Ilang weeks ng napaka-unpredictable ng panahon. Mamayang konti maaraw, after ilang minutes makulimlim na then biglang buhos ng ulan. Sa ilang weeks na yan, may napansin ako based na din sa observations ko dito sa lugar namin. May dalawang klase pala ng tao. Yung una, maagap. Pagkakita nya sa labas na makulimlim na, isinisilong na nya yung mga sinampay nya sa labas. Yung pangalawa naman, hihintayin nya munang may pumatak na ambon/ulan bago nya isilong yung mga sinampay nya. Ang ending, nababasa yung dapat ay tuyo ng mga damit tulad ng mama ko 😂 sabi ko na makulimlim at uulan na hindi daw tutuloy ang ulan. Saka isisilong nun napatak na 😂 Narelate ko sya sa buhay ng tao. Parang ngayong pandemic. Napaka-unpredictable ng mga nangyayari sa current situation natin pero may mga taong kumikilos na para sa susunod na may mangyaring sakuna, ready na sila. May mga tao naman na hihintayin na magkaroon muna ng pangyayari or breakdown sa buhay bago sila kumilos. And sa tingin ko mas okay yung nauna, yung maging maagap tayo sa lahat ng bagay. Wag na natin hintayin na may mangyari muna bago pa tayo kumilos. Wag natin hayaan na ibang tao pa ang gigising sa atin na dapat tayong gumawa ng paraan. Kung umabot ka dito, maraming salamat sa iyong pagbabasa. 😁 #GoldenBaby💛 #Thoughts
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet