MISS U. 💖
Nakita ko ito kagabi na nasa Ilocos pala si Miss U.
Nakakatuwa naman.. Subrang ganda daw niya base sa mga nakakita ng personal, at ayan na nga kumakain siya ng special food ng taga Batac "Empanada"
And nabalitaan ko din na pupunta siya dito sa amin, Dun sa bahay mismo ng isang member sa Church, para daw makita niya kong paano ang paggawa ng Hand Craft na gawa ng bilao ng Niyog. 🥥
Nakakatuwa naman, kaso sunday yun kaya sa tingin ko hindi ko siya makikita haha
Sana all nalang..
Disable
Just wanna share with you guys this little cute Bunny..
Sana maka survive siya sa buhay niya.
Yung iba kasing kapatid niya kinain ng Pusa..Huhu tapos ito disable, wala siyang paa at kamay sa kabilang side. Kaya nahihirapan siyang kumilos..
Kawawa naman talaga..
Disable
Nung isang araw nanganak yung rabbit namin, bale 6 yung naging babies niya, tapos that night din kinain ng Pusa yung mga anak niya, bale 3 nalang ang natira sa mga rabbit. 🥺
Kawawa naman silaa... Tapos kaninang umaga habang papalapit ako kami sa kulungan nakita namin tung isa na naipit na sa gilid tas binuhat ni nanay ayan nakita namin, wala na siyang isang paa tas kamay din wala sa kabilang part.
Subrang kawawa naman talaga sila. Huhu
Tas ayun na discover din namin na 2 nalang natira kasi nakain na naman yung isa kagabi. Galing ng pusa e! Nakakagigil din 🙄
Freezedddddd
Natawa nalang talaga ako sa nakita ko sa ref, siguro naiinitan tu kaya pumasok nalang sa ref para magpalamig.
Pero nung ok na katawan niya, hindi na niya pala kayang buksan ang Ref para makalabas siya... Kaya naman umiiyak na siya sa loob, nagtatawag na siya ng tutulong sakanya, subalit walang nakakarinig sakanya.
Gabi kasi nung nangyari ito. . malamang tulog na ang lahat.
Hanggang kinaumagahan oras alas siyete, isang magandang binibini ang nagbukas ng Ref upang kumuha ng ilulutong Siomai, nang pagkakuha niya sa plastic ng siomai dun na tumambad ang isang Kawawang nilalang na tumigas na.
The poor Lizard 🦎
Inilabas ng magandang binibini ang Lizard, umaasa ito na sana mabubuhay pa ito, pero Huli na ang lahat.
Yan ang Story niyan. 🤣
GOOD MORNING 🌄
Oh this is It!!! 🚨
Bukod sa aking Jowabels, ang isa pa na nagpapatibok nang aking Puso ay ito! Ang LTO na nakaabang sa Gitna nang kalsada hayss.
Syempre natiketan na naman kami.
Kasi walang lisensiya ang driver namin. haha
Nakakatawa nga e kasi nag stop kami, tas umatras para humanap ng tiyempo para lumiko sana kaso naman hinabol kami. wahaha Sila na mismo sumundo sa amin. hays!
Wala nang takas tu. 🤨
Pinicturan ko sila para may remembrance. HAHA
Ikaw sinu nagpapatibok ng puso mo??
Me and My Jowa talking about Life and Death . HAHAHA (kidding)
Before this special day ends
I just wanna thank God for giving me this man, Paul. The love of my life! Yieehhh...
Road to forever na ba Tu!? 🥰😍
Wala akong masabe sa araw na ito, subrang saya lang, and syempre nakaka inlove. 🥰
Oh debeee! Wag puro negosyo at puro trabaho. Asikasuhin din ang Lovelife. 🤪
Nagdate lang naman kami sa tabi ng dagat, plus may sunset na masakit pa sa break up sa subrang init. Kasi ang aga namin pumunta. Ahaha
Pero keri na nung mga 5pm. Subrang Ganda ng sunset. Tas ang gwapo pa ng katabi ko ehe!
16th Monthsary and Counting .. ♥️
Bagong Raket.
Graduate ako as a Teacher, kaso never ko pa ito na apply sa Public or private school.
The reason why "Ayoko" I prefer na sa Church nalang magturo sa mga bata, ibigay ang panahon ko sa church ganun.. Kahit papaano naman ay na a apply ko ang magturo dun. Hindi nga lang everyday. Bale sa isang linggo 3 days lang ang work ko dun, kaya nag a accept ako ng Tuturial ☺️
Kahit papaano may nagtitiwala pa din naman sa akin. Hehe Biglang nagchat yung kapitbahay nin at gusto niya na i totur ko yung anak niyang babae, nahirapan daw kasi makasabay sa school nila dahil yung mga kaklase niya ilocano, kaya turuan ko daw siya makaintindi ng ilocano para makasabay siya. haha
Kaya lessos learned, wag kasi puro english ang ituro sa anak, ipatangkilik niyo rin ang sarili nating wika. Dahil sa Elementary may subject silang "Mother tough" Bata lang din mahihirapan kasi.
Bale mag start na ako sa friday daw. ☺️
BB BUNNIES
Babies are in the house. Grabe ang sipag talaga manganak mga rabbit namin. 5 na naman yung buntis. Tapos kong manganak sila 4 ang pinakamababa! Haha Hindi sila nainform sa Family planning! 🤣
Kaya eto kamot nalang ng ulo kong saan kukuha ng pangkain nila. Mahal na din kasi ang Feeds ngayon. hehe Wala pang bumibili ng rabbit.. hahaha Iyakkk 🥺 wawa naman sila.. haha
Ampunin niyo na po sila pls?? 🤭😅
Alaska
First time ko makatikim ng alaska milk. hehe
Wala naman pala siya pinagkaiba sa Bear brand at Birtch tree hehe Inom lang ako neto para pampa antok ko.
Anway, Shout out sa kapitbahay naming Nagsusunod ng Plastic or guma ngayon. Grabe yung amoy Sessz nagkakape sa ilong kabaho uy. 🤭👃
Kanina pa yan ha..hehe
Good night sa mga tulog na.
Good night din sa mga Gising pa. 😂
Rules
Isa sa mga rules lang ito.
Ang Rule 101 sa bahay, kong anu ang nakahain na ulam or pagkain. Kailangan kainin at wag magreklamo.
Kong ayaw mo man ang ulam, bumili ka ng sarili mong ulam ganurn.
Ganyan ang kinalakihan ko na pamilya. Strikto talaga si papa pagdating sa buhay.
Kaya tara na Kain na tayooo! ♥️😋
Magandang Gabi sayo! Sana naging blessed ang araw mo today! ☺️🙏
Welcome back Wifi
Lahat ng nasa bahay natuwA sa pagbabalik ni Wifi hays! Halos ilang buwan din kaming nag-antay na maayos ito! Kong hindi pa namin sinugod sa office nila sa City baka until now wala pa Huhu
PLDT sakit kadin pala sa ulo ha! 🤕
Pinalitan na din namin ng password tu. Para safe! haha Balak kasi namin magpatayo ng Piso net Soon..Kong makakaipon ng pang puhunan. 😃
Bukod sakin may mas masasayahan pa dito, Si mother ko! I'm sure Unli Tulfo na naman yun, Fav na kasi yung nagkakasagutan sa tv. wahaha Maritessss... 😅
Back Pain Update
Diba na share ko po na uminom ako ng Herbal na Dahon ng Sambong?
Thank God kasi kahit papaano ay effective siya, naalis na yung super sakit na Back pain ko tapos ihi ako ng ihi.
Bale dalawang baso lang ng herbal ung nainom ko. Kaya ngayon nasa process na ako ng pag rerecover, inom lang madaming tubig. No to Soft drinks muna 🤪
Flexing my sister's aquaflash thumbler, syempre hindi akin yan kasi diko afford 🤣
Good morning beBzzysshhh!
Just Got home fr. Church!
At dahil Sunday ngayon, Mag chi chicken tayooo! 🐔 Yiehhhh...
Kayo mga kaBebzzzy ano ulam niyooo??
Tinuro ko pala sa church today, About Kay HANNAH na nagprepray ng Anak na Lalaki.
In God's perfect timing, God gave her a Son named Samuel.
Then a year after, Hannah decided to Offer Samuel to God. As she said before nung pinapapanalangin palang niya ang anak..
So this is the lesson, Don't stop praying for something/someone we want. Dahil In perfect time, God will provide and give it. Trust the process..
HAHA
Yah I'm gonna upload this photo to make you happy for a sencond only. 🤣
Exsena sa taas ng Viewdect kanina, grabe lakas ng hangin kase. 😂
Hindi pa tapos ang Halloween. 🤭😂
Gala mode
Subrang happy ko today kasi first time ko makakita ng mga ibat-ibang uri ng Ibon. Nakakatuwa kasi ang gaganda nila.
Yung iba may huni talga na pwedeng kausapin sila.
Worth it ang paglalakad at pag-akyat namin sa matarik na Daan or kalsada.
Then sa dulo makikita naman ang Sentenella Hills..Makikita dito ang napakagandang View Duck ng Bundok, windmills, at Dagat.
(Sayang hindi ko maUpload yung photo)
Kapag pupunta kayo dito sa Ilocos Norte ito ang magandang puntahan, talagang matutuwa ang mga bat dito, hindi nakakapagod maglakad dahil sa mga gilid-gilid makikita ang mga ibon.
Kaya mapapatigil ka talaga para magselfie kasama nila.
Nakakatuwa! Nakaka enjoy talaga mag Explore.
Dahon-dahon (Herbal)
Diba lately na share ko dito na masakit ang lower back ko.. Hanggang sa Hip...
So eto nagdadahon na ako beshy, kasi kailangan parang UTI ang symstoms nito.
Nagpakuha ako ng dahon ng Sambong sa bundok khapon, tas ngayong morning nilaga ko. Bale hindi ako magkakape today, ito muna ang iinumin.
Sabi ng kapitbahay namin mabisa daw ito, isama ko pa daw ang ugat para mas mabisa. Sana nga gumaling na ako para hindi na ako pupunta sa doctor. hays.. Ang hirap kasi kapag may karamdaman. . madaming bawal tyaka limitado magagawa mo..
After ko inumin tu kakain na din ako, Kumain nadin kayo mga kanoise..
Surprised!! ❤️
Sabi ng isa kong frenny na i surprise ang kanyang mama sa kanyang Bday!
Sakto naman na wala akong ginagawa ngayong araw kaya Gora agad ako.
Umorder siya ng isang bilao ng Pancit plus cake na round!
Subrang happy ng mama nila, at talaga nasurpresa siya.
Nakakatuwa kapag ganito ang mga anak nuh, yung kaya nilang pasayahin ang kanilang magulang kahit sa simpleng paraan. 🥰
Tara Kain.
Pakabusog ka kasi ako ang nagluto! Ayiehhh...
Ito lang naman yung niluto ko sa kahoy, kaya subrang tagal diba.. ala una na ngayon palang ako nakaluto ahaha
Alam mo ba bet na bet ko tung Taba na isawsaw sa bagoong na may kalamansi? ehe
Sana makarelate ka sakin.
Mahilig ako sa taba! 😋
Uy tara na kain na! Nalipasan na ako ng gutom ehe
Hays.
Nasa point na ako ng buhay na Kunting-kunti nalang iiyak na. Hahaha
Grabe naman ang hirap naman maggatong! 😭
Nakailang ihip na ako sesss! Meju basa kasi ang kahoy kaya napakahirap.
Ilang oras ako nag ihip ihip jan. Ngayon lang umapoy. huhu Kaiyak grabe.
Hindi mo ko maiintindihan, rich kid ka kase. 🤪
Wala kayo neto. hahahaha Char!
Ouch Pain
Sino jan gumusing na may nag good morning?
Sino jan gumising na Full charge ang phone?
Sana all. 🤣
Ako kasi gumising na masakit ang Balakang huhu
Lower hip back pain 😭
3 days na tu, di pa din mawala-wala ang sakit niya. huhuhu Kinakabahan na ako.. 🥺
Kaya eto ikakain ko nalang, baka kulang lang sa kain. hehe
Good morning everyone. Pls pray for me na makapunta sa doc..🙃
Saan ka punta? To the moon!
To the moon ata talaga hahaha Grabe yung paspas ng driver ko kanina.
Late na kasi kami for bible study..kaso pagdating namin sa Church walang tao.. Hindi pala tuloy ngayon hahahaha
Malamig ang simoy ng hangin ngayon ahh.
Anu ulam niyo kanoise??
Sarap sa Eyes, ouchh sa Bulsa 🤣
Oha. . Meju maganda na naman ang colors ng aking Mini store hihi
Kadarating ko lang nag groceries. Inayos ko na din yung iba ehe
Nakakatuwa naman tignan ohh, kahit papaano eh nagkakalaman nadin unti-unti ang aking Munting store. 😍
Good afternoon mga besshhyyy!
How's your day? Umuulan na naman dito sa amin.
Tara Kain na tayoooo!
Grabe hindi ko na sana ipost tu kaso, need ng content haha
hindi ko alam pangalan nito, basta masarap siya, and taba taba siya ng karne ng baboy.
halina kayooo, bawal magpalipas ng gutom ehe
Tara magtiklop 😴
Pinakaayaw ko sa lahat ay ang magtiklop haha
Subrang boring kasi pag nakaupo lang tas ganito. Lalo pa Hindi ko naman damit. wahahaha char!
Yung iba na nalabhan kahapon natuyo na, kaya ito gabundok na ang aming tiklupin. Pakiramdam ko mamayang gabi pa ito masisimulan, habang nanunuod ng Darna hehe
Good morning everyone! How's your sleep? Eyy, sarap ng tulog. Nagising lang ako kasi naamoy ko yung ulam namin na Noodles haha
Sana e mas maging pretty productive pa tayo sa raw na tu! maganda ang sikat ng araw today, kaya ilabas na ang mga sinampay para matuyo na.
Sign of Aging?
Sa subrang productive ng araw ko, kong ano na yung masakit sakin. haha
Kaya eto kailangan ng ipahilot ang likod ko, ang sakit kasi ng Lower back ko, kanina pang umaga. hmm Nakakabahala na din kasi tuwing paggising ko masakit.
Advice naman kayo jan kong ano pwede igamot?
Kulang siguro tu ng Soft drinks. 🤣
Mahina na naman ang signal ngayon? Ang hirap magLoading si App 😕
After Shock
It's bry after Shocks bday celebration.
Ahahaa Pinasusyal ko lang, Nilibre kami ni bry ng meryenda kasi sayang daw yung pera niya sa bulsa niya na hindi pa nagagatos. ehe
Bilib talaga ako dito sa beshy namin, much money! hahah
Uy the best tu! Tara kainn na ulit! haha
Urgent Cleaning
Naisip ko bigla Wednesday pala ngayon, kailangan kong pumunta sa Kids room para maglinis, dahil binaha na naman.
Mabuti nalang Hindi nabasa yung mga printer at computer. hayss!
Malakas kasi ang hangin, meju nabasa lang yung mga papers at iba pang books kaya nilabas ko na para ipaaraw.
Nagwalis na din kami sa labas, kasama ko pala mga Co'teachers ko..hehe Kasi kapag ako lang baka pumayat na ako diko pa natapos hehe
Done na din kami kumain, nag-ulam kami ng sinigang na fish.
Skl. Kain kana din jan mate, wag papagutom.
Good morning 🌄
So tindera naman ang ganap ko for today's video, habang nag-aantay na matapos yung pinaikot ko sa Washing. (labada)
Shout out nga pala sa mga kapitbahay naming nagbilad ng Palay sa harapan ng store. Siguraduhin yung di aapakan yan mga bibili ha. Wag magrereklamo kapag madami yang dumi or mga bato na maliliit. 😏 Chrarotss! 😂
Bili na kayo! haha
Me thinking of You. yiehhhh 🤪
Ganito pala yung feeling kapag LDR lagi mo siyang iniisip na Nag-chi cheat na sayo. charixzzzz! Hahahaha
Ang totoo niyan , iniisip ko kung bakit ang hina ng signal ng DITO sim ngayon sa amin.
Hindi ako makapagcomment at makapagheart, pawala-wala ang signal.
Ang dami ko pa namang Unreads. huhu
Naiinis din kami sa PLDT namin 1 month nang wala. Hindi pa namin matawagan yung linya nila hays kaloka... Haha
Good night Mates! agahan ko nalang bukas. Sana umayos na ang signal.
Meryenda time.
Ube Biko for today's meryenda..
Binili ko lang itong kapitbahay naming naglalako ngayon, nakakatakam kasi yung pinasa niyang picture haha
Kaso nakulangan ako ng tamis kaya nilagyan ko pa ng asukal hmm
Kapag naman nag add ka ng cheese, +10 pesos din yun. hehe Asukal nalang..
Tara kainn naaa!