PINK CHRISTMAS TREE, SPOTTED SA BATANGAS CITY Naging usap-usapan sa social media ang Christmas tree na ito sa Plaza Mabini, Batangas City. Pinag-usapan ito hindi dahil sa taas o disenyo ng Christmas tree, ngunit dahil sa kulay nito. Komento ng ilan, maganda raw na kakaiba naman ang kulay ng Christmas tree upang hindi na laging berde na siyang karaniwang kulay ng Christmas tree. Komento naman ng iba, maging ang Christmas tree ay hinaluan na rin daw ng politika. Ayon naman sa mga nakakita nang pailawan ito sa Plaza, nag-iiba-iba ang kulay nito at nagiging pula at berde. Ngunit kahit ano pa man ang kulay ng Christmas tree na ito, mahalagang ipakita at iparamdam pa rin sa bawat isa ang respeto at pagmamahal na siyang tunay na diwa ng pasko. 📷 Dhess Aclan Ang cute ng Christmas 🎄 😍 maganda lalo yan sa gabi pag bukas mga Christmas lights.
No comments yet