Thanks Godnat kumpleto pa ang bubong ng bahay namin. At kakatapos lang maglimas ng tubig papalabas. At sana safe rin kayo ngayon mga kanoise. Sobrang lakas ng hangin kagabi na parang mawawalan kami ng bubong, napaisip tuloy ako na hindi ko naman hiling na yumaman kami ang gusto ko lang ay magkaroon kami ng maayos na tahanan na sa tuwing babagyo ay makakatulog kami ng maayos at hindi mangangamba. Naalala ko tuloy itong kuha na ito mula sa bahay mg isa naming kaibigan. Pero hindi lahat pinagpala na bigyan ng kasing ganda ng ganitong tahanan. Kaya reminders ito sa akin na palaging magsikap. Share ko lang po mga kanoise ☺️
1 comment
Pinasok pala kayo ng tubig sis.Akala ko nga din tataas tubig samin kaya napasilip ako ng madaling araw.Mahirap pag mababa ang lugar.