read.cash Log in
@BabyStarCandy more from that month

Sa pagpapagaling ng mga maysakit na mistulang hindi na mapagagaling, pinakikita ng ating Panginoon na higit na makapangyarihan Siya sa lahat ng ating mga pagkukulang. Subalit upang matanggap ang biyayang ito, kinakailangan din nating maging bukas sa pagpapagaling at pagbabago. Paano kaya tayo nagiging bukas sa biyaya ng Panginoon ngayong araw sa pamamagitan ng pakikinig at pagtitiwala sa Kaniya? Binubuksan ng ating pananampalataya ang sarado nating mga mata at taynga, at pinalalawak nito ang ating pananaw sa buhay pati na ang ating kakayahang magpakabuti. Isang mapagpalang hapon ng araw ng Linggo po sa ating lahat!❤️ #GoldenBaby💛

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.