makakain ko nito. Pero ta try ko muna pala mag no rice ngayon. KAya ko KAya hehe sige po luto muna ako
Tortang bulaklak Ng puso Share ko Lang po pala itong niluto namin Ng anak ko kanina. Sarap na sarap siyang iulam Yan kanina hahaha. Si Justin Lang nag turo sa akin paano lutuin Yan pero nag research PA Rin ako sa Google Kung paano pa siya lutuin talaga. At nabasa ko nga Doon ay pwde pala siya gawing patties Rin. May bago naNaman akong natutunan na lutuing ulam. Niluto raw Kasi nila Yan Nung nutrition month nila sa school Nung grade 4 or 5 yata siya. Noon Niya pa akoโฆ
Matutulog na Ng may kunting ngiti sa labi hehe kunti Lang po Kasi kunti Lang Rin Ang taas ni btc eh.may buy Kasi ako Doon na kaunti .. Sana mag tuloy tuloy na talaga Ito. Para lahat Tayo ay masaya. Plan ko po Kasi kapag tumaas ay papatayo kami Ng maayos na bahay Kubo. Subrang liit Kasi itong Kubo namin at natulo pa kapag umuulan. KAya Sana tumaas na talaga.. good night na po. Masakit na Ang dibdib ko sa kapupuyat eh. Bawal pa naman sakin mag puyat haha nakaka adikk Kasi magโฆ
Share ko Lang po itong Nakita ko sa kabilang site. Sa mga Wala pong malapad na laupain na pwedeng pag taniman Ng gulay ay pwde po natin gayahin Ito oh. Sa mga patapon na pong mga plastic container ay pwde po magtanim Ng mga gulay.at Yung mga nabubulok po na balat Ng prutas at gulay ay pwde po natin gawing pataba sa ating mga tanim na gulay.. https://m.faceboook
PHb8tuG7Am 101% legit po. Sa share it po Yan nakapag redeem na po ako Ng load after 2 days po dumating na siya sa akin . Sa mga Wala pa po Yan po Ang code ko sa taas makikilagay nalang po. Araw araw po mag check in Kayo nsa 5peso po araw araw Ang papasok sa inyo . Pataas pa po habang patagal Ng patagal. P50.00 prepaid credits was loaded to ur mobile# 0965430..... Trace No: 38994 03/08/2022 01:59PM. Ito po Ang code ko PHb8tuG7Am
A STRONG & POWERFUL women don't have attitudes. They have standards & boundaries. INTERNATIONAL WOMEN'S DAY ๐ฉ Happy International Women's Day! International Women's Day every 8th of March celebrates the social, economic, cultural, and political achievements of women. The day also marks a call to action for accelerating women's equality. This year's theme is Break The Bias Celebrating and supporting all the amazing women from yesterday, today and for tomorrow's. Break theโฆ
Tinolang Manok Magandang Gabi po mga kaingay. Pumunta pala kami kanina dun sa bahay Ng mama ko at sakto po nagluluto siya Ng tinolang Manok. KAya Ng umuwi na kami ay pinadalhan Niya ako Ng ulam. Tas naalala ko pa pala habang nag kwentuhan kami ay akala ko malamig na hahah hinigop konamg sabaw grabe napabuga talaga ako napaso Ang dila ko hahaha Ayan katakawan mo ening eh hahah..
PTA MEETING kakauwi ko Lang ngayon. Umatend ako Ng PTA meeting kanina sa school Ng anak ko tas sabay kuha na Rin Ng module. Sa 4th grading ay mag face to face na raw sila at pwde pa raw pumasok kahit walang vaccine. Pero next pasukan raw ay need na talaga Ang vaccine. Prob anak ko ayaw talaga magpa vaccine. Hay paano nalang KAya ito
Nilagang puso Ng saging. Kahapon pa Ng tanghali Yan. Naalala nyo po Yung nag torta ako Ng bulaklak Ng puso Ng saging . Yan po Yung natira Yung pinaka mura na talaga. Dahil maliit nalang po ay nilaga ko Yan tas kahapon ko Lang po inulam. Isinawsaw ko Lang sa Toyo na may sili. Nakunamg sarap po . Kahapon Lang ulit Kasi ako nakatikim Ng nilagang puso eh. Masarap Rin Yan sa bagoong isawsaw
Ano KAya Ang magiging parusa ko bukas hahah na S Pam Kasi ako kanina pag post ko Ng link. Huhuhu nalang talaga .
