NAPAKALAKING OPAH! 🐠🐟 Laki at ang ganda ng fish. Look: Isang Opah fish o moon fish (Lampris guttarus) na mas kilala sa ngalang “Diana” ang nahuli ng isang commercial fishing vessel sa Karagatang Pasipiko at idinala sa Pandawan Mercedes Fish Port sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte kahapon, Agosto 22. Isa itong warm-blooded na isdang 68 kg ang timbang at 51.5 cm ang haba. Ayon sa BFAR Bikol, umabot sa P120/kl ang bentahan ng nasabing isda na sa kabuuan ay nagkakahalagang mahigit P8,000. Source/Photo: Ronel Palmes Dacuya/ NSAP 5 Research Assistant via BFAR Bikol #GoldenBaby💛 #Photography
No comments yet