Call center agent lang?

1 38

"Gumradwet ka naman ng apat na taong kurso, pinasa mo pa ang board exam ah? Eh ba't mag ko-konsenter ka LANG???"

Call center agent lang.

Yan ang lagi kong natatanggap na reaksyon mula sa mga tao tuwing nalalaman nilang isa akong Call center agent.

Call center, tambakan daw ng mga walang mararating sa buhay. Mga di naka-graduate ng college. Mga myembro ng LBGT Community. Mga kabit at papalit-palit ng partner. Mga party-goer, laman ng bar at ang laging nakakapuno sa smoking area. Mga maaarte, kahit nasa jeep eh nag iingles.

Ganun na lamang nila maliitin at matahin kaming mga nagtatrabaho sa BPO Companies.

Siguro nga, mayroong katotohanan ang mga bagay na yon. Pero hindi nila dapat nilalahat iyon.

Yung sinasabi mong "Call center agent lang", may pangarap din yan. Pangarap na ma-i-ahon sa hirap ang kanyang pamilya. May pangarap na makabalik at makapagtapos din ng pag-aaral. Alam mo ba kung bakit hindi yan gumradweyt? Nag sakripisyo kasi siya para makapag-aral ang iba niyang mga kapatid. Wala kasing trabaho ang ina niya at pagko-construction lamang ang pinagkakakitaan ng kanyang ama.

Sa tuwing almusal, bihira niya lamang makasabay sa hapag ang kanyang pamilya. Sa hapunan naman, ayun! Wala parin. Iba kasi ang body-clock niya. Tulog siya sa umaga at kumakayod sa gabi, naku! Di lang si Magdalena ang gan'to ang routine bes!

Alam mo ba yung mas nakakalungkot pa do'n? Yung Noche Buena at Media Noche na computer ang kaharap niya, habang sinisigaw-sigawan siya ng irate na costumer. Wala nalang iyon sa kanya, sanay na siyang minumura habang humihingi ng dispensa kahit hindi naman niya kasalanan. Bayani ba?

Oo, tama ang basa mo. Bayaning puyat nga.

Wala pang holiday yang mga yan! Kahit nga bumabagyo na o nanginginig na sa taas ng lagnat, score card o matrix parin ang nasa isip niyan. Di pwedeng bumagsak dahil kung hindi, 'di na niya mabibili yung cellphone ni bunso para sa birthday niya sa susunod na buwan. Waterproof yan! Kung ituring nga ng kompanya ay para bang mga pusa na may siyam na buhay.

Hindi lahat ng ginagawa at sinasakripisyo ng mga call center agents ay kaya ng lahat. Kaya bago mo sila maliitin, isipin mo muna kung kakayanin mo rin.

2
$ 0.00
Sponsors of Baij
empty
empty
empty

Comments

isa yan sa pinaka mahirap na trabaho! interview phase palang and hirap na! hindi basta basta makapasa, pagkatapos nun pag natanggap ka na may training at pag di ka pumasa hindi ka din basta basta ma e-endorse o magiging empleyado/agent. talagang napakahirap! kaylangan mapagpasensya ka at hindi madaling panghinaan ng loob kasi madaming mura at sigaw ang tinatanggap nila mula sa mga callers.

$ 0.00
User's avatar Ace
3 years ago
  • ignore them is the key. hindi si ang didikta sa buhay natin kaya keep fighting. show them that malayo ang mararating mo. chin up!
$ 0.00
3 years ago

Hindi nman porket call center lang. Ang tao talaga ay sobrang judgmental, feeling mas lamang sa kapwa. Ang importanti naman ay nagka trabaho at nasustintuhan ang pamilya sa pangangailangan sa paraang maayos. Hindi nman basihan ang edukasyon, nasa sa diskarti, sikap at ugali yan.

$ 0.00
3 years ago

Call center agent here. Relate much ako dito. Yung pipilitin ka pa nila magresign kesyo meron mas magandnag work daw sa iba. Di nila alam mahirap makapasok sa call center.

$ 0.00
3 years ago

Tama! At minsan kung sino pa yung magagaling mang mata, sila pa yung di kayang ipasa ang interview.

$ 0.00
3 years ago

Di nila alam na yung ibang lisensyadong guro, nurse, etc eh pinipinili pa nila magcall center agent.

$ 0.00
3 years ago

subscribe back..

$ 0.00
3 years ago

Hindi tlga ntin alam kong saan tayo ilalagay ng panginoon kaya tanggpin nlang marming gnyn sa buong mundo makontento kong anu meron

$ 0.00
3 years ago

Call center agent na mga immortal. So proud ako sainyo. Sa atin. Ung kahit may bagyo required padin pumasok. Kahit may Covid din. Halos tayo nga ang tumataguyod ng ekonomiya ng bansa.. salute!!!

$ 0.00
3 years ago

I am a call center agent myself kaya alam ko ang pakiramdam na sinasabihan na call center agent lang. Pero dedma ko nalang sila, ang mahalaga may naiaambag ako sa ekonomiya, higit sa lahat naitataguyod ko ang pamilya ko, nakakakain kami sa labas at nabibili namin ang gusto naming bilhin, lahat galing sa pagiging call center agent!

$ 0.00
3 years ago

Sorry.. turns out I couldn't translate this article

$ 0.00
3 years ago