read.cash Log in
@BabyStarCandy more from that month

Naisstress ka ba sa leadership o ministry mo? "Maraming rason kaya ka nai-stress sa leadership o sa ministry mo. Ito ay ilan sa mga rason na dapat mong saliksikin. 1. Nagiging people-pleaser ka. Ginagawa mo yung responsibility mo para patunayan ang leadership mo. "Laging tandaan na hindi ipapagawa sa iyo ng Diyos ang mga bagay na hindi mo kayang ihandle. Inilagay ka ng Diyos sa leadership sapagkat yan ang kapasidad mo. " 2. Hindi mo namamalayan na nakadipende ka na sa sariling kaalaman at kakayahan kaysa dumipende sa leading ng Banal na Espirito. "Kung ginagawa mo ang paglilingkod mo FOR GOD, gawin mo din dapat WITH GOD." 3. Sinosolo mo ang lahat ng trabaho o nagiging perfectionist ka para mameet yung standard mo. Dapat balanse. "Pagkatiwalaan mo ang mga leaders mo ng mga tungkulin upang maging responsable sila. Iappreciate mo yung nagawa nila at ginagawa ng mga nagmiministry sa loob ng gawain at kung may nakikita kang kailangang iimprove pa, iencourage sila na gawin ang best nila." 4. Nagkukulangan ka sa pagpapapuno sa Diyos sa pananalangin at sa mga Salita Niya. Hindi consistent ang prayer life at devotion life mo. "Nagiging kabigatan sa iyo bilang isang leader yung ikaw nalang ang laging nagmiminister sa iba ngunit nakakaligtaan mong magpapuno at magpaminister sa Diyos. Siguradong mabuburn-out ka sa responsibilidad kapag hindi ka nagpaparefresh sa Panginoon. 5. Physically at mentally tired ka. Minsan kailangan mo din mag-unwind at magrelax. Kumain at matulog sa free time mo. Hindi masamang magpahinga physically at mentally dahil kalooban ng Diyos na maging physically prepared ka para magawa ang lahat ng pinapagawa Niya." "Be on your guard; stand firm in the faith; be courageous; be strong. Do everything in love." - 1 Corinthians 16:14

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.