read.cash Log in
@BabyStarCandy more from that month

ANO ANG URIC ACID? ✅ Ang URIC ACID ay produkto ng metabolism ng mga PURINE compounds, mga chemicals na natural na nakikita sa katawan. ✅ Maraming pagkain ang nagtataglay ng mga PURINES, gaya ng mga lamang loob, sardinas at shellfish ✅ Ang mga PURINES na nasa dugo ay napupunta sa LIVER / ATAY at doon ay nagkakaroon ng degradation ng mga ito upang maging URIC ACID ✅ Ang URIC ACID ay inilalabas ng katawan sa pamamagitan ng pagdumi at pag-ihi. Ang KIDNEYS at BITUKA ang mga responsible sa pagmamaintain ng wastong URIC ACID levels sa dugo. ✅ Ang NORMAL URIC ACID levels sa dugo ay - MALES: 4.0 - 8.5 mg/dL or 0.24 - 0.51 mmol/L - FEMALES: 2.7 - 7.3 mg/dL or 0.16 - 0.43 mmol/L ✅ HYPERURICEMIA ang tawag kapag masyadong mataas ang URIC ACID sa dugo ✅ 90% ng mga kaso ng HYPERURICEMIA ay dahil sa MABABANG EXCRETION RATE ng uric acid sa kidneys. ⚠️ May mga sakit na konektado sa pagkakaroon ng MATAAS NA URIC ACID, gaya ng: - GOUT / GOUTY ARTHRITIS - KIDNEY STONES (URIC ACID STONES) - CHRONIC KIDNEY DISEASE ✅ Ang pagkakaroon ng mataas na uric acid levels ay COMMON. Karamihan sa mga ito ay ASYMPTOMATIC, ibig sabihin ay WALANG SINTOMAS ⚠️ Hindi lahat ng may MATAAS NA URIC ACID ay kailangang gamutin. Kailangan ng consultation sa inyong doktor para malaman kung dapat gamutin ang HYPERURICEMIA o pwedeng obserbahan lang. #StayHealthy

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.