read.cash Log in
@BabyStarCandy more from that month

Ngayon ay Huwebes Santo, isang araw bago ang pagpako sa Panginoon Hesukristo. Tayo ay magnilay sa dalawang mahalagang pangyayari na naganap sa araw na ito: Una, ng ipagdiwang ni Hesus ang Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga alagad at ng itinatag ang Huling Hapunan o Kumunyon. (Lukas 22:19-20) Ikalawa, ng hinugasan ni Hesus ang mga paa ng mga alagad bilang pagpapakita ng pagpapakumbaba at paglilingkod at sa gayon ay nagbigay Siya ng halimbawa na dapat tayong mag-ibigan at maglingkod sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig at kapakumbabaan (Juan 13:3-17) Nawa'y alalahanin natin ngayon araw na ito at sa mga darating pang mga araw ang pagsasakripisyo ni Hesus para sa atin at isapuso ang halimbawa ng Kanyang kapakumbabaan at kung paano tayo mamuhay bilang mga Kristiyano (Filipos 2:1-11)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.