read.cash Log in
@Bebzzy more from that month

Bukod sa Teacher sa church, cleaners sa church, ito pa ang isa kong pinagkakaabalahan kapag wala kaming work sa church. Nagbebenta din ako nang kong ano-ano hehe Yes, nakaGraduate naman ako sa college. Pero ito talaga yung gusto kong gawin, ang mag negosyo, magbenta, kasiDito ako masaya! Sinubukan ko na dati ang Ukay-ukay. Ok naman ang bentahan, kaso mas madami ang utang tyaka madami ding na stock nalang yung items or namine nila dito sa bahay. Hanggang ngayon di pa napi pick up. (Sad ng ganun Promise) So nag switch ako ng ibebenta, Sinubukan ko tung mga Ulam at mga pwedeng snack. Sa awa ng Diyos meju nababawi naman ang puhunan, tyaka walang pautang. Kaya gusto kong ituloy-tuloy kasi nakikilala na din dito sa amin na nagbebenta ako ng mga Ulam. Minsan nga sila na din nagtatanong kong ano daw paninda kong ulam, kaya gusto ko sana madami akong stock. Para din may laman ang Ref namin. Hehe Minsan sa buhay kailangan din natin hanapin kong saan talaga tayo papatok. Gaya ko, ang dami kong sinubukang ibenta. hehe Halos every month ako naglalabas ng puhunan ko. Pero ngayon Okay na siguro ako sa pagtitinda ng Gulay at frozen na ulam. Sipag at tyaga lang sa buhay. Bukod sa ganda, haluan mo ng Diskarte! Labarn lang!! hihi Karamihan sa mga suki ko, Marites dito sa amin, kaya mabilis lang kumalat ang mga Paninda ko! eheh #Noisecash #Owncontent

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.