Kumusta mga kaingay??? Ngayon na lng uli napasilip, kakabalik lng sa asawa ko😀 Nagbisita kc ako sa family ko at ngayon lng nakabalik. Hindi nakasama si hubby kc may work sya kaya ako lng ang umuwi sa amin. Marami kc okasyon ang ginanap, kasal ng pamangkin ko, binyag ng apo at blessings ng bahay. Nakakapagod din pag may okasyon pero masaya nman at nagkikita kita ng mga kamag anak. Walang katapusang kwentuhan pag nagkasama sama ang pamilya. Ganyan din ba kayo kapag nagkita kita ng pamilya? Ung hindi matapos tapos ang kwento kahit abutin ng madaling araw😅 Ung masarap kumain pag sama sama at talaga nmang busog na ayaw pang tumigil sa pagkain🤣 Iba kasi pag pamilya ang nag bonding❤ Mamaya na po uli ako mag iingay, magandang hapon po sa lahat!!!❤❤❤
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet