read.cash Log in
@Bebzzy

Sa church may kumausap sa akin, sabi niya "Ate Jeanie Bday ko po ngayon" Tas nag smile siya ng Big! haha "HAPPY BIRTHDAY BEBE!" Pagbati ko sakanya, tas sanabi ko sa mga bata na Kantahan namin siya, after namin kantahan parang nakita ko sa mata niya may inaantay siya. Parang nag e expect na may ibibigay ako sakanya. Naisip ko bigla yung "Pabigay" ko sa mga nag b-bday dito sa church. Every bata kasi na tinuturuan namin binibigyan ko ng simple gift tuwing magb-bday sila.. Kaya nagrush ako gumawa ng simple gift para sakanya. Mabuti nalang talaga at marami akong extrang Candies sa room, yun nalang ginawa ko. 😊♥️ Habang gumagawa sila ng Activity nila, kinuntiyaba ko yung dalawang teachers, sabi ko kantahan namin si Jeremiah. Dahan-dahan kaming pumasok dala ko ang Simple gift then sabay-sabay kaming kumanta! 🥰 Natuwa ang bata! Haha Abot tenga ang Ngiti niya. 🥳

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.