Apple Mango Bigay po Yan Ng bosing Ng Asawa ko sa akin. Napaka tamis Niya . Yun nga Lang kailangan hinog mo siyang kakainin dahil kapag hilaw parang may amoy siya. Hehe Sabi Ng anak ko amoy pinya raw. KAya Sabi ko Kay kuya ay Kiya maganda pala itong mangga nyo 3n1 eh bakit raw Sabi ko ay apple na pinya pa na mangga . Tawa siya Ng tawa . Dami ko raw Alam hahah
Attend Ng Meeting de Avance Dito me ngayon barangay darating Kasi Ang congressman namin pero tatakbo na siyang governor dahil tapos na Ang termino Niya. Sabi 4pm mag star abay malapit na mag 5 pm ay Wala pa Rin lahat kami dito ay naiinip na
Hapunan Nakalibre po Ng hapunan kanina . Yan po Ang nakuha Kong food dun sa inatenan Kung pa blessings Ng covered court pala Yun pero Ang dun Yung isang partido Ng kandidato. KAya Ang daming kandidato na nagsalita kanina . Ang daming pagkain Yun nga Lang ayaw ko nman kumuha Ng subrang dami at di ko Rin kayang kainin. Yung iba grabe inuwi talaga nila. Kumuha Ng pagkarami Rami saka binalot hahaha nakakahiya eh pero deadma Lang
Papaya Kain Tayo maaga pa Ng papaya. Pinitas Yan kahapon Ng Asawa at anak ko . Pampaganda raw Yan Ng kutis haha ikuskus ko na mamaya Ito sa mukha ko kapag di ko Ito Ng Kain . Pwde ba Yun haha. Ipapadala ko Yan mamaya dun kena mama gusto Kasi Ng mga pamangkin ko Rin Yan eh. Dito Naman sa bahay ay ako Lang Ang nakain nito. Medyo matabang Kasi itong malaki. Pero pag Yung isang maliit na napakatamis naku nakikiagaw Yan sila sa akin.
Star apple Nakita kanina Ng Asawa ko Yan dun sa mag e spray Ng mangga sa tita ko di Niya napigilan di humingi haha Ayan binigyan siya Ng Isa ako Lang Rin Ang kumain. Tas inaya ko siya pumunta dun sa kinuhanan nila Ng star apple at bibili Sana kami Wala rin naman kaming nabili dahil NSA kabila pa raw Yun at walang aakyat sa puno. Hay sayang Naman hehe talagang napapakain na kami Ng star apple eh
Galing galing nman Ng kapatid ko @Bordz19 after 1 month naka $1 ka Rin Ng earn hehe Sabi ko sayo tyaga tyaga Lang at aralin mo eh para kahit papano ay makaipon ka Rin. Pa supp0rt naman po mga kaingay Ang aking Kapatid salamat po.
Walang mali sa pagiging tahimik mo sa buhay at pag iwas sa ibang tao. Protektahan natin yung kapayapaan na meron tayo. Wag natin hayaang sirain tayo ng ibang tao na hindi pareho ang pakiramdam sayo. Hindi naman porket iniwasan mo sila eh may galit ka na, as we grow old kailangan natin maintindihan na hindi lahat ng tao pareho ang ugali sa umpisa hanggang sa huli. Lahat tayo nagbabago. Binabago ng mga karanasan at mga leksyon na natututunan sa buhay. Maswerte ka kung masโฆ
Selfie sa nabili Kong lote noon pero binabalakan ko Ng ibenta ngayon . Nagigipit na talaga ako ngayon eh KAya kailangan ko Ng ibenta Ito . Wala pa nga Lang papel talaga KAya di ko maibenta Ng Mahal. Maganda pa Naman Ang pwesto na Ito baryo po siya.at marami Ng Tao at tabing highway siya. Yun nga Lang walang tubig . Ewan ko Lang Kung magpa drilling ay Kung may makuha na tubig. Dito ko sana punapatira Ang anak ko na panganay kaso ayaw Niya naman.kaya ibenta ko nalang siguroโฆ
#Birthday Yun nga Lang walang handa walang selebrasyon. Masaya na malungkot . Masaya Kasi umabot ako sa ganitong edad pero malungkot Kasi may mga personal na problema na dumating sa buhay. KAya maaga pa puro iyak nalang ako. Alam ko darating Ang araw mag hihilom Rin Ang sugat na dala nito pero Yung bakas di na mawawala gang sa ako ay mamatay siguro. Masakit Kasi mga Mahal natin sa buhay Ang dahilan eh. Di Naman Tayo masasaktan Kung di natin sila Mahal..
Birthday Gift. Jessica Simpson Long Wallet /Wristlet.. Naiyak po talaga ako sa subrang saya dahil dumating sila bossing kanina at may regalo si ate na binigay sa akin. Yan po Ang bigay Niya sabay halik sa akin. Sabi pa Niya akala mo di ko Alam ano. Nkita raw Niya sa fb na bday ko at Sabi Niya Kay kuya wag raw mag comment para di ko raw Alam na Alam na nila hehe . May Pa surprised pala siyang gift sa akin. Galing pa raw sa America Ito .KAya Ang saya saya ko po talaga ngayon.โฆ
Kalamansi Subrang natutuwa ako dito sa tanim namin na kalamansi. Ang dami niyang flowers ngayon Sana mabuo lahat para marami kami maaning bunga Ng kalamansi. Ang Mahal na Kasi sa palengke kapag bumili eh. . Sayang nga at namatay Ang isang puno nito dalawa Lang Ang nabuhay. Nabili ko Ito noon sa Victoria Oriental Mindoro tag 3 pots 100 Lang Ang mura Doon eh dito sa Amin 150 Isa na Yan. KAya laking pang hinayang ko talaga Ng mamatay Yung Isa. Di Kasi agad namin naitanim Nungโฆ
Lindol Nagising po ako kanina Umaga na parang nahihilo ako Yun pala ay nalindol. Ang tagal Ng lindol kanina. Kahit na medyo malayo kami sa Lubang Island ay ramdam pa Rin namin dito sa Amin Ang lindol NDRRMC: (5:22 AM, 14 March 2022) Isang Magnitude 5.7 na lindol ang naganap sa Lubang, Occidental Mindoro ka ninang 5:05 AM. Aftershocks at damages ay inaasahan. Maya Maya po Ang warning Ng ndrrmc sa cp ko. Ingat po Ang Lahat.
Kapag ang DAGA ay nasa isang garapon na puno ng bigas. Ang akala nya ayos na ang buhay dahil kuntento na sya. May makakain sya eh! Kaya dun sya mag-sstay at mag-eenjoy Hanggang dumating ang isang araw... ang grapon ay mawawalan din ng laman at makikita nya na lang na na-trap na pala sya at hindi na kailanman makakalabas pa. Kung nasa edad ka na kaya mo pang magsumikap at kaya mo pang magtake risk.. do it! DO NOT ALWAYS CHOOSE THE COMFORTโ. Labas kadin minsan sa Box mo hndโฆ
Bicycle Malapit na face to face Ng anak ko at gusto ni hubby ay ibili siya Ng bike. Malayo Kasi Ang school dito sa bahay. Nag search ako kanina at Yan Ang Nakita ko sa shoppe . KAya Sana ay tumaas na Ang bch para maibili ko Ang anak ko Ng bike. Kulang pa Kasi Ang ipon ko eh pambili..
#Attitude ๐ง๐๐ ๐ ๐๐ง๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ข๐ ๐๐๐๐ IF....... ๐=1 ๐=2 ๐=3 ๐=4 ๐=5 ๐=6 ๐=7 ๐=8 ๐=9 ๐=10 ๐=11 ๐=12 ๐ =13 ๐ก=14 ๐ข=15 ๐ฃ=16 ๐ค=17 ๐ฅ=18 ๐ฆ=19 ๐ง=20 ๐จ=21 ๐ฉ=22 ๐ช=23 ๐ซ=24 ๐ฌ=25 ๐ญ=26 *Then.. ''''๐+๐+๐ฅ+๐+๐ช+๐ข+๐ฅ+๐ =8+1+18+4+23+15+18+11 =98% ๐+๐ก+๐ข+๐ช+๐+๐+๐+๐+๐ =11+14+15+23+12+5+4+7+5 =96% ๐+๐ข+๐ฉ+๐ =12+15+22+5 =54% ๐+๐จ+๐+๐ =12+21+3+11 =47% ๐๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฎ๐ฆ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ฆ๐ด 100% ๐๐ฉ๐ฆ๐ฏ ๐ธ๐ฉ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ฆ๐ด 100% ? ๐๐ด ๐ช๐ต ๐ ๐ข๐ก๐๐ฌ? ๐๐! ๐ +๐ข+๐ก+๐+๐ฌ =13+15+14+5+25 =74%* ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ? ๐๐!. ๐+๐+๐+๐+๐+๐ฅ+๐ฆ+๐+๐+๐ฃ =12+5+1+4+5+18+19+8+9+16 =97%โฆ
5 years ago na pala Ito Ang payat ko pa noon eh. Ito Yung pumunta ako Ng barangay para kumuha Ng barangay business permit para sa tindahan ko noon. Tas Nung nakaupo na ako dyan Ang daming lumalapit sa akin at napag kakamalan akong officer of the day Ng barangay hehe..
Malaki raw Ang ubong Ng buwan Sabi Ng Asawa ko. Kapag ganyan raw ay may malakas na ulan na darating Yun daw Ang sinasabi Ng mga matatanda noon. Ang ubong ay Yung liwanag na naka paikot pa sa buwan na malaki. Di po makita sa pic ko Kasi di KAya I capture Ng selpon ko. Good night na po. Sana wag nman mangyare Yun kawawa Ang mga farmers dito sa Amin.
Pasensiya na po pa Isa Isa Lang Ang bigay ko pa Isa Isa Lang Rin Kasi Ang dating halos 10 to 20 minutes pa Ang pagitan bago may dumating na isa. Bawi po ako kapag ok na . Subrang init naman Ng panahon ngayon dito sa Amin baka mamaya uulan naNaman
Happy Morning mga ka noise mate. Every morning po nagpapasa si boss sakin ng words of God. Maganda po siyang basahin. Relihiyoso po Kasi Ang bossing namin intsik Yun siya pero nag Adventist na po siya ngayon.
Kalamansi Hanap ako Ng hanap Kung saan Yung mabango Amoy sampaguita . Cheneck ko nman Ang sampaguita ko Wala nman flowers. At Ito nga inamoy ko mabango pala Ang flowers Ng kalamansi at parang sampaguita Rin Ang amoy Niya. Sana mabuo lahat Ang maging bunga nito
Taas Ng bundok Mangahoy Muna kami dito sa taas Ng bundok. At Ang sarap tumambay dito malakas Ang hangin at malakas Rin Ang net . Ang bahay namin ay sa ibaba. Puro puno dito sa itaas KAya nakakarelax dito tumambay. Maya Maya na kami mangahoy Ng pang gatong.
Good morning. Thank you God sa isang napaka gandang Umaga na Ito. Salamat at ginising mo po kami ulit. Birthday po pala ngayon Ng Asawa ko di ko pa Alam ano Ang lulutuin ko mamaya..
Bumili ako Ng niyog tas nagpa giling Ng malagkit request Ng anak ko mag suman raw kami eh. Ang Mahal na pati niyog at malagkit lahat nalang nagmahal na.
Ito pa Yung ibang mga pinamili ko. Grabe nakaka pagod Rin mamili eh.halos himatayin na ako sa subrang init dito sa palengke tas magluluto pa ako mamaya pag dating sa bahay.
Nakakapagod man Ang may handaan sulit Naman at napasaya Rin namin Ang Asawa ko. Nagluto kami Ng spaghetti at BiloBilo oh ginataan tas bumili ako Ng pata paborito Niya Kasi Yun sinigang ko sa kalamansi . Nilagyan Ng Gabi at repolyo. Tas Yung suman ngayon ko palang iniluluto pang bukas na Ito. May biko pa nga Sana kaso wag na raw iluto eh KAya sa sunod nalang Yun Kung kelan sipagin na hehe. Bantay pa ako sa suman na maluto bago matulog
Yung anak Kong pinatingnan ko Lang Ang gatong Ng suman pag balik dito sa akin may bitbit Ng Isa at tiningnan ko Kung luto na. Ayun nung pwde na ay binakbakan na Ng Kain agad .. gandang Umaga na po sa lahat
Bilo bilo oh ginataan Kain po Tayo tira po Yan na handa namin kagabi. Ininit ko Lang kanina. Di na ako naka update kanina dito subrang Dami kasing imisin at hugasin eh KAya naglinis po Muna ako .tas Ang tumal Rin Ng nadating na ayuda kaya kalahati Ang na share ko Lang
Suman. Kagigising ko Lang po ngayon natulog ako kanina mga 12 noon na Yun pero 3 pm na ako nagising haha napuyat kagabi sa pag luto Ng suman eh. KAya Kain po Tayo ngayon Ng suman pang merienda namin dito sabay kape.kahit mainit Ang panahon ay nagkakape si hubby. Ako tubig Lang sapat na.
Solar water pump . Nag search ako kanina sa shoppe nito Kasi Sabi nila maganda raw . Mura Naman Sana 1300 Lang Ito Ang kaso bibili kapa Ng battery tas panel. Ganun rin pala mapapamahal Rin ako. Wala Kasi kami g kuryente dito sa bukid KAya gusto ko Sana solar . Sa ibaba Kasi Ang aming bomba at dito sa taas Ang aming bahay. Mahirap mag igib eh KAya gusto ko Sana Yung parang electric motor.para di mahirapag ahon mg tubig
Matigas na tinapay at kape Ang sarap talaga Ng matigas na tinapay isawsaw sa kape. Sino po dito Ang kagaya ko na pag may matigas na tinapay ay mas bet Ang isawsaw Ito sa kape. Sabi Ng kano wow Filipino very clean Kasi hinugasan Ang tinapay bago kinain kaso Ng maubos na tinapay hinigop Ang kape Sabi Ng kano oh Filipino very dirty hahah ininom Ang pinaghugasan Ng tinapay.. hahah pang pa good vibes Lang po sa umagang Kay init na Ng panahon..
Dahon Ng Malunggay Mag luluto kami ngayon Ng ginisang monggo at lalagyan namin Ng dahon Ng Malunggay. Maganda sa health natin Ang malunggay . Paborito Ng anak ko Ang ginisang monggo eh sa lahat Ng gulay Ito Lang Ang kinakain Niya..
1:21 am 4th year death anniversary Ng kapatid ko ngayon.KAya pala gang ngayon di ako makatulog. Pag open ko mg epbi ko nag notif Ang memories ko tas pag open ko Ito Yung makikita ko. Bumalik ulit Ang sakit na nararamdaman ko.
Putoseko Umorder ako sa shoppe Ng putoseko at excited na akong matikman Ito haha ngayon raw Ang deliver eh.. Sana masarap haha update ko po Kayo mamaya Kung craving satisfied nga ba oh nabudol nga talaga ako. . Kain Muna ako tanghalian ngayon. Ulam namin ay ginataang langka pa Rin. Marami Kasi bunga Ang mga langka ngayon KAya Ito palagi Ang ulam.
thank you Noise Napa palit tuloy ako need Kasi namin bumili Ng hollow block at buhangin para sa ginagawa naming cr. Thank you mga kapatid dahil sa inyo ay nagkaroon ako Ng earn dito at may maipapagawa na ako. Sunod bahay Naman utay utay Lang matutupad Rin Ang pangarap ..
4 years ago Throwback pic ko. Ito Yung sinuot ko nuong Gabi Ng fiesta . Sinuot ko Lang ulit pagka umaga para magpa picture. Kasi di talaga ako tinigilan Ng pinsan ko na Yan na hingin Ang dress ko na Yan gustong gusto raw Niya pero Mula Ng kinuha Niya Yan sakin ay di paRin Niya naisuot Kasi chubby siya. Binili ko Lang Yan sa ukay tag 200. Gandang ganda Rin ako sa dress na Ito noon eh KAya Lang nahiya Naman ako sa pinsan ko KAya ibinigay ko na Rin sa kanya .
Putoseko Ito na po pala Yung inorder ko na putoseko sa shoppe grabe Ang pagkakabalot Ang hirap buksan hahah talagang safe eh at may karton pang nakabalot dyan KAya buong buo lahat Ng dumating . At ayun nga agawan agad Ang mga Bata. Matutulog na Lang ay gusto pang kumain . Sakto Lang Rin naman Ang sarap Niya
Happy 10th mothsary po mga ka NFSFG more more months pa po sa ating lahat dito At patuloy Lang po Tayo dito sa maganda nating nasimulan. Happy na monthsary pa. Love you all mga friends mga ka squad. Sama sama po Tayo para sa ating mga pangarap. 2 months Togo wanyer na Tayo.. May Pa Lechon po ako Tara na po let's celebrate.
Pataas na siya Ng pataas. Parang wrong timing Naman Ang pag palit ko eh . Mula Ng magpalit ako ay tumaas na Ng tumaas hahaha . Di bale ipon nalang po ako ulit. At Yan na po ulit Ang ipon ko. Salamat po sa inyong lahat Kung di dahil po sa inyong pagmamahal sa akin ay di po ako tatagal sa mundong maingay na Ito. Basta good vibes Lang at patuloy Lang Tayo mangarap at Ang lahat ay matutupad Yan . Ingat po Tayong lahat may lakad po ako mamaya
Awis oh susu Sino po nakatikim na nito? May kasama pang isang talangka. Nakuha Lang namin Yan dito sa taniman Ng palay. Bale 2 years ago na Ito nag memories Lang sakin sa epbi ko. Ganito Ang buhay namin noong nag lockdown Kung ano ano nalang inuulam namin may maulan Lang kami dahil di kami binibigyan Ng ayuda Ng barangay. Masarap po Ito igisa sa luya tas may tanglad. Sarap Ng sabaw. Yun nga Lang tyagaan mag sipsip Ng susu. Pero sulit masarap po talaga . Maliliit na ngaโฆ
ATM at Card Bank nagpa activate po ako Ng mga account namin Ng mga anak ko at nagpa konek2card na Rin kami para ma open na online. Mabuti Naman po at mababait lahat Ng mga Tao dito. Wait ko nalang matapos at palabas na Rin kami ngayon.
Masayang nakakalungkot eh. Kung kelan ako nagpalit nung isang araw saka Naman tumaas na Ng tumaas mapapa huhuhu nalang ako eh. Ganun talaga Ang life ahahaha di lahat umaayon sa atin. KAya Laban Lang . Ipon nalang ulit..
Siya si manang cebuana siya. Madalas di ko siya naintindihan. Kapag nag kukwento Kasi siya cebuana Ang salita Niya. Di siya halos marunong magtagalog pero nakakaintindi siya Ng Tagalog KAya naintindihan namin siya pero kapag nag kwento na siya nagtatawanan nalang kami Kasi lahat kami walang naintindihan heheh. Tuwang tuwa Yan siya kahapon Kasi nilibre ko siya Ng ice cream. Masarap raw. Palagi ko Yan siya binibigyan Ng pagkain Kasi nakaka awa siya . Solo Lang siya sa bahayโฆ
Naku Ang mga Manok ko talaga KAya nangangamatay Ang ibang halaman ko eh ganyan pala Ang ginagawa nila. Palibhasa basa Ang lupa sa paso kinakaykay nila at dun sila hihiga sa malamig na lupa. Sa subrang init Ng panahon ganyan pala Ang ginagawa nila para malamigan sila. Naku kawawa Naman Ang mga halaman ko sa kanila eh
May Pa Meeting Ang mga kandidato sa ibaba mga coordinator laaht Ang naandyan. Di ko Alam Sino kandidato Ang nagpa meeting. Naku tiyak may bigayan itong pera hahah.. may merienda na sila na daladala oh hahah ginutum akong bigla eh..
Nagpa harvest na ng mangga Ang pinsan ko Yan Lang Ang naparte nila dahil nasira mg bagyong Odette. At dahil Mahal ako ni pinsan ko hinatiran Niya Rin ako dito sa bahay Ng isang supot na malaki. Mga 5kilos Rin siguro Yun. Sarap sa feeling na may mababait Tayong pinsan heheh.
Ito na po Yung mga hollow block na naorder ko na pang gawa Ng new cr namin. Galing po dito sa earn money Kay noise. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat . Sa walang sawang pag suporta sa mga post ko. Marami pa po akong pangarap na Sana ay matupad . Basta naandyan po Kayo Alam ko matutupad lahat Ng pangarap ko para sa pamilya ko. Thank you Noise thank you mga kapatid ko dito at thank you God Kasi nakilala ko po itong platform na Ito.
Good night na po. Ngayon palang ako makakatulog pano ngayon palang Rin nagpatay Ng sounds Yung kapit bundok namin dito hehe NSA kabilang side Kasi siya pero malakas Ang music nila about dito sa Amin. Siyempre po tahimik Ang Gabi at walang ibang kapitbahay KAya malakas Ang tunog Niya. Subrang Antok ko na talaga eh. Bukas po ulit. Maraming salamat sa lahat lahat po
Katatawag Lang ni boss wag raw umuwi Ang mga Tao at magdadala raw sila Ng pagkain dito raw sila manananghalian salosalo raw kami. Tinanong ko Kung papunta na nagluluto palang raw sila naku ano oras KAya sila darating hahah Ang layo pa Naman Ng bayan dito sa site na pinapagawa nilang bahay . Pero ok Lang mag antay Ang makasalo sila sa boss sa pagkain ay isang karangalan na sa Amin. . Di sila masilan kahit na Ang yayaman nila.
May nagpaload sa akin Ng DITO at sa shoppe Ang ginagamit ko na pang load. Shoppepay Ang pang bayad ko. Yung 99 na load ay promo siya Ng 89 tas may natira akong coins na 13 ayun kinaltas ko na rin KAya Ang binayaran ko nalang ay 76 tas 110 Ang bentahan dito sa Amin Ng load99. KAya medyo malaki Ang Kita ko kapag may nagpaload Ng DITO sa akin.. more more costumer pa Sana para more earn
PHb8tuG7Am Shareit Isa sa nagpapasaya Ng umaga ko mga kaingay. Everyday check in Lang at bingo may pang load na ako hahah Ayan na po Ang na redeem Kong load may mga di pa pumasok Kasi 3 days bago pumasok eh. NakAkatuwa po at may pang registered na ako. Sa mga Wala pa at ayaw maniwala ano pang inaantay nyo update niyo na po Ang share it nyo tas makikilagay na Rin Ng code ko hehe nakarami na po ako Ng load na na redeem KAya dapat Kayo Rin meron sayang Ang load 2 to 3 minutesโฆ
Hakot Ng uling Nakaka awa Yung mga mag uuling dito sa Amin eh. Napaka layo pa Yan Ng pinag ulingan nila tas hahakutin nila lahat Ang uling pababa dito sa may tapat namin. Tas tag dalawa sako pa Ang pasan pasan nila. Grabe sa subrang hirap Ng buhay talagang kahit napaka hirap Ng trabaho ay ginagawa mabuhay Lang Ang kanilang pamilya.
Good morning po backride po ako ngayon sa asawa ko sama ako sa tita ko mag deliver Ng mangga sa bayan. Service Ang tricycle namin.. puro order na Rin lahat Ang mga dala namin
Sanitary napkin Grabe dagdag sa gastos pa Ito eh. Di Kasi ako pwde walang stock na ganito dahil sa sakit ko. Pasintabi po sa kumakain. Ito Kasi Ang mura at Ito Ang kahiyang ko Rin gamitin. Di ako pwde mawalan nito sa bahay at di ako pwde umalis Rin Ng bahay na walang gamit na ganito Kasi bigla bigla nalang malakas Ang dugo ko.
Thank you po sir AyaMedel at sa lahat Ng moderator . God bless po sa inyo at subra po akong nag enjoy sa mga pa games nyo. More more blessings po para marami pa po kayong ma share ran Ng blessings. Good night po at thank you po
Good morning po. Punta kami Ng bukid ngayon magbubunot Ng sibuyas ni papa. Tutulungan po namin si papa magpa Ani ngayon. Nakaka lungkot Lang po mga ka squad dahil subrang mamahal Ng mga fertilizer at gamot at pa arawan sa mga Tao tas ngayon bibilhin Lang Ang sibuyas ni papa Ng sampu per kilo. Nakakaiyak po eh. Tas Ang sama pa Ng panahon ngayon dito sa amin.dumidilim Sana Lang ay wag tumuloy Ang ulan. Dahil mabubulok Ang mga sibuyas at baka iwanan Ng buyer pa.subramg lugi naโฆ
Pa harvest ngayon so papa tag 10 peso per kilo. Nakakaiyak man pero kailangan Ng ipabunot at ibenta kesa maubos Ng bulok at ma over sa gulang na. KAya punta kami ngayon sa bukid Niya at matulong kami Ng bunot .
Grabe tulo luha at pawis ko eh haha ganito pala kahirap mag bunot putol Ng sibuyas nakakaiyak. Pero mas nakaka iyak Ang presyo po
Grabe sakit Ng likod ko eh parang di ko na maiunat hahah ganito talaga kahirap Ang mag trabaho sa bukid. Tumulong Kasi kami Kay papa mag bunot Ng sibuyas eh. Pauwi palang kami ngayon sa bahay.. gusto ko na matulog pag dating mamaya
Good night na po mga kaingay. Grabe Ang sama Ng amoy namin ngayon eh haha kahit nag linis na kami Ng katawan ang tapang pa Rin Ng amoy Ng sibuyas. Papahinga na po ako. Sakit Ng katawan namin Ng anak ko. First time Ng anak ko mag bunot putol Ng sibuyas eh.
Pa saki na Ng sibuyas dito na Ang mga magsasalandra. Ang daming reject daw bulugan raw. Sabi ko nga itinda namin ipost sa epbi baka may magbili. Sana makabawi sa gastos si papa. Dito pa kami ngayon eh tulong pasan Ng mga naka red bag asawa ko inipon dito sa may harapan para mabilis Ang pag saki nila
Kakagising ko Lang po ngayon . Pagdating Kasi namin kanina dito sa bahay ay natulog ako. Napasarap Ang tulog ko KAya ngayon Lang nakagising. Share ko Lang po itong mga nadaanan namin kanina ganyan po Ang mga sibuyas dito sa Amin NSA mga gilid Ng highway at talagang napaka Rami po at marami pa Rin Ang di nakaka Ani. Marami na Rin Ang mga naka Ani na. Sana Lang wag umulan Kasi bawal mabasa Ng ulan Ang mga sibuyas eh. Ang sakit na nga sa ilong Ang amoy Ng mga nabulok na sibuyasโฆ
Movie Marathon naNaman kami ulit ngayon Ng family ko. Sa cp Lang kami nanonood Wala kaming tv eh. Robin Padilla ulit.. sa YouTube Lang . Di ko Alam ano title nito anak ko Lang nag search eh haha Basta Robin talaga naku asawa ko halos ayaw Ng kumurap ..
Good morning po. Maaga ako ngayon gayak may meeting po Kasi kami sa card balik na ulit kami sa monthly meeting.after 2 years Mula Ng mag lockdown balik na kami sa dati ngayon. Miss ko na Rin mag meeting kapag di ako nakapunta ngayon next month na ulit Ang kasunod.kaya aatend muna ako ngayon miss ko na Rin mga dati Kong kasamahan eh 2 years ko na Rin pala silang di nakita..oh siya sige po di ko na hahabaan at akoy maliligo pa.malayo pa Ang aking lalakarin eh
Good night na po mga kaingay. Medyo masakit ulo ko ngayon KAya itutulog kp na po Ito. Bukas po ulit Tayo mag chikahan gusto ko pa Sana mag grind ngayon KAya Lang ay parang di ko talaga na kaya. Share ko Lang po pala itong merienda namin kanina camote cheese ball Ang sarap po Niya. Gawa Ng mga estudyante dito sa Amin. Bukas ko na po kwento Ang iba hehe. Good night na po
5 years ago na pala Ang lumipas Mula Ng ma confine ako sa worldciti med sa Cubao. Tas ngayon bumabalik naNaman Ang sakit ko. Ang hirap di Naman maka luwas para maka pag pa check up. Daming requirements tas bukid doon Wala na ring perang pang gastos. Ang hirap talaga maging mahirap eh.
Pala Ng buhangin si hubby ko. Gang dyan Lang Kasi sa kabilang bakod pwde ediliver Ang buhangin KAya pinala pa Niya papasok sa kabilang bakod dito sa Amin. Dalawang oras Rin Niya bago natapos palaging papasok dito sa Amin. Tas hakutin ulit paakyat Naman dito sa gagawan Ng cr namin. Mataas Kasi Ang Lugar namin. Yan na po Ang katas Ng noise ko. Ipinangpagawa ko na Ng cr namin. Maraming salamat po sa inyo mga kaingay at sa noise . Malaking tulong po talaga Ang platform na Ito saโฆ
Saging na Saba. Yan po merienda namin mamaya lalagain ko po yan.mabuti nalang at may napahinog kaming saging ngayon.binigyan ko Rin kanina Ang Asawa ni bossing dumating Kasi sila kanina eh. Tas binigyan ko Rin Ang anak ko na panganay pumunta Kasi sila Rin dito kanina Umaga. Sila mama Ang di ko pa nabibigyan palagi Kasi silang Wala eh. Mayang hapon nalang dadalhan ko sila dun sa bahay nila... Masarap talaga Ang may sariling tanim kapag namunga ay pasawa na talaga sa pag Kain
Magkano na po Ang mantika sa inyo mga kaingay? Nagtaas Lang Ang gas pati mantika tumaas na Rin galing po bang Ukraine Ang mantika? hahah. Napapaisip Lang talaga ako Ang gas makatwiran pa eh na tataas dahil galing pa sa ibang bansa pero Ang mantika kalahati Ang itinaas KAya napapaisip po talaga ako Kung galing Rin bang Ukraine Ang mantika ? Hehe
Yeheeyyy natapos na Rin Ng flooring. Asawa at anak ko Lang Ang gumagawa ngayon. Maasahan na talaga si Justin sa mga trabaho. Naawa Rin ako sa anak ko eh Kasi Ang layo Ng igiban Ng tubig sa ibaba pa tas pati buhangin ay naandun din sa ibaba siya lahat nag igib at nag hakot Ng buhangin tas nag halo Ng semento. Gawa Ng Ang Asawa ko ay nagpalitada pa sa loob. Bukas ay dingding nalang at bubong.
Solar eFan Yan po Ang gamit namin dito sa Kubo. Wala Kasi kamiNg kuryente dito eh. NakAkatuwa po at magdamagan na Rin Yan Basta maganda Ang sikat Ng araw . Pero pwde Rin Yan sa kuryente I charge . Sa shoppe ko Yan nabili. Nasa 1 year na Rin Yan at ayos pa Rin po. Pwde Rin siya palitan Ng battery Kung sakali na masira Ang battery Niya
Gandang tanghali po. Grabe subrang init dito ngayon sa bahay Ng mama ko Ayan Ang labas nila harapan Ng highway. Grabe Ang singaw Ng init Ng kalsada. Ang katapat nila ay simbahan Ng katoliko Ayan po Yung NASA itaas Ng gulod. Maglalaba Sana ako Wala Naman kuryente.
Pinapatuyuan na nila Ang fishpond sa ibaba namin grabe Ang lalaki Ng isda eh may dalag at Tilapia. Kalalaki Ng mga isda NSA kalahating kilo Ang Isa siguro. Tanaw pa dito sa Amin Ang laki Ng isda eh. Ang sarap niyan ihawin Ng buhay pa. Naku subrang malasa Yan . Maaga pa nagugutom na ako kaagad mag isip eh.