NOTE: This post is not to condemn people, this is just the truth and reality na kailangang maging aware tayo bilang mga Kristiyano. Nakakalungkot lamang na napakaraming social media influencer na mas dinadala sa kasalanan ang kanilang mga followers. Bilang mga Kristiyano, huwag tayong makiayon sa mga chismisan at paninira sa ibang tao, huwag makisawsaw sa mga issue na hindi naman tayo involve o di kaya makipag-away dahil lamang sa online discussion. Let us choose what and who we follow online upang hindi tayo maimpluwensyahan sa mali upang hindi tayo magkasala sa isip, sa salita at sa gawa. At kung tayo naman ay influencer, let us choose to inspire others online sa tama at sa nakalulugod sa Diyos dahil sa bawat kaluluwang idinadala natin sa kasalanan ay kaparusahan ang sa atin ay nakaabang." Matthew 18:6-7 “Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito." Good night everyone❤️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet