read.cash Log in
@BananaKetchup

@BananaKetchup in October 2022

@BananaKetchup

What's up noisemate! Isang mainit na saturday sa lahat. At dahil sabado ngaun ay araw ng pamamalengke. Ang hirap din kasi ng pabili bili sa tindahan ng mga pangluto mas napapamahal pa. Kaya naman bumili na kami dito sa palengke, para naman isang bilihan nalang at para makatipid sa gas. Yun lamang, at magingat po ang lahat!

@BananaKetchup

Good afternoon noisemate! Late lunch para sakin dahil ngayon lang nagkatime. At dahil diet kami ng aking asawa wala akong masyadong maipost na food. Kaya for the itlog at century muna sa ngayon. Sa ngyon kasi ako ay may timbang na 65 kg at may taas na 4'11 kaya hindi dapat ako tumaba ng ganito. Ang hirap din kasi ng sobrang taba ang daming nararamdaman na sakit aa katawan. Kaya sana mag success ang diet namin na ito. Yun lamang po noiser! Stay safe!

@BananaKetchup

Buhay no rice!! Magiisang linggo na ng mag decide kami na huwag na munang magkanin para magkasya na samin angg mga damit na napagiwanan na na ng panahon. Ang hirap din kasing kumilos at gumalaw. Kaya naman eto, chicken or karne at mga gulay lamang ang aming kinakain sa ngayon. Sana ay pumayat na talaga kami. Kain po tayo kanoise!

@BananaKetchup

Good day noisers! Another day, na naman po to fight tempatation. Kanina habang break time ay maraming nagaalok sakin ang pagkain at isa dito ay ang favorite chocolate ko na toblerone. Noong hindi pa ako diet talaga nakakakalahti ako nito ngunit ngayon ay kailangan ko nang tigilan para gumaan ang aking timbang. Wish me luck mga kanoise!

@BananaKetchup

Good evening noiser! Hayts after 2days nakapagpost uli dahil sobrang busy sa work, hindi manlang nahahawakan ang phone. Kaya bawi po ako ngayon mga kanoise. Kain po tayo ng toge na may tokwa na all tine favorite, ginisa lang ay swak na swak na. 😊 Kain po tayo

@BananaKetchup

Good evening noisemate!! Namiss ko kayong lahat! Di ako nakakapag post nitong mga nakaraan dahil sa sunod sunod na trabaho at handaan dito samin. Minsan gabi ko nalang talaga nahahawakan itong cellphone ko, kaya sa wakas ngayon ay medyo maluwag na ang schedule. Kanina nga pala ang picture na ito sa Divimart, bumili kasi ako ng mga school supplies para sa pamangkin ko. Kumain na ba ang lahat?

@BananaKetchup

Magandang Tanghali noisefam!! Isang mainit na tanghali sa ating lahat. Kaya naman nagprepare ako kaninang umaga, ng lemon na may tubig para naman marefresh aa napakainit na panahon. Ang mahal din kasi kung bibili ako ng lemon na juice. Kaya eto Diy nalang muna. Wala png tanghali mauubos ko na. stay safe po ang lahat πŸ€—

@BananaKetchup

Good evening noisemate! Thank's God at nakaraos din sa napakadaming gawain sa work. Kaya naisip ko na medyo desurve ko na kumain ng matamis pero low budget. Kaya naman eto ang nabili ko merengue na isang balot ay 15pesos lamang. Mura na, matamis pa. Hindi ka nga lang mabubusog. Hahaha! Kamusta po kayo mga kanoise! πŸ€—

@BananaKetchup

Good evening noise peeps! Thanks God sa lahat ng blessings at maraos po namin ang bday ng aming anak kahit walang natira sa sahod ok lang basta sya ay happy. At noong nauwi nga kami dito sa lugar ng aswa ko ay naaddict ang aking anak kakabato ng bato sa patubig. Tuwang tuwa sya everytime na nagkakaroon ng effects yung tubig. Nakakatuwa talaga ang mga bata kahit na sa maliliit na bagay ay nagiging masaya sila. Sana tayo ay maging ganoon din kahit sa simpleng bagay ay maging…

@BananaKetchup

Good evening noisemate! Happy Friday sa lahat! At bago matapos nag araw na ito ay kumain muna kami ng pares. Dahil gutom na gutom kami sa dami ng ginawa maghapon. Pero pinagisipan muna namin kung desrve ba namin ito dahil naipon na lahat ng aming bayarin. Kain po tayo noisefam!

@BananaKetchup

Good evening noisemate!! Isang happy saturday sa lahat. At talagang nakakapagod at nakakaenjoy ang araw na ito. Dahil nagbirthday ang aking kapatid, nagvideoke kami maghapon matira panalo, kung sino ang may boses sya ang winner. Talagang masarap magbonding kapag may videoke hehe! Magandang gabi sa lahat 😍

@BananaKetchup

Good evening everyjuan! Its Dinner time! Naoarami na naman po ako ng kain dahil ang sarap ng luto ng aking nanay. Adobong paa for the win. Sa uling sya iniluto kaya ang lambot. Ang sarap kahit sauce lang. Dinamihan ko ang kain nito dahil mayaman daw ito sa collagen. Eh since wala akong pambili eto nalang po ang kakainin ko.Hehe! Natutukso tuloy ako uminom ng coke kaso pass na muna for the diet muna. Yun lamang po at magandang gabi!

@BananaKetchup

Nakaorder sa Lazada ang anak ko 😒 Mabuti na nga lang ay worth 180 lang kung hindi magpapanic na talaga ko. Kanina habang ako ay nagcecellphone bigla nalang may nagnotif sa aking cellphone n alazada apo, ng bakalagay ay "your order has been shipped out" kay pinindot ko ito dahil na curious ako. Aba! Pagtingin ko may order na pala ako na hindi ko alam. Kaya lesson learbed sakin ito na huwag hayaan ang anak na magcellphone palagi. At baka kung ano ano ang mapindot. Sana naman…

@BananaKetchup

Good morning noisemate! Another day, another blessings na naman po. Bago kami pumasok ay dumaan muna kami dito sa bilihan ng mga plastic, para bumili ng pitsel dahil nabasag ang dati naming ginagamit. Mura kasi dito mga kanoise kaya dito kami nagpunta at marami rin pagpipilian. Mas type ko kasi bumili sa mga ganto, nakakatulong ka pa sa mga small business. Stay safe po tayong lahat dahil medyo maulan! πŸ€—

@BananaKetchup

Isang maulang tanghali sa lahat!! At eto na ang latest..Kami ay bumisita sabahay ng isa sa mga tita ko, at eto naman ang bobongga ng kanyang mga halaman. Mappaasana all ka nalang at may time.. Gusto rin akasi talaga maghalaman kaso wala nang time magtanim at magdilig kaya naman picture picture nalang ng halaman ng iba. Medyo maulan ngayon noisemate kaya ingat po ang lahat 🧑😊

@BananaKetchup

Good afternoon uli noisemate! Dahil recess ngayon at medyo maulan ay nagtimpla lang ako ng champion chocolate drink. Favorite ko talaga yung drinks na to kasi kahit malamig or mainit ay pwedeng pwede. Medyo malakas ang ulan dito samin for sure ay baha na naman sa daanan namin. Huhu! Stay safe po tayo 😊

@BananaKetchup

Magandang gabi noisemate!!! Thabk you Lord at nakaraos na po sa maghapon na nagdaan. At kanina bago matulog ang baby ko ay nag bebe time muna kami. Bago kami mahiga ay napansin ko na madumi ang paa nya kaya inaya ko sya maghugas kaso ng lamig ngayon dahil sa ulan kaya kinutkot nalang nya to. Sobrang natutuwa ako sa kanya at di maiwasang maging emosyonal dahil ang bilis nya lumaki. Kung pwede lang na bata sila palagi. Hehe!

@BananaKetchup

Good morning everyjuan!!! Thanks God at ang ganda ng sikat ng araw pagkagising ko. Ang hirap din kasi pumasok pag umuulan lalo na at naka motor lang kami. At kanina ay medyo gutom kaya naman naghanap kami ng voucher sa food panda at naka discount kmai ng 100 pesos kaya halagang 200 lang lahat ng ito. Minsan kasi talagang masarap mag cheat day kahit minsan lang. Hehe! Yun lang po at Keep safe tayong lahat!

@BananaKetchup

Good afternoon noise mate!! Isang mainit na tanghalinsa lahat. Pag parang tumapat sa sa araw tustado ka agad. Kahit may nakatapat na na electricfan ay mainit parin kaya ang sakit sa ulo. Kaya naman katinko to the rescue. Ito nalang talaga ang nagpapalamog ng ulo ko. hahahahha! Always drink water and stay safe!

@BananaKetchup

What's up mga kanoise!! Kain po tayo! Shanghai ang ulam for todays video. Kaso wala kaming ketchup kaya toyo at kamatis nalang muna, samahan pa ng mainit na kanin. Mapaparami na naman po ng kain. Btw! Kain po tayoπŸ€—

@BananaKetchup

Good morning noisemate!! Di nakapag kape sa bahay dahil sa aga ng pasok? No problem e di dalin natin yung kape sa work. Kaso ang daming bitbitin hehe! Ewan ko ba bakit hindi buo ang umaga ng walang kape at tinapay. Sa aga rin kasi ng pasok at gabi narin nakakatulog ay hindi na namin makuhang magkape sa bahay. Have a great day a head mga kanoise!

@BananaKetchup

Hi noisemate! Share ko lang ang isa sa mga kinakalungkot ko bilang isang guro. Gusto ko man tutukan ay limitado lamang ang oras. Dahil sa pandemic ay maraming bata ang napektuhan at napabayaan ang pag-aaral. Sa pagbabalik sa face to face ay nahihirapan sila magadjust. Sana ay magkatulong ang magulang at teacher sa pagbangon at pagtuturo sa mga bata.

@BananaKetchup

Beat the heat with a fruit tea! Napagkatuwaan namin habang lunch dahil sa init na parang summer, ang bumili ng fruit tea. Sa halagang 50 pesos ay malalamigan ka na. Mcfloat sana gusto ko kaso ang mahal ng order. Kaya naman fruit tea nalang para mas mura 😊

@BananaKetchup

Magandang gabi noisemate!! Isang nakakapagod at nakakagutom na gabi. Paglabas namin ng work ay naghahanap kami ng may sabaw na ulam, kaso wala kami nakita dahil alas sais lang ay nagsasara na mga karinderya. Kaya naman dito nalang kami kumain sa D' grills na malapit samin. Halagang 85 ay naka unli rice, gravy at soup ka na. Kaso tyaga lang sa paghihintay dahil daming kumakain. Hindi ko na nga napicturan yung food sa sobrang gutom naka tatlong rice din. hehe! Stay safe po…

@BananaKetchup

Good morming noisemate! Eto na ang pinakahihintay ng lahat na FRIDAY! Dahil long weekend na!! 😍 Minsan lang maglolongweekend kaya dapat ay sulitin. May mga nakalatag na kami na plano sana matuloy at hindi mashort ang budget. Kanina pagdating ko dito sa school ay nagbigay agad ang coteacher ko ng cake galing daw sa student nya. Kaya naman nakatipid na naman kami ng almusal. Salamat po sa maagang biyaya πŸ€—

@BananaKetchup

TGIF!! Nagkaayaan sa Puremart malapit dito sa work dahil pwede lumabas. Kaya naman nagpalibre ako ng ice cream sa kaworkmate ko. Basta kasi friday ubusan na ng boses. Kaya kako parang masarap ang ice cream para marelax ang lalamunan. Dami rin mabibili sa puremart kaso ice cream lang talaga ang type ko. Stay safe po tayong lahat 😍

@BananaKetchup

What's up noisemate! Isang maulang tanghali sa lahat. Share ko lang sa inyo yung gawa ng mga Grade 12 students, na project. Namangha ako dahil kala ko ay hindi nila masyadong gagandahan ang pero noong pinasa po nila ay ang gaganda pala. Kaya eto ngayon nahihirapan ako bigyan ng grade dhail lahat ay magaganda hehe. Stay safe po tayong lahat! πŸ€—

@BananaKetchup

Stay safe po tayong lahat mga kababayan😒 Dahil may warning na dito sa aing bayan ay nagsuspend na po ang school pero ang mga teachers ay mga immortal walang uuwi hanggat di lumilipad ang mga bubong. HAHAHAHHA Wag naman lumakas ng kagaya ng karding dahil kaunting hangin nalang ay mawawalan na kami ng bahay. Ingat po ang lahat 😍

@BananaKetchup

Good evening noisemate! Kain po tayo ng palabok. Galing sa co-teacher na may handaan sa secrion nila. Salamat sa biyaya at nalibre na kami ng hapunan. Samahan pa ng puto kaso naubos na. Ang sarap sa feeling na pwede tanghaliin ng gising bukas, may maisusugest ba kayo na movie?

@BananaKetchup

Hello noisemate isang malamig na gabi sa lahat!! At pagkakain kanina ay busog na busog kami kaya naghanap kami ng pampababa ng kinain. At napunta nga kami dito sa bayan at bumili ng salabat. Grabe iba talaga ang hagod nito nakakawala ng umay at ang sarap sa lalamunan. Mabuti na nga lang ay huminto na ang ulan at kahit papano ay nakagala. Good night noisemate!

@BananaKetchup

Good morning noisemate! Isang malamig na umaga sa lahat. Balak ko sana tanghali na gumising pero pag nasanay ka na pala na maaga gumising ay automatic na ang iyong katawan. Kaya naman maaga kami uuwi sa bayan ng asawa ko para duon kami maglaba naka automatic washing kasi sila kaya hindi masyadong mahirap maglabas at matutuyo kaagad. Dumaan muna kami ng 7/11 para magalmusal at bumili muna kami ng hotdog at siopao na medyo nagtaas. Stay safe po ang lahat 🧑

@BananaKetchup

Isang maulang umaga sa lahat.. Talaga nga naman pong ang hirap bumangon pag ganito ang ang panahon. Wala magawa kundi humilata at mag facebook, at mag cc throwback. At naalala ko nga etong gala namin with my baby sa Morong Star sa Bataan. Mahilig kasi magswimming ang anak ko kaya naman dito namin sya palagi dinadala. Ang sarap balikan ng mga panahong namamasyal kayo at maganda ang panahon. Btw, stay safe po sana ang lahat 😍

@BananaKetchup

It's tanghalian time! Kain po tayo noisemate, at dahil tinamad na kami mamamlengke ay bumili nalang kami ng itlog at tuyo dito sa tindahan. At partneran nalang ng kapeng mainit para uminit ang sikmura. Sabayan pa ng suka na may bawang at sili. Kain po tayo πŸ€—

@BananaKetchup

Good evening noisemate! Isang maulang gabi sa lahat. Thanks God at still intact parin ang aming bubong at wala pang baha kundi evacuate na malala na naman. At bago kami umuwi ay fumaan muna kami dito sa tindahan ng puto bumbong fahil biglang nagcrave ang aking asawa. Nakakatakam naman kasi talaga ang amoy. Kaso nakalimutan ata kami nung tindera kaya natagalan yung order. Kain po tayo at stay safe po tayoπŸ€—

@BananaKetchup

Thanks be to God! Forever Grateful! Bago matapos ang gabi na ito ay marami na naman pong natutunan na salita mula sa Dios. Salamat sa Dios dahil hanggang ngayon ay hindi parin nya kami pinapabayaan. Bukas ay panibagong araw upang kaharapin ang bukas, huwag magalala at matakot dahil mas malaki ang kasama natin. Good night sa inyong lahat at stay safe 😍

@BananaKetchup

Good morning noisemate! Thabks God at wala nang ulan at medyo makulimlim nalang. Sana ay wag na umulan. At pagkabangon ko kanina ay may surprise daw ang kapitbahay sakin na Avon. Order na daw ako.Hehe. Di ko lang masabi na dami pang bayarin. Kayo ba mga kanoise uso pa ba sa inyo ang Avon. Magaan umorder dito dahil 1 month to pay. Pagiisipan ko pa kung ano ang oorderin ko. Stay safe po tayo 😍

@BananaKetchup

Tanghalian time 😍 Kaldereta ang ulam for todays ulam, plus mainit na kanin. Busolve na naman po. Mabuti at maaga kami nakaluto kung hindi y basa na naman dahil umaangi sa aming kusina, nag hirap talaga pag umuulan. Masarap din sana may sabaw ngayon kaso ang hirap mamalengke. Ang akala ko ako mageenjoy sa bakasyon yung bagyo pala. Hehe! Btw, kain na po tayo and stay safe 😍

@BananaKetchup

Magandang hapon noisemate! Thanks God at hindi na masyadong umulan. At eto na nga nakatikim pa ng libre mula sa kuya ko, tamang tama ay frappe ang cravings for todays video. Kahit malamig ang panahon ay go parin basta libre. Kahit masakit sa lalamunan, wala namang pasok. Stay safe parin po ang lahat 😍

@BananaKetchup

Mass Wedding ❀️ Thanks God at nairaos po namin ang aming kasala sa Mass wedding. Totoo na ang pagsasama ng mag-asawa ay masusubukan lamang sa mga panahon na wala at panahon na meron. Ang turo ay sana maging isa parin sa mga ganung panahon. Thanks God din dahil nakisama ang panahon, sana hanggang sa araw ng bukas ay ganun parin. Good night every one ! πŸ₯°

@BananaKetchup

Good morning noisefam! Maaga ako nagiaing para magupload ng mga pictures sa google drive. Minsan kasi di natin alam kung kailan ba masisira mga cellphone kaya dapat handa laging nakaupload sa drive para kahit mabura ay nanduon parin ang memories. Share ko lang sa inyo yung look ko kahapon sa mass wedding. Nagpatirintas lang ako tapos nakaponytail. Para clean look lang ganun. Tapoa kaunting foundation lang dahil naka mask naman. Minsan lang ang mga ganitong event kaya…

@BananaKetchup

Magandang Araw noisefam!! At dahil walang pasok , tamang tambay lang dito sa bahay ng kaibigan ko. At eto nga ulam nila crispy pata. Tamang tama naman kako yung dating namin kaya naman before and after yung post ko na ito. Naparami na naman po ng kanin dahil sobrang lutong ng balat. Maaga tuloy kaming nakapaglunch, at late breakfast narin para medyo tipid. Stay safe po tayo πŸ€—

@BananaKetchup

Magandang tanghali noisefam! Habang nagbobrowse ako sa facebook kanina ay nakita ko ang mga pics na ito. Na talagang masakit sa puso. Bawat bagyo na dumadaan may mga napipinsala na tao, wala tayong ibang magagawa kundi manalangin sa mga gantong panahon at magtulong tulong. Marami pang dadaan na bagyo sa buhay natin sana ay magtulong tulong at palaging manalangin πŸ₯°

@BananaKetchup

Thanks God sa KDRAC experience ☺️ Galing kami dito sa orani bataan kung saan may isang adventure camp na pang malakasan. Talagang nakakataba ng puso masulit ang bakasyon kahit na bumabagyo. Nubg isang araw ay malungkot ako kala ko ay hindi na matutuloy buti na lamang ay hindi na cancel. Tuloy ang lakad umulan man o bumagyo. Salamat naman sa Dios at nakauwi ng matiwasay at nabusog na naman ang aking mga mata sa mga magagandang tanawin dito. Stay safe po tayong lahat ☺